Hinamak ng Lalaki ang mga Pinsan na May Sakit sa Utak, Hindi Niya Kinaya ang Karmang Kapalit Nito

Ang kambal na si Sheila at Lolit ay ipinanganak na malulusog na bata. Habang lumalaki ay nakitaan sila ng pambihirang talino. “Genius sisters” kung sila ay tawagin ng mga kamag-anak at kapitbahay. Kaya naman laking gulat ng lahat nang sila ay nakaranas ng matinding depresyon nang mag kolehiyo. Ang dahilan nito ay isang lalakeng nagpaibig sa magkapatid. Pinaglaruan ng lalakeng ito ang kanilang damdamin nang dahil lamang sa pustahan.

Lumipas ang dalawampung taon at tila lumala pa ang sitwasyon ng magkapatid. Naging kilos at isip bata ulit ang mga ito. Ika ni Willie, nagpadala kasi sa kalandian kaya’t nag-agawan sa iisang lalake at nabaliw. Walang araw na hindi pinahiya ni Willie ang magkapatid sa harap ng mga kapitbahay at kaibigan. Tahasan niyang tinatawag na baliw ang mga ito. Sabi ng kanilang psychiatrist, lubos na pang-unawa ang kailangan ng dalawa. Huwag na huwag silang hahamakin at pagtatawanan ngunit binalewala ito ni Willie.

Suwerte daw siya sapagkat kahit maagang nawala ang kaniyang mga magulang dahil sa sakit, wala siyang problema sa buhay. Ang mga anak niya ay nakapagtapos at may magagarang trabaho. Kawawa daw ang kambal kapag namatay ang kanilang nanay na si Aling Luding lalo pa’t wala na ang Tatay ng mga ito dahil ang dalawa ay walang silbi at pabigat lamang. Wala daw silang kapamilya na boluntaryong kukupkop sa mga ito. Nasaktan sa narinig ang magkapatid kaya’t nagsumbong ang mga ito sa kanilang Nanay Luding. Hindi naman nagustuhan ni Aling Luding ang sinabi ng kanyang pamangkin na si Willie ngunit pinigilan na lamang ng matanda na patulan ito sapagkat alam naman ng lahat na napakakitid ng utak nito.

Sumapit ang araw ng pasko, nagtipon tipon ang kanilang pamilya para sa isang family reunion. Aligaga si Aling Luding sa pagaasikaso sa magkapatid upang hindi ito maka-abala sa mga kamag-anak. Lubhang maunawain naman ang kanilang mga kamag-anak at pinayuhan si Aling Luding na magpahinga muna at sila na ang bahala sa magkapatid. Ibinibida ni Willie sa lahat ng mga kamag-anak na ang kaniyang mga anak, apo at asawa ay nag shopping muna kaya’t male-late ang mga ito.

Dahil bihira lamang makasama ang mga kaanak, labis ang pagkagalak ng kambal at masaya silang nakikipaglaro sa mga batang pamangkin at apo. Patuloy pa rin si Willie sa pang-aalaska sa mga ito. “Tulog ang nanay niyo, magsitahimik kayo’t kakakahiya. Tignan ninyo, ang dami niyong kalat. Daig pa kayo ng mga bata! Naku, tignan lang talaga natin magiging buhay niyo pag bumigay ang katawan ng nanay nyo.” Gulat na gulat ang mga kamag-anak nila sa narinig at pinagsabihan si Willie.

Mangangatwiran pa sana si Willie ngunit tinawag siya ng kanyang kapatid. “Kuya! May naghahanap sa iyo sa labas. Nadisgrasya daw ang mga anak at asawa mo habang papunta dito!”

Gimbal ang lahat sa narinig. Pagbalik ni Willie sa loob ng bahay ay tila naninigas ito at hindi makapagsalita. Nabangga ng isang 8-wheeler truck ang sinasakyang van ng kaniyang buong pamilya at tila walang nakaligtas ni isa sa mga ito.

( )

Dali dali siyang pumunta sa ospital at nakumpirma na wala nga ni isang nakaligtas sa kaniyang pamilya. Hindi malaman ni Willie ang gagawin. Dali dali siyang tumuloy sa simbahan at doon nanalangin. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Galit, poot sa drayber ng truck, awa sa sarili at sa mga apong walang kamuwang muwang na binawian ng buhay dahil lamang sa kapabayaan ng ibang tao, hinagpis sa pagkawala ng mga anak at asawa, pagtatanong sa Diyos.

Advertisement

Lumipas ang ilang buwan at si Willie ay hindi na makausap ng maayos. Ang panghahamak niya sa magkapatid ay tila ibinalik sa kaniya ng Diyos sa mas masalimuot na paraan. Kinatatakutan na ito ng mga kamag-anak sapagkat nananakit ito kapag nilalapitan. Kinailangan na din siyang itali upang hindi makapanakit. Sapagkat natatakot ang kanilang mga kamag-anak na kupkopin si Willie ay nagpasya silang dalhin na lamang ito sa isang mental institution.

Awang-awa si Aling Luding sa sinapit ng pamangkin ngunit wala naman itong magawa. Gustohin man niyang kupkopin ito ay hindi maaari sapagkat nagiging bayolente ang pamangkin.

Isang taon na si Willie sa mental hospital ngunit wala man lamang ni isang kaibigan o kamag-anak na dumadalaw dito. Ang masakit pa doon, malaki na pala ang pagkakautang ng kaniyang panganay na anak sapagkat nalulong ito sa sugal noong nabubuhay pa ito. Naibenta na rin ang lahat ng pag-aari ni Willie at ng kaniyang asawa upang ipambayad sa mental hospital. Inilipat na lamang si Willie sa isang public hospital at doon na ito tumanda at pumanaw.

( )

Ilang taon ang lumipas at pumanaw na rin ang otsenta anyos na si Aling Luding. Kinupkop naman ang kambal ng kanilang pinsan at isinama sa Amerika kung saan ito ay permanente nang naninirahan. Nakapagtapos ng pag-aaral ang dalawa at mayroon nang sariling pamilya. Nakatutuwang biniyayaan si Lolit ng anak na babae at lalake naman kay Sheila. 

( )

Naniniwala ba kayo sa karma? Tama ba ang ginawa ng mga kamag-anak ni Willie na hindi ito kupkopin? Ano ang masasabi ninyo sa kuwento? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.