Na-Biktima ng Bugaw ang Dalaga, Buti Nalang ay Isang ‘Di Inaasahang Bayani ang Magliligtas sa Kanya

“Papa, magkasama na uli kayo ni Mama ngayon diyan sa langit. Alam kong hindi niyo ako pababayaan at patuloy niyo pa rin akong gagabayan. Pangako, tutuparin ko po ang mga pangarap niyo para sa akin,” wika ni Isabel sa libing ng ama.

Pag-uwi ni Isabel sa bahay na kanilang inuupahan ay pinaalala ng may-ari ang dalawang buwang utang nila na kailangang bayaran kung hindi ay mapipilitan itong paalisin sila makalipas ng isang buwan.

Humingi ng dagdag palugit si Isabel sa may-ari at nagsabing maghahanap agad ng trabaho na maisasabay habang nag-aaral para makabayad. Doon ay nabanggit ng may-ari si Aling Dulce na nakatira sa may kanto ay may kakilalang nagbibigay ng trabaho at baka raw may maialok sa kaniya.

Agad na hinanap at pinuntahan ni Isabel si Aling Dulce at tinanong tungkol sa posibleng trabaho. “Itong si Mang Carding ang kontakin mo. Siya daw ‘yung nakakapagbigay ng mga trabaho sa mga nangangailangan. Hindi ko talaga kilala ‘yan. Ang manugang ko lang ang may kakilala diyan. Ikaw na ang bahala,” saad ng ale kay Isabel pagkaabot ng papel na may numero ni Mang Carding.

Noong makontak si Mang Carding ay pinapunta si Isabel sa isang luma at maliit na opisina. Dito ay ininterview ang dalaga at sinabihan na siya ay magtatrabaho sa isang restaurant na panggabi sapagkat siya ay pumapasok sa eskwelahan tuwing umaga.

Nang sumapit ang gabi ay pinuntahan ni Isabel ang restaurant na binanggit ni Mang Carding. Siya ay napadalawang isip at noong paatras na siya ay nagulat na lamang siya at nasa likod niya na si Mang Carding.

“Bakit, Isabel, may problema ba?” Tanong ni Mang Carding.

“Akala ko po ba sa restaurant ako magtatrabaho? Bar po ito, eh,” natatakot na tugon ni Isabel.

Advertisement

“Kaya nga! Restobar ito! Tingin mo may makukuha kang trabaho, eh, hindi ka pa naman tapos ng high school!” Pagalit na sagot ni Mang Carding.

Hinatak na ng lalaki si Isabel papasok sa loob ng bar. Kahit anong pagpupumiglas ay hindi siya makawala sa lakas nito at may iba pa itong mga tauhan na kasama.

Pagkapasok ay ipinakilala siya kay Madam Osa. Ito ang namamahala sa mga babaeng ibinibenta nila sa iba’t-ibang mga lalaki.

“O, ayan, bago ‘yan at batang-bata pa ah. Siguraduhin mong malaki ang kikitain natin sa unang gabi niyan,” bilin ni Mang Carding kay Madam Osa.

Ilang sandali pa ay inihatid na ni Madam Osa si Isabel sa isang kwarto. “Umayos ka, ah. Malaki ang kikitain natin diyan kay Mister Cruz basta magpakabait ka. Atsaka kapag nagustuhan ka niyan baka bigyan ka pa ng malaking bonus o tustusan ang pag-aaral mo,” saad ni Madam Osa.

“Madam, maawa po kayo. Ayaw ko po. Gusto ko na pong umuwi,” pagmamakaawang sabi ni Isabel. Naputol na ang usapan ng dalawa noong pumasok na sa kwarto si Mister Cruz. Lumabas na ng kwarto si Madam Osa at umiiyak na lumayo si Isabel kay Mister Cruz.

Ikinandado ni Mister Cruz ang pintuan at naghubad sa harap ng dalaga. Lalong umiyak si Isabel at nagmamakaawa na huwag siyang gagalawin. Pilit niya itong nilalayuan ngunit binuhat siya nito papuntang kama. Pwersahang hinuhubad ni Mister Cruz ang pantaas ng dalaga ng biglang may sumira ng pinto ng kanilang silid.

Nailigtas si Isabel ng mga pulis. Mabuti na lamang at nagkataong sinalakay nila ang bar nung gabing ‘yun. Dinala si Isabel at iba pang mga babaeng nailigtas sa istasyon ng pulis upang makuhaan ng pahayag.

Advertisement

Makalipas ang ilang oras ay may lumapit na lalaki kay Isabel. Ito ay nagpakita ng ID at nagpakilala bilang abogado ng kaniyang lolo na si Don Mariano. Pinakitaan niya ito ng litrato ng lolo at nanay niya pati na rin ang iba’t-ibang mga dokumento na nagpapatunay na lolo niya ito.

“Sa wakas nahanap ka rin namin. Matagal ka ng pinapahanap ng lolo mo. Pinagsisisihan niya na ang pagtakwil niya sa nanay mo nung umibig at sumama ito sa ama mo. Gusto lang naman niya ng maganda at maginhawang buhay para sa kaniyang anak,” saad ng abogado.

Matapos na matulungang maayos ng abogado ang gulong napasok ni Isabel ay inayos nila ang pagtatagpo ng mag-lolo. Binayaran din ni Don Mariano ang lahat ng pagkakautang na minana ni Isabel sa mga magulang at kinupkop ito at pinag-aral.

Kahit paano ay nagkaroon ng panahon ang mag-lolo na magkasama at magkakilala ng ilang taon. Pagkapanaw ni Don Mariano ay pinamana niya ang buong hacienda at ang lahat ng ari-arian nito sa kaniyang apo na si Isabel.