Ninais ng Dalaga na Humingi ng Tawad sa Kaklaseng Inapi Dati, Tulala Siya nang Malaman ang Sinapit Nito

“Okay class, that’s it for today. Please prepare your project, doon ko kukunin ang halos 80% ng grade nyo for this semester,” sabi ng guro at lumabas na.

Nang masiguro ni Angelica na wala na ang professor ay nakangisi siyang tumayo at nilapitan ang kaklaseng si Pauline. Nagbulungan ang iba nilang kamag-aral habang natatawa naman ang iba.

Hinaltak niya ang buhok ng papatayo na sanang dalaga.

“At saan ka pupunta?” nakataas ang kilay na tanong niya rito.

“M-Magre-review sana ako. May exam raw sabi ng Mrs.Santos diba-“

“Walang magre-review. Nasaan na ang assignment ko sa Sociology?” sabi niya, nakalahad ang kamay.

Inilabas nito mula sa bag ang ilang papel at iniabot sa kanya. Lumaki ang ngiti ni Angelica. Sigurado siyang mataas na naman ang grade niya at mapupuri siya ng teacher.

Hindi ito ang unang beses na binully niya ang kamag-aral. Katunayan ay marami siyang ipinapahiya pero ito ang pinaka-paborito niya. Matalino kasi at ang alam niya pa, walang magulang dahil lola lang ang kasamang lumipat rito sa Maynila. Kaya malakas ang loob niya dahil walang magtatanggol rito.

Advertisement

Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit na ang deadline ng pasahan ng project. Syempre, walang gawa si Angelica. Bago pumasok sa classroom si Pauline ay hinarang niya ito.

“Thanks,” sabi niya, kinuha ang hawak nitong proyekto.

“A-Angelica-” bago pa man ito makasalita ay dumating na ang kanilang guro. Medyo hindi maganda ang mood nito. Dali-daling binura ni Angelica ang pangalan ni Pauline at ipinalit ang sa kanya.

Tinawag na sila isa isa at taas noo niyang ipinasa sa guro ang hawak na proyekto, nakangiti naman siyang nag-abang na tawagin si Pauline.

“Mary Pauline Janabajab.”

Walang lumalapit. Tumaas ang kilay ng guro,”Janabajab?” ulit nito. Tapos ay hinanap ng mata si Pauline.

“Ma’am wala ho akong project.”

“What? I gave you two weeks to do this! I am so disappointed. Sorry Pauline, alam kong mabait ka pero I have to follow the rules.”

Advertisement

Dahil hindi nakapagpasa ay bumagsak sa subject na iyon ang dalaga. Grabe ang pagmamakaawa nito sa teacher pero di ito inintindi.

“Ma’am parang awa nyo na ho wala kaming pera ng lola ko para umulit pa ho ako.. Ma’am parang awa nyo na po..”

“Come on Pau, sukuan mo na. Bagsak kana. Galingan mo nalang sa summer class,” humahagikgik na sabi ni Angelica, katabi niya sa isang gilid ang mga kaibigan at pinapanood ang pagmamakaawa ng pobreng dalaga.

Hindi umalis doon si Pauline, umuwi na at lahat ang guro ay naroon pa rin siya at nakaluhod. Pinagpi-picturan nina Angelica ang dalaga at ipinost pa iyon sa social media.

Nang magtagal ay tinamad na rin siya at umuwi na.

Mula noon, wala na silang narinig pa kay Pauline. Hindi na rin ito pumasok nang sumunod na semester. Medyo naalanganin si Angelica dahil ito ang taga-gawa niya ng assignment.

Siguro dapat ay utuin niya, kunwari makikipagbati na siya para pumasok na ulit. Lalo pa ngayong mahirap makapasa dahil mahihigpit ang mga professor. Kailangang kailangan niya si Pauline.

Kasama ang tatlong kaibigan ay ipinagtanong nila ang tinitirhan nito, natunton nila ang isang lumang barung-barong.

Advertisement

Matatanaw mula sa labas ang matandang babaeng nakaupo sa tomba-tomba. Tila ba ito may kausap.

“Oo apo, hayaan mo na iyon. Ganoon talaga, hindi mo naman makakasundo ang lahat. O, saan ka pupunta? Teka Pauline, bumalik ka nga rito-” sabi ng matanda.

Di nila masyadong maaninag ang kausap nito kanina dahil may harang na kurtina.

“Tao po,” tawag ni Angelica.

Kunot noong tumanaw ang matanda sa labas at hirap na hirap na naglakad, “S-Sino sila?”

“Classmates po kami ni Pauline,”

“Pasok!” sabi agad nito at binuksan ang kawayang gate.

Nang makaupo sila sa tapat ng kahoy na mesa ay hinainan sila ng kakanin at kapeng walang gatas.

Advertisement

“Pasensya na kayo ha. Wala akong mautusang bumili ng softdrinks eh. Si Pauline ko ay ayaw na naglalalabas,” sabi ng lola.

Nakaramdam ng kaunting pagkahabag si Angelica, alam niya namang wala nang magulang ang kaklase pero di niya akalain na ganito kahirap ang buhay nito.

Lalo pa siyang nakunsensya nang magkwento ang matanda, “Ku, mabait ang apo kong iyan. Iyan na nga lang ang mayroon ako dahil naaksidente ang mga magulang niya. Nakakaawa rin si Pauline ko, hindi ko mabigyan ng magandang buhay.

Kailangan pa siyang magtrabaho sa Jollibee para lang may pambaon at pang-project..sabi niya nga sa akin ay ga-graduate na raw siya. Magaling raw siya sa eskwela at kaibigan niya kayong lahat.”

“P-Pwede ko po ba siyang makita?” sabi ni Angelica, bigla siyang kinain ng konsensya. Ngayon ay totoo na ang paghingi niya ng tawad.

“Diyan sa kwarto namin, katukin mo nalang. Ayaw lumabas eh.”

Tumayo ang dalaga at marahang kinatok ang kawayang pinto pero walang sumasagot.

“P-Pauline? Si Angelica ito.. alam ko malaki ang atraso ko sayo. Sana kausapin mo ako,” bulong niya sa pinto pero wala pa rin.

Advertisement

“S-Sige hija, pasukin mo na.” sabi ng matanda.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at pumasok sa loob pero ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makitang walang tao roon. Inikot niya ang paningin sa paligid, naroon ang larawan ni Pauline sa ibabaw ng tokador. May nakatirik na dalawang kandila.

Napalakad siya ng paatras at nagulat siya dahil naroon pala ang matanda sa likod niya. Nakatingin sa kawalan.

“Nagpakamatay ang apo ko dahil bumagsak siya sa isang subject..nagpakamatay siya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa akin na hindi muna siya makaka-graduate..nagpakamatay siya dahil sayo.”

Nanigas si Angelica, namanhid ang buo niyang katawan at ang lakas lakas ng tibok ng kanyang puso. Buti nalang ay kasama niya ang mga kamag-aral na siyang umakay sa kanya palabas ng bahay.

Bago sila tuluyang makalabas ng gate ay narinig pa nilang tumawa ang matanda, nasiraan pala ito ng bait mula nang mawala ang apo.

Dumalaw si Angelica sa puntod ni Pauline at paluhod na humingi ng tawad, kahit na anong sigaw niya ng ‘sorry’ ay huli na. Hindi na iyon maririnig pa ng inapi niyang kamag-aral.