Kumpiyansa Siyang Makukuha Niya ang Babaeng Nililigawan Dahil sa Taglay Niyang Kaguwapuhan; Ngunit Tila Babaliktad Yata ang Kapalaran!

Pormang-porma si Lando habang papunta sa bahay ng kaniyang nililigawang si Mikaela upang sorpresahin ito at ayaing manood ng sine ang dalaga.

Malaki ang kumpiyansa ng binata sa kaniyang sarili at alam niyang mapapayag niya si Mikaela sa kaniyang gusto.

“Kuya, kanina ka pa riyan sa salamin, a?” puna ng kapatid niyang si Jiro nang madaanan siya nito galing sa kusina.

“Siyempre naman! Ito ang puhunan ko, e. Dahil sa mukhang ito, alam kong hindi makatatanggi si Mikaela sa lahat ng gustuhin kong mangyari,” taas noo naman niyang pagyayabang sa kapatid na noon ay napailing na lang.

“Sigurado ka bang sa hitsura lang tumitingin si Mikaela?” kibit-balikat na lamang na komento ng kaniyang kapatid na walang habas na tinawanan lang ni Lando.

“Walang ibang sasagutin si Mikaela kundi ako. Walang-wala naman kasi sa hitsura ko ʼyong ibang nanliligaw sa kaniya, lalo na ʼyong Pako na ʼyon! Mukha namang kabayo ʼyon.” Sabay halakhak ni Lando na muling ikinailing ni Jiro.

“O siya, siya, umalis ka na, kuya at pasagutin mo na si Ate Mikaela, gamit ang kaguwapuhan mo. Sana lang, hindi ka magsisi.”

Hindi na lang pinansin ni Lando ang huling sinabi ng kapatid dahil napipikon na siya. Minabuti na lamang niyang dumiretso sa bahay nina Mikaela.

Advertisement

“Oh, Lando, ikaw pala!” bungad ni Mikaela kay Lando na naabutan niyang bihis na bihis din.

“Bakit ka na? Binanggit ba ni Jiro sa ’yo na aayain kitang manood ng sine ngayon?” tanong ni Lando sa dalaga. Takang-taka siya.

“Ay, naku, hindi! Ang totoo, nauna na akong inaya ni Pako,” tila nag-aalangan namang sagot ng dalaga.

“Ha? Hindi ba p’wedeng i-cancel mo na lang ang lakad n’yo ngayon at sa akin ka na lang sumama? Sigurado naman akong mas masarap akong kasama kaysa sa kaniya.”

“Naku, pasensiya ka na, Lando, ha? Nauna kasing magyaya sa ʼyo si Pako, e.”

Agad na nakadama ng inis si Lando sa isinagot ng dalaga.

“Mikaela, okay lang naman kung mas gusto mong sumama sa kaniya ngayon. Maaari pa naman kitang ilabas sa ibang araw,” biglang singit ni Pako sa usapan na noon ay kararating lang pala. Nasa likod ito ni Lando kaya naman mabilis na napalingon ang huli sa puwesto nito.

“Naku, hindi! Sasama ako sa ’yo ngayon, Pako. Halika na!” ngunit mabilis na sagot ni Mikaela.

Advertisement

Nakadama ng pagkapahiya si Lando dahil doon.

“Oo nga. Next time na lang sasama sa akin si Mikaela. Kawawa ka naman kasi kapag hindi ka niya pinagbigyan,” pasaring niya bigla kay Pako na ikinasinghap ni Mikaela.

“Lando, ano ba?!” Bakas ang inis sa tinig ng dalaga. Binalingan niya ito.

“Bakit? Totoo naman, a? Naaawa ka lang sa pangit na ’yan, kaya hanggang ngayon hindi mo pa ako sinasagot!” giit ni Lando na ngayon ay nagpalaki naman sa mga mata ni Mikaela.

“At saan mo nakuha ang balitang ’yan?” galit nang sabi ng dalaga sa kaniya.

“Bakit? Hindi ba totoo?” Tumawa si Lando. “Huwag mong sabihin sa akin na mas gusto mo kaysa sa akin ang lalaking ’yan na mukhang kabayo?” tatawa-tawang tanong niya pa at dahil doon ay hindi na napigilan pa ng dalaga ang galit nito.

Bigla siyang sinipa ni Mikaela sa pagitan ng kaniyang mga hita at halos mamilipit siya sa sakit!

“Baliktad yata ang sinasabi mo. Sa ’yo ako naaawa, Lando, kaya hindi ko pa sinasagot si Pako, kahit ang totoo’y mahal ko na siya. At oo, mas gusto ko siya kaysa sa ’yo kaya lumayas ka na rito at huwag ka nang babalik pa!”

Advertisement

Labis na kahihiyan ang inabot ni Lando nang araw na iyon. Iika-ika siyang umuwi ng kanilang bahay, dala ang isiping mas pinili ng babaeng pinakamamahal niya ang isang lalaking di hamak namang mas nalalamangan niya!

Ngunit hindi niya masisi ang dalaga. Kanina, habang siya ay umuuwi ay napagtanto niya kung gaano kabuting tao pala si Pako dahil halos kilala ito ng buong barangay. Pinag-uusapan kasi ito ng mga tao roon at noon ay pinupuri dahil may natulungan na naman daw itong matanda sa kanilang lugar na walang pambili ng gamot. Imbes kasi na ipambili Pako ng magarang damit na kaniyang susuutin para sa date nila ni Mikaela ang kaniyang pera ay binigay niya ito sa naturang matanda bilang tulong.

Samantalang siya, ni hindi niya na nga matandaan kung kailan siya huling nakagawa ng mabuti sa kaniyang kapwa at kaniya na iyong pinagsisisihan ngayon.