Hiniwalayan ng Bulag na Babae ang Kanyang Nobyo nang Makakita Siya, Di Niya Lubos Maisip Kung Sino ang Nagbigay ng mga Mata sa Kanya

Si Sara ay nabulag noong siya’y 8 years old pa lamang. Simula noon ay nagbago na ang buhay ng dalaga, naging tampulan siya ng tukso, at hindi makapasok sa eskwela tulad ng mga normal na bata. Marami ring bagay ang hindi na niya magawa. Nakasanayan niya na ang ganoong buhay , hanggang ngayon 24 years old na siya. Pero kahit ganon, hindi nawawala ang pag asa sa puso niya na isang araw, makakakita siya ulit. Masisilayan niya ulit ang mundo, at magagawa niya nang mamasdan ang mukha ng nobyong si Matt.

Mabait si Matt, kaklase ito ng pinsan niyang si Von at minsang dumalaw ito sa probinsya nila, kung saan sila nagkakilala. Sa una ay duda si Sara sa intensyon nito, sino nga ba naman ang magkakagusto sa bulag?

Pero pinatunayan ni Matt na malinis ang intensyon nito sa kanya at hindi siya sinukuan. Kaya naman madali na ring nahulog ang loob niya sa binata, sa katunayan, ngayon ay ang kanilang 3rd anniversary, at naghihintay siya ngayon sa kanilang bakuran para sa pagdalaw nito.

Dahan dahang may tumakip sa mga mata niya mula sa likuran.

“Hulaan mo kung sino ako..” sabi ng lalaki, na kilalang kilala niya naman kung sino.

“Ano ba Matt, kahit di mo takpan yan, hindi pa rin kita makikita.” natatawang sabi naman niya.

Napatawa rin ng mahina ang lalaki at umupo na sa tabi niya, may sasabihin raw ito, bulong nito sa kanya. Iniabot naman nito sa kamay niya ang isang ..singsing?

“Pakasalan mo ako Sara. Aalagaan kita at di ako magsasawang mahalin ka.” Sinsero ang lalaki.

Advertisement

Nadurog naman ang puso ni Sara, nababaliw naba ang lalaking ito?

“Hindi ko kaya Matt. Paano tayo mabubuhay ng ganito? Buong buhay akong magiging pabigat sayo.. hindi kita makikita, hindi ko makikita ang mga anak natin, ang lahat. Kung hindi lang sana dahil sa kondisyon ko..” nangingiyak niyang sabi.

Umalis nang tahimik ang lalaki, marahil ay nasaktan sa di inaasahang sagot ng nobya. Ilang araw ang nakalipas..buwan.. ay hindi nagparamdam ito. May nakapagsabing bumalik ito ng Maynila, masakit man para kay Sara ay wala siyang magawa.

Ang tanging nagpangiti sa kanya, ay ang balitang may eye donor na siya! Sa wakas, hahanapin niya si Matt basta makakita lang siya.

Naging matagumpay ang operasyon at mabilis lumipas ang panahon, gumaling na si Sara. Tinanong niya agad sa pinsan ang address ni Matt sa Maynila at laking gulat niya nang malamang hindi pala lumuwas ito at nasa parehong probinsya lang sila. Agad niyang pinuntahan ang tinitigilan ng binata.

Natagpuan niya ito sa tabi ng bintana, nakatanaw sa malayo. Siguro galit pa rin sa akin, di bale.

“Matt,” tawag niya rito.

Napapitlag ang lalaki at kinuha ang.. baston?

Advertisement

Kakapa kapa itong lumapit sa kanya, at kahit hirap hanapin kung nasaan siya at nagawa siya nitong ikulong sa bisig at yakapin ng mahigpit.

“Alam kong babalik ka Sara. Napag isipan mo naba ang alok ko mahal? Hindi kita pababayaan..” pabulong nitong sabi.

“Paanong hindi eh bulag ka? Kelan mo pako niloloko? Kaya mo ba ako minahal at gustong pakasalan dahil tingin mo bagay tayo sa parehong kapansanan natin? Nakakakita na ako ngayon, wag mo akong ikulong sa relasyon na to para lang may karamay ka!” kumalas si Sara sa yakap ng naiiyak na nobyo at akmang lalabas na ng pinto.

Bago pa siya makalabas ay napatigil siya sa sinabi ng nobyo.

“Sige malaya kana mahal.. sana ingatan mo ang sarili mo…

at ang mga mata ko.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.