Hilig ng Binata ang Mamboso ng mga Naka-Palda sa Jeep, Labis ang Kanyang Pagsisisi nang Biglang Lumobo ang Kanyang Pagkalalaki

Imbis na tamarin ay ganadong-ganadong gumising si Manuel tuwing umaga upang pumasok sa trabaho. Panibagong araw na naman kasi ng pagsakay niya ng jeep, at panibagong mga babae na naman ang kaniyang lihim na mabobosohan.

Mabilis na naligo, nagbihis, at kumain ng agahan si Manuel. Nagmadali siyang makasakay ng jeep dahil mahuhuli na rin siya sa kaniyang trabaho. Halos pumalakpak na naman ang kanyang tenga nang makitang halos lahat ng kasakay niyang babae sa jeep ay nakasuot ng palda. Alas siyete na kasi ng umaga at halos lahat ng kanyang mga kasabay ay papasok na rin sa trabaho.

Nanlaki na naman ang mga mata niya nang makita ang isang magandang babae na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa ay dahan-dahan na niyang ibinababa ang kanyang tingin sa palda ng babae. Abang na abang rin siya sa panahong mapapabukaka ito upang masilayan ang kanyang kanina pa inaabangang salawal. Tuwang-tuwa naman ang g*go nang madaan sa lubak ang jeep at saktong nakita niya na nga ang hinahanap niya.

“Wow! Red! Favorite color ko ‘yan e,” nakangising bulong ni Manuel sa sarili.

Agad naman siyang napansin ng isang ginang na katabi ng babae. Binulungan niya ang dalaga, at sabay titig ng masama kay Manuel. Sanay na sanay na si Manuel sa ganitong eksena, ngunit hindi pa siya nakakatikim ng leksyon dahil wala pa namang nakakahuli sa kanya na may ebidensiya.

Ganado na namang pumasok sa trabaho si Manuel. Buong araw niyang pinagpapantasyahan ang pulang salawal ng babaeng nakasakay niya kanina. Ngunit nang pauwi siya, halos tumulo ang laway niya nang makita ang isang napakagandang babae na akala mo ay diyosa na nakasabay niya sa jeep. Agad niyang nakalimutan ang babaeng nakasakay noong umaga, at ang buong atensyon ay ibinaling niya sa babaeng kasakay niya ngayon.

“Kapag sinuswerte ka nga naman oh!” bulong na naman nito sa kanyang sarili.

Halos kabisado na ni Manuel ang bawat lubak na makakapagpahiwalay sa mga binti ng mga babaeng naka-palda. Ilang taon niya na rin kasi itong ginagawa. Kaya naman talagang ibinigay niya ang lahat ng kanyang atensyon sa pagitan ng binti ng dalaga nang makita niyang malapit nang dumaan sa paborito niyang lubak.

Advertisement

“Ayyyy! Kuya! Ano ba ‘yan!” sigaw ng isang ale nang mapa-prenong bigla ang drayber. Muntik pala itong mabangga sa isa pang jeep na bigla na lamang tumigil sa kanilang harapan.

Imbis na mainis, halos lumuwa na ang mata ni Manuel sa gulat dahil sa kanyang nakita.

“Wow, miss!” bulalas ni Manuel, hindi na niya alintana na napakalakas pala ng kanyang pagkakasabi. Gulat na gulat kasi siya nang makitang walang suot na salawal ang babae.

Natigil ang pagpapantasya ni Manuel nang magsalita ang isang babae.

“Manyakis! Alam mo, dati pa kita nakakasakay e. Lahat ng dalaga, minamanyak mo! Baboy!” sigaw ng isang ale sa kanya.

Dahil ayaw mapahiya at magsimula ng gulo, agad namang bumaba ng jeep si Manuel. Kuntento na siya at busog na busog na ang kanyang mga mata sa nakita. Nang lingunin niya ang jeep na nakaandar na ay nakita pa niyang nakalingon ang magandang babae sa kanya. Nakangiti pa ito na tila ba ay nang-aakit.

Nang makauwi sa kanyang bahay, kakaibang pakiramdam ang agad niyang naramdaman sa kanyang ari. Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwarto upang tingnan kung anong nangyayari rito.

“Wahhh! Anong nangyayari? Bakit lumobo ang junjun ko?!” sigaw ni Manuel. Nagising ang kanyang ina sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya.

Advertisement

“Hoy! Manuel! Anong nangyari?” tanong nito habang kumakatok sa kwarto ng kanyang anak.

“Mama! Namamaga si junjun ko! Nagsusugat rin at parang may tubig na lumalabas. Ang sakit-sakit!” malakas na sigaw nito.

Dahil makaluma, agad tumawag ng albularyo ang nanay ni Manuel. Mabilis itong rumesponde at nakarating agad sa kanilang bahay. Nang tingnan ni Mang Ernesto ang kanyang ari, agad nitong nalaman ang dahilan.

“Nakulam ka, Manuel,” saad nito.

“Ha? Nino? Bakit?!” bulalas ni Manuel.

“Ayan! Manyakis ‘yan si kuya e. Ang dami na kayang nagrereklamong mga kapitbahay sa’yo,” kantyaw ng bunsong kapatid niya na si Ethan.

Napagtanto ni Manuel na baka tama nga sila. Bigla niyang naalala ang mukha ng napakagandang babaeng nakasabay niya kanina sa jeep. Magmula nang nangyari kanina ay nagsimula rin ang pananakit ng kanyang pagkalalaki.

“Eh ano hong gagawin ko para bumalik ito sa dati? Ang manoy ko!” tanong ng desperadong si Manuel.

Advertisement

“Magbago ka, hijo. Kadalasan, ginagawa lamang iyan ng mga mangkukulam kapag may ginawa kang masama. Ikaw lang ang nakakaalam niyan sa sarili mo. Baguhin mo ang dapat baguhin. Iyon lang ang masasabi ko, aalis na ako,” wika ng matandang albularyo.

Halos hindi makatulog sa sakit si Manuel. Sa limang oras na siya ay gising, labis ang kanyang pagsisisi sa ginawang pambabastos sa mga babaeng nakakasabay niya tuwing umaga. Kaya naman nangako siya na simula sa araw na ‘yon ay sisimulan na niya ang pagbabago.

Ilang araw ang lumipas at ganoon pa rin ang ari ng lalaki. Namamaga, nagtutubig, at nagbabalat. Namimilipit pa rin siya sa sakit. Ngunit ayon sa payo ng albularyo, tinuloy-tuloy pa rin niya ang pagbabago sa kanyang nakasanayang pangmamanyak. Iniiwasan niya na ang pagtingin sa mga kababaihan na may halong pagnanasa. Nilibang din niya ang kanyang sarili upang hindi na makaisip pa ng kung anong kamunduhan.

Isang buwan ang lumipas at napanindigan ni Manuel ang pagbabago. Unti-unti na ring umimpis ang kanyang namamagang ari. Humilom na rin ang tila sugat na nakapalibot dito. Nang tuluyang gumaling, nangako si Manuel sa kanyang sarili na kailanma’y hindi na babalik sa mga dati niyang gawi. Mabuti na lamang at isang mangkukulam ang nagturo sa kanya ng matinding leksyon na hindi niya malilimutan habambuhay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!