Naging Abala ang Mister sa Pakikipaglaro sa Apoy; ‘Di Niya Akalaing Ibang Apoy Pala ang Tutupok sa Kaniyang Tahanan

“Happy anniversary, babe! I love you!” pagbati ni Bryan sa kasintahan pagkapakita ng regalo niyang mamahaling kuwintas.

“Wow! Ang ganda naman nito, babe. Mukhang mamahalin ‘to ah,” tugon ni Mae bago halikan ang kasintahan.

“Of course! Anything for you my babe,” ang sabi ni Bryan bago isuot ang kuwintas sa leeg nito.

Nang matapos nila ang kanilang pagkain sa restaurant ay dumiretso ang dalawa sa condo na kinuha ni Bryan para kay Mae at doon nagpalipas ng gabi ang magkasintahan.

Kinabukasan ay parehas na lumiban sa trabaho ang dalawa upang ipagpatuloy ang kanilang selebrasyon at upang mas matagal na makasama ang bawat isa.

Pagdilim ay nagpaalam na si Bryan kay Mae. Sinubukang pigilan ni Mae ang kasintahan ngunit kinailangan niya na talagang umuwi.

Pagkauwi ng bahay ay sinalubong siya ng isang babae at ng tatlong mga bata.

“Hi Daddy! Ang tagal niyo naman pong umuwi,” ang sabi ni Risa na pangalawa niyang anak.

Advertisement

Matapos batiin ang mga anak at abutan ng mga pasalubong ay naglakad na ito patungo sa kuwarto nang hindi man lang iniimik ang asawa kaya naman si Rose na ang unang nakipag-usap dito:

“Honey, kamusta ‘yung seminar niyo? Kumain ka na ba?”

“Pagod na ako. Magpapahinga na ako,” sagot ni Bryan habang dire-diretso ang lakad niya patungong kuwarto.

Kinabukasan habang kumakain ng agahan ang mag-anak ay ipinaalam ni Rose na may problema ang kuryente nila sa kusina. Imbes na bigyan si Rose ng pera upang makatawag ng gagawa ay sinabi ni Bryan na siya na lang mismo ang titingin nito pagkauwi niya.

Pagdating ng hapon ay nagbukas ng ilaw sa kusina ang panganay na anak na si Ryan. Bigla siyang nagulat nang may narinig na pumutok kaya agad niyang tinawag ang kaniyang ina na agad namang ibinaba ang fuse box ng kanilang kuryente kaya hindi sila nagkaproblema.

Matapos masuri nang maigi ang buong bahay ay nagtirik muna sila ng mga kandila upang magkaliwanag at gumamit muna sila ng abaniko upang hindi mainitan.

Siniguro muna ni Rose na maayos na ang mga anak bago niya sinubukang tawagan si Bryan upang ipaalam ang kanilang kalagayan. Naka-ilang subok siya ngunit hindi nasagot ang kaniyang asawa kaya naman nag-iwan na lamang siya ng mensahe sa pag-asang mababasa ito ng asawa at maaga silang uuwian nito.

Sa kasamaang palad ay abala si Bryan sa trabaho kaya hindi nito pinansin ang mga tawag at mensahe ni Rose. Pagkatapos naman ng oras ng trabaho ay nagmamadali itong nagtungo kay Mae.

Advertisement

Sa kalagitnaan ng mainit na gabi nila Bryan at Mae ay mangilang-ulit na nagri-ring ang cellphone ni Bryan.

“Babe, hindi mo ba sasagutin ‘yung phone mo? Kanina pa tawag nang tawag ‘yan,” ang sabi ni Mae.

“Mamaya na babe, istorbo lang satin ‘yan eh,” tugon ni Bryan.

“Sure ka ha. Baka maghinala na ‘yang si Rose,” paninigurado ni Mae.

“Wala akong pakialam kahit malaman pa niya. Iwanan ko pa ‘yang palamunin na ‘yan eh. Wala naman siyang naitulong sa akin. Puro lang naman siya hingi ng pera,” pahayag ni Bryan habang nilalambing si Mae.

Kinilig si Mae sa sinabi ni Bryan at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Pagsapit ng hating gabi ay nagpaalaman na ang dalawa upang makauwi si Bryan sa kanilang bahay.

Nang papalapit na si Bryan sa kanilang bahay ay nagtataka siya kung bakit maraming mga tao at mga bumbero sa kanilang lugar. Laking gulat niya pagdating niya sa kanilang bahay. Agad siyang napalabas ng sasakyan nang makitang nasunog ang kanilang bahay. Napamadali siyang lumapit dito at nagtanung-tanong sa mga kapitbahay ngunit walang makasagot sa mga ito.

Advertisement

Nang makakita siya ng isa sa mga bumbero ay agad niya itong nilapitan at tinanong. Sinabi ng bombero ang nangyari at naging sanhi ng sunog nang mapagtanto na isa si Bryan sa mga nakatira sa nasunog na bahay.

“Nung una po ay akala naman sa kandila nagmula ang sunog. Pero nung dinouble check namin ay nakita namin na may faulty electrical wiring sa kusina ng bahay. Kahit nababa nila ‘yung fuse box ay marahil ‘di nila napansin na nagliliyab na ang electrical wiring sapagkat nakatago ito sa ibabaw ng kisame. Kumalat at lumaki na ito nang mapansin nila,” pag-uulat ng bombero kay Bryan.

“Nasaan na po ang pamilya ko?” tanong ni Bryan.

Sasagot pa lang sana ang bombero nang bigla niyang narinig na tinatawag siya ng mga batang umiiyak. Paglingon niya rito ay nakita niya ang panganay na anak na si Ryan at ang bunsong anak. Agad niya silang nilapitan at niyakap.

“Kamusta kayo? Nasaan ang kapatid niyong babae? Ang Mommy niyo nasaan? Pabaya talaga ‘yung Mommy niyo. Nasunog ang bahay dahil sa kaniya tapos hinayaan kayong maiwan dito na kayo lang,” paninisi ni Bryan.

Biglang napahagulgol si Ryan at sinabi sa ama ang nangyari. Ikinuwento nito kung paano sila iniligtas ng ina mula sa nasusunog nilang bahay. Ayon sa bata ay pinauna silang lumabas ng ina sapagkat hindi makakilos sa takot ang pangalawang kapatid na si Risa nang makita ang malaking apoy sa sala. Dahil daw dito ay ipinasa ng ina ang pagbuhat sa bunsong kapatid kay Ryan upang mabuhat naman nito si Risa at makalabas silang lahat.

Ngunit sa kasamaang palad ay ‘di agad nakasunod ang ina at kapatid na babae sapagkat pagkalabas nila Ryan ay mayroon daw na biglang sumabog sa loob ng bahay at may mga humarang sa daraanan ng mag-ina. Hindi na raw nakalabas pa sina Risa at ang kanilang ina.

Ikinagulat ni Bryan ang narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Hindi niya akalaing wala na ang kaniyang asawa at anak na babae.

Advertisement

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Bryan. Nakita niyang nagtext si Mae ngunit mas napukaw ang atensyon niya nang makita ang mga maraming tawag at text ni Rose sa kaniya:

“Honey, may pumutok dito sa kusina kaya binaba ko muna ‘yung fuse box. Sana makauwi ka nang maaga para matignan ‘to”

“Honey, please answer. Emergency!”

“Honey, please answer. Baka huling pag-uusap na natin ‘to. Na-trap kami ngayon ni Risa sa nasusunog nating bahay. Gusto ka lang sana naming makausap kahit sa huling sandali”

Biglang napahagulgol sa iyak si Bryan. Hindi niya akalaing ang mga tawag na binaliwala niya ay napaka-importante pala. Labis niya itong pinagsisihan sapagkat habang nagpapakasarap siya sa piling ng kaniyang kabit ay nasa panganib at tuluyan nang napahamak ang kaniyang pamilya. Hindi niya na muling maibabalik ang panahon na binaliwala niya ang kaniyang pamilya. Hindi niya na maibabalik pa ang kanilang mga buhay.

Nang dahil sa matinding pagsisisi at masamang pangyayari ay nakipaghiwalay si Bryan kay Mae. Hindi na siya muling nakipagrelasyon pa sa kahit na sinong babae. Mas tinuon niya na lamang ang kaniyang atensyon at oras sa dalawa niyang anak na naiwan sa kaniya.