Kinaiinggitan ng Driver ang Mayamang Amo, Laking Gulat Niya nang Malamang Mas Mayaman Pa Pala Siya Dito

Limang taon nang driver ng isang mayamang businessman si Mario. Hindi naman siya nakatapos ng kahit high school kaya wala siyang mapasukang ibang trabaho kung hindi ito. Pagkatapos tumigil sa eskwela ay tumulong na lang siyang mangisda sa kanyang ama, naging jeepney driver nang magbinata at eto ngayon, maswerteng nakakuha ng disenteng trabaho sa isang mayamang pamilya.

Madalas ay naiinggit siya kapag nakikita ang amo, kagalang galang ang matanda. Lahat na ng maaaring hilingin ni Mario sa mundo ay tila ba nasa matanda na, malaking bahay, maraming sasakyan, sariling negosyo, napagtapos sa mga magandang eskwelahan ang mga anak na ngayo’y nasa abroad na, at syempre, maraming pera.

Dito sa pagiging driver niya binubuhay ang kanyang pamilya. Isang araw habang ipinagda-drive ni Mario ang matanda ay nakiusap ito sa kanya na ihinto muna sa madadaanang restaurant ang sasakyan, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian.

“Lika Mario, sabayan mo na ako.” anyaya nito sa kanya at ipinag order din siya ng pagkain.

“Ser, swerte nyo ho ano. Nasa America na sina Ma’am Abigail,” nahihiyang panimula niya, na ang tinutukoy ay ang mga anak nitong nasa ibang bansa.

“Nagsimula din ako sa maliit Mario, tindero ako dati sa bakery ng tita ko, nang ipanganak yang si Abigail ay naging salesman naman ako sa mall.” kwento nito na ikinagulat niya.

“Talaga ho? Ang swerte nyo ho pala talaga sa negosyo. Siguro ho ay wala na kayong mahihiling pa ano Ser?” tanong niya rito, pero ikinagulat niya ang sagot nito. May lungkot sa mga matang nagsalita ang matanda.

“Sa totoo lang Mario, marami pa akong mga hiling. Pero hindi na siguro yaman yun.” sabi naman ng matanda. Nagtaka naman si Mario kung anu pa ang pwedeng hingiin ng matanda gayong narito na ang lahat.

Advertisement

“Ano naman ho yun?” maang na tanong niya rito.

“Kung maibabalik ko lang, ang hiling ay sana nakuntento ako. Sana hindi ko inubos ang oras ko sa trabaho, yumaman nga ako pero napalayo naman sa akin ang mga tunay kong kayamanan, ang aking mga anak. Sana ay naihatid ko sila sa eskwela, sana nakalaro ko sila ulit katulad noong maliit pa sila. Tignan mo ngayon, mas piniling tumira sa America kaysa makasama ako.” malungkot sa sabi nito.

Natahimik naman si Mario. Pagkauwi niya nang gabing iyon ay sinalubong siya ng yakap ng kanyang mag iina, napangiti siya. Mas maswerte pa pala siya dahil kahit payak ang kanilang buhay ay malapit naman sila sa isa’t isa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!