Nang Disgrasyang Mabuntis ang Babae ay Hindi Alam ng Magkasintahan Kung Saan Kukuha ng Perang Pampaanak, Isang Milagro ang Naganap Dahil sa Tiyaga Nila

Dalawang taon nang mag-nobyo sina Annie at Miro, pareho silang nagtatrabaho sa isang opisina sa Taguig at doon nila nakilala ang isa’t isa. Bagamat maganda ang trabaho ay sapat lamang iyon para sa kani-kanilang pamilya. breadwinner kasi si Annie at si Miro naman ay nag iisang anak pero tumutulong sa kanyang nanay na biyuda.

“Ano? Dalawang linya pa rin?” kinakabahang tanong ni Miro sa nobya, nagpregnancy test kasi ang babae, pangalawang subok na ito pero dalawang linya pa rin ang lumalabas. Ibig sabihin ng dalawang linya, positive. Buntis si Annie.

“Oo eh..” mahinang sabi ng babae.

“A-ayos lang yan mahal.. kaya natin yan.” inakbayan ng lalaki ang nobya bagamat siya rin ay hindi alam ang gagawin sa puntong ito. Kahit pa sabihing nasa tamang edad na sila, hindi pa rin sila handa sa ganito kalaking responsibilidad. Pero dahil ginawa nila ito ay dapat nilang panindigan.

Naipagtapat nila sa kani-kanilang pamilya ang pagbubuntis ni Annie at maluwag na tinanggap naman ng mga ito ang kanilang sitwasyon. Wala namang naging pagkukulang ang dalawa dahil naging mabuti silang mga anak, kaya lang ay malaki ang problema nila dahil sa paglipas ng mga buwan, hindi umiikot ang bata.

Imbes na ulo ang nasa ibaba ay paa ang mauuna rito, ‘suhi’ kung tawagin. Ibig sabihin, hindi ito maaaring ilabas ng normal at kailangang i-cesarean si Annie.

“Mga magkano naman ho kaya Doc?” tanong ni Miro sa doktora na tumitingin sa nobya.

“Kung normal siguro ay nasa 32, 000 pero dahil cesarean at kailangan siyang operahan, mga 40,000-50,000 pesos ang ihanda ninyo.” sabi ng doktora.

Advertisement

Napahawak naman sa dibdib niya si Annie, napakalaking halaga naman yata!

Hindi man nila sinasabi ng malakas ay alam ng dalawa na pareho silang namomroblema, ayaw naman nilang piliting i-normal at maging delikado ang buhay ng kanilang anak. Pagkababa nila ng sinasakyang jeepney ay napadaan sila sa tindahan ng repacked goods.

Problemado ka? Ikain mo nalang yan! sabi sa karatula ng tindahan. Parang biglang kumulo ang tiyan ni Annie, tila ba nagmaktol ang sanggol sa loob na ibili siya ng tinitinda roon. Pumasok sila at bumili ng isang plastic ng nire-pack na marshmallow.

Pagpasok nila sa opisina, agad napansin ng ibang empleyado ang kinakain ni Annie.

“Uy masarap yan. favorite ko yang mallows eh! Saan mo nabili?” tanong ng isa.

Sasagot pa lang si Annie nang lumapit ang isa pa niyang kasamahan.

“Hala.. pabili ako Annie.” sabi nito.

“Huy Miro, eto ba ang business nyo ni Annie?” biro pa ng isa. Nagkatinginan naman ang magkasintahan. Bakit nga ba hindi?

Advertisement

Kinabukasan ay sinubukan nilang bumili muli ng ilang plastic at ibinenta nila sa opisina, ubos.

Ganoon ulit kinabukasan pa, ubos ulit.

Nagtulong ang dalawa, si Annie ang nagkukwenta habang si Miro naman ang tagabuhat, maging sa ibang department kasi ay may bumibili na rin sa kanila.

Hindi namamalayan ng magnobyo na nakaipon na sila ng pondo para sa panganganak ni Annie, sa totoo lang ay sumobra pa nga. Paglabas ng bata, itinuloy nilang dalawa ang negosyo hanggang sa lumago pa ito nang lumago.

Hindi na bumalik sa trabaho si Annie, nag-focus na lang siya sa pag aalaga sa kanilang anak, nagrerepack na lang siya sa bahay bilang tulong sa kanyang asawa na siya naman nagdedeliver ng mga ito sa opisina.

Ang negosyong nagsimula sa maliit ang siya na ring tumutulong sa pamilya ni Annie, nakakapag abot pa rin ng pera si Miro sa kanyang ina dahil rito. Tunay ngang ‘God will provide’ sa mga panahong akala nating wala nang pag asa, basta magsumikap lang at magtiwala ay may darating na biyaya.

Matapos ang isang taon ay nagpakasal na rin ang dalawa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement