Tinawag ng ‘Inang Kalikasan’ ang Lalaking Ito; Hindi Siya Makapaniwalang Magiging Sikat Siya Dahil Dito

Tinawag ng ‘Inang Kalikasan’ ang Lalaking Ito; Hindi Siya Makapaniwalang Magiging Sikat Siya Dahil Dito

FunStoriesSuccess

“’Tol. May problema,” mensahe ni Gaspar kay Cedric sa Messenger.

“Bakit ano yon?” sagot ni Cedric.

“Ayaw lumubog ng jerbacks ko ‘tol. May naghihintay ba sa labas ng CR?” mabuti na lamang at dala niya ang laptop kaya nakakapag-chat siya.

“Oo meron. Tarages ka ang laki ng problema mo. Lumabas ka na lang na parang walang nangyari, bilisan mo! Malayo pa ang biyahe natin.”

Lumipas pa ang sampung minuto at hindi pa rin lumalabas si Gaspar mula sa banyo.

“Gaspar, ano na? Anak ng boogie, humahaba na pila sa banyo andaming naghihintay. Lumabas ka na d’yan.”

“Madami na ba? T*ng ina ‘pag minamalas talaga, oo. ‘Kala ko ba isa lang?”

“Kanina ‘yon, g*go ka kasi, sabi ko sa’yo kanina lumabas ka na dyan, ang arte mo!”

Labinlimang minuto pa ang lumipas at tinawag na ng isang kustomer ang manager ng restawran.

“Kanina pa yung lalaki diyan eh p*ta, ihing-ihi na ako. Pakikatok na nga at baka kung ano na ang ginagawa, o baka naman kung ano na ang nangyari!” sabi ng lalaki.

“Oo nga… baka mamaya may kah*layan nang ginagawa, baka mamaya eh may kasama pala sa loob at ginagawa na itong motel. Ang baboy naman!”

“Gaspar. Yung kumakatok nang malakas, yung manager ‘yan! Hayop ka, buksan mo na ‘yang pinto baka tadyakan pa nila ‘yan.”

“Teka teka, p*[email protected] ina naman kasi. Eh pano ‘ko lalabas, nakakahiya. T*ng inang [email protected] ‘to!”

“May bintana ba dyan?”

“Wala. Exhaust fan lang. Tibagin ko na kaya yung exhaust tapos dun ako dumaan?”

“Ano ka tuta? Ulo mo lang ang magkakasya d’yan, g*go. Lumabas ka na dyan k*ng ina mo. Nakaabang na lahat ng tao dyan sa pinto.” Hindi na mapakali si Toti dahil pati sa kanya ay sumusulyap-sulyap na rin ang mga tao bilang alam nila na sya ang kasama ng taong huling pumasok sa banyo.

“Sir? Sir may problema po ba? Sir?” Kumakatok pa rin ang manager ng restawran. “Marami na po kasing naghihintay na mga tao rito sa labas. May problema po bang nangyayari sa loob?”

“Gaspar! Ano na? Bahala ka dyan lalabas na ‘ko, hihintayin na lang kita sa parking area.”

Nasa mismong pintuan na si Cedric nang makita niyang tumayo si Miguel Castro, isang kilalang reporter sa isang panggabing newscast.

“Ano po bang problema d’yan, sir?” tanong ni Miguel sa manager.

“Gaspar. P*t*ng ina may reporter sa labas ng banyo. Lumabas ka na diyan. Ito na lang ang huling paraan na naiisip ko, dakutin mo na ‘yan at ibato mo sa labas, doon mo padaanin sa exhaust fan. Dali!”

“T*ng ina Cedric! Makulong na ‘ko pero hindi ko gagawin ‘yon.”

“T*ng ina mo wala pa ‘kong narinig na nakulong dahil hindi lumubog ang [email protected] nya sa inidoro. Lumabas ka na dyan!”

“Kunin mo yung camera, may sitwasyon tayo rito. Sir, kailangan na po nating sirain ‘tong pinto,” mungkahi ni Miguel sa manager.

Ganoon na lang ang gulat ni Cedric nang marinig ang reporter. Kapag nagkataon ay mapapanood pa nang live ang kaibigan sa telebisyon. Kahiya-hiya naman!

Ngunit huli na dahil nagsalita na ang reporter at kasalukuyan na siyang kinukuhanan ng kaniyang cameraman. Tinatanong na rin siya ng newscaster sa nagbabalita sa studio.

“Live po tayo ngayon dito sa **** at kasalukuyan pong may konting kaguluhan dito at mayroon pong nagkulong sa loob ng banyo. Mag-iisang oras na po at nangangamba na kami na may nangyari na sa loob at…”

“Tama na!”

Tinginan ang mga tao kay Cedric.

“Anong sitwasyon ang sinasabi mo? Walang problema, ‘tong tarantadong nasa loob ng banyo. Ayaw lang lumubog ng [email protected] niya, okay? Ayaw lumubog ng p*[email protected] in*ng [email protected]!”

Dahan-dahang umatras papalayo ang mga tao. Ngunit bukod sa camera ng cameraman ay nakatutok din sa pinto ang mga cellphone ng mga nakaantabay na nagnanais na magbanyo.

“Gaspar… wala nang tao. Pwede ka nang lumabas.”

Pagkalabas niya, nagsitakipan ng ilong ang mga taong nag-aabang sa kaniyang paglabas, kabilang na ang reporter na si Miguel.

Wala pang isang oras matapos ang insidente ay sikat na si Gaspar sa social media.

“Sabi mo kasi lumabas na ako at walang tao, nakakahiya tuloy! Pinagtatawanan ako ng mga katrabaho at kapitbahay ko, nakakahiya!” naiinis na sabi ni Gaspar sa kaniyang kaibigang si Cedric.

“Eh kasi kung hindi ka pa lalabas doon, tiyak na mas malaking eskandalo ang magaganap. Kaya sa susunod, bago ka magpunta sa palikuran, sisiguraduhin mo muna na gumagana ang flush ng inidoro, para alam mo kung puwede kang maglabas!”

More Stories