Binayaran ng Malaking Halaga ang Babae para Magpakasal sa Di Kilalang Lalaki, May Mas Malaking Sorpresa Palang Naghihintay sa Kanya

Maagang nabiyuda si Salome. Pumanaw ang kanyang awasa sa sakit na pneumonia at naiwan sa kanya ang kanilang anak na limang taong gulang na batang lalaki kaya wala siyang nagawa kundi bumalik sa tiyahin niya na si Aling Norma.

Image courtesy of www.google.com

Ulilang lubos na siya at wala nang ibang pamilya kundi ang kapatid ng kanyang yumaong ama.

“O bakit narito ka, di ba umalis ka na at nakipagtanan sa lalaking iyon tapos babalik ka dito?” bulyaw ng babae.

“Parang awa niyo na po, wala na kaming ibang matutuluyan ng anak ko. May trabaho naman po ako kaya makapag-aabot ako sa inyo ng pera. Hindi niyo po kami pakaining mag-ina,” pakiusap niya sa tiyahin.

Nang sinabi niya ang tungkol sa pag-aabot ng pera ay biglang nagliwanag ang mata ng babae.

“E, ano pa bang magagawa ko!?” inis na sabi nito.

Habang nasa poder ng tiyahin ay halos alilain siya nito kapag wala siyang pasok sa trabaho. Siya ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa bahay. Siya ang naglilinis ng bahay, nagluluto at naglalaba habang ang tiyahin ay kain at tulog lang ang ginagawa. Pinagkakasya niya ang oras sa lahat ng gawaing bahay at pag-aalaga sa kanyang anak.

Image courtesy of www.google.com

Isang araw ay may kumatok sa pinto ni Aling Norma at nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang kapitbahay na si Aling Baby.

Advertisement

“Uy, Norma may kilala ka bang babae na single at maganda?” tanong nito.

“Sa dinami-dami ng kapitbahay natin ay ako pa talaga ang napili mong pagtanungan?”

“Siyempre, di ba dati kang nagtrabaho sa club kaya baka mayroon kang kakilala?”

“Bakit, aanhin mo ang babae?” nagtataka nitong tanong.

“May kilala kasi akong naghahanap ng mapapangasawa. Naku, Norma handa itong magbayad ng malaking halaga pakasalan lang siya!”

“Talaga ba?”

Biglang may naisip si Aling Norma.

Kinagabihan ay kinausap ng babae ang pamangkin.

Advertisement

“Hoy, Salome magbihis ka! Isuot mo ang pinakamaganda mong damit,” anito.

“Bakit po?”

“May bisita tayong darating kaya kailangan na presentable ka!”

Mayamaya ay dumating na ang espesyal nilang bisita.

“Magandang gabi, Norma! Narito na kami!” bungad ni Aling Baby.

Ipinakilala ng babae ang lalaking kasama. May edad na ito at halatang mayaman sa suot na damit.

“Siya nga pala si Agaton!” pakilala ni Aling Baby.

“Salome, si Agaton ang mapapangasawa mo?” sabi ng tiyahin.

Advertisement

Nagulat siya sa sinabi ng tiyahin. Hindi niya akalain na binubugaw siya nito.

“Ano pong ibig sabihin nito?”

Hinila siya sa braso ng tiyahin at palihim na kinausap.

“Ito na ang pagkakataon mong magkapera, Salome. Kailangan mo lang siyang pakasalan at babayaran ka niya ng malaking halaga.”

Halos magpanting ang tainga ni Salome sa gustong mangyari ng tiyahin.

“Hindi niyo man lang ako kinonsulta tungkol dito, tiya? Anong akala niyo sa akin, babaeng bayaran?”

“Mag-isip-isip ka nga, Salome. Paganahin mo iyang utak mo! Ubod ng yaman ni Agaton at maibibigay niyang lahat ang pangangailangan niyong mag-ina. Tanggap niya na mayroon kang anak, ang kailangan lang niya ay asawa na makakasama niya.”

Nakahalata ang lalaki na parang nagtatalo ang mag-tiyahin kaya lumapit ito sa kanila at kinausap siya.

Advertisement

“Mawalang galang na, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Hindi mo pagsisisihan ang pagpapakasal sa akin. Bibigyan ko ng magandang buhay ang iyong anak,” anito.

“Pero wala akong nararamdaman sa iyo. Ngayon nga lang tayo nagkakilala,” wika ni Salome.

“Alam ko. Hindi iyon mahalaga sa akin, ang kailangan ko lang naman ay makakasama sa buhay. Hindi mo kailangang may maramdaman sa akin.”

Habang abala sila sa pag-uusap sa sala ay narinig ni Salome na biglang umiyak ng malakas ang anak. Dali-dali niyang pinuntahan sa kuwarto ang bata.

“Anak, bakit anong nangyari?”

“Masakit po ang tiyan ko, nanay! Sobrang sakit po!” hagulgol ng bata.

Image courtesy of www.google.com

Agad nilang isinugod sa ospital ang anak at napag-alaman nila na may bukol ang bata sa bituka na dahilan ng pagsakit ng tiyan niya. Matagal na pala ang bukol kaya kailangan nang maoperahan sa lalong madaling panahon at kung hindi ay maaaring mas lumalala pa ang kondisyon ng anak. Sinabi rin ng doktor na malaking halaga ang gagastusin sa operasyon.

“Diyos ko, saan ako kukuha ng malaking pera? Maliit lang ang kinikita ko sa pabrika!” iyak ni Salome.

Advertisement

Nilapitan siya ni Agaton at hinawakan ang kanyang kamay.

“Ako na ang magbabayad sa operasyon ng anak mo. Huwag mo nang problemahin,” wika ng lalaki.

“Pero hindi mo naman kami responsibilidad.”

“Tanggapin mo na, Salome. Tulong ko na lang sa inyong mag-ina.”

Binayaran ng lalaki ang lahat ng gastusin sa operasyon ng bata hanggang sa paglabas ng ospital. Laking pasasalamat ni Salome sa pagbuti ng kalagayan ng anak. Dahil sa tumatanaw siya ng malaking utang na loob ay pumayag siyang pakasalan si Agaton. Ikinasal sila at tumira silang mag-ina sa malaking bahay ng lalaki. Bago sila umalis sa bahay ng tiyahin ay naningil pa ito sa pagtira nilang mag-ina. Si Agaton na ang nagbayad sa sinisingil ni Aling Norma. Binayaran din nito si Aling Baby gaya ng napagkasunduan.

Image courtesy of www.google.com

Naging mabuting asawa si Agaton kay Salome. Napamahal din ito sa kanyang anak. Hindi namalayan ni Salome na mayroon na pala siyang nararamdaman sa lalaki. Habang nakahiga sila sa kama ay hindi niya napigilan na sabihin sa asawa ang tunay na nararamdaman.

“Salamat, Agaton. Salamat sa pagbibigay mo sa aming mag-ina ng magandang buhay. Salamat sa pagiging mabuting ama sa aking anak at mabuting asawa sa akin. Sa maikling panahong pagsasama natin ay natutunan na rin kitang mahalin,” pagtatapat niya.

Niyakap siya ng lalaki at hinalikan sa pisngi.

Advertisement

“Mahal din kita, Salome. Mahal ko kayo ng anak natin. Salamat at pumayag kang maging bahagi kayo ng buhay ko.”

Nang biglang dumaing si Agaton na naninikip ang dibdib nito at nahihirapang huminga ay nataranta si Salome at di malaman ang gagawin.

“Agaton, anong nangyayari sa iyo?”

Naisugod pa sa ospital ang kanyang asawa ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay. Inatake sa puso si Agaton na dahilan ng agad nitong pagpanaw.

Hindi matanggap ni Salome ang maagang paglisan ng asawa, kung kailan pa natutunan na niya itong mahalin ay saka pa ito nawala sa kanya.

Image courtesy of www.google.com

Matapos mailibing ay ipinatawag siya ng abogado ng lalaki. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng abogado.

“Ipinamamana ni Agaton ang lahat ng kanyang pera at ari-arian. Ang malaking bahay, ang kumpanya niya sa Makati, ang hacienda niya sa Bulacan at ang beach resort sa Pangasinan ay iniiwan niyang lahat sa iyo, Salome,” bunyag nito.

“T-totoo po ba, attorney, ibinibigay sa akin ni Agaton ang lahat ng iyan?”

Advertisement

“Oo, Salome. Matagal nang may taning ang buhay ni Agaton. Naghanap siya ng mapapangasawa para mapag-iwanan niya ng kanyang mga kayamanan at ari-arian dahil wala na siyang ibang pamilya at kamag-anak. Hindi lang dahil doon, naghanap din siya ng babaeng mapapangasawa dahil gusto niyang maranasan na magkaroon ng sariling pamilya kahit sa huling mga sandali ng buhay niya. Maaga ring nawala ang kanyang ama at ina kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng buo at kumpletong pamilya. Lumaki siya sa ampunan, nag-aral at nagsumikap para maabot niya ang lahat ng mayroon siya. Salamat, Salome at ibinigay mo iyon sa kanya.”

Image courtesy of www.google.com

Muling dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ni Salome. Hindi niya akalaing matindi rin pala ang pinagdanaan ni Agaton. Hindi pa rin siya makapaniwalang sobra-sobra ang ibinigay nito sa kanya at sa kanyang anak.

Nang dumalaw silang mag-ina sa puntod ng asawa ay labis-labis ang pasasalamat niya rito.

“Salamat sa lahat ng ibinigay mo, Agaton! Lalong-lalo na sa ibinigay mong pagmamahal sa akin at sa aking anak. Hinding-hindi ka namin malilimutan.”

Sa malaking kayamanang iniwan ng asawa ay mabubuhay na sila ng kanyang anak ng mariwasa at kumportable.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!