Tinamaan ng Diabetes ang Matapobreng Babae na Ito nang Ipagdamot Niya ang Tsokolate na Dala ng Kanyang Anak Mula sa Ibang Bansa

Mabilis na itinago ni Jonna ang mga chocolate at biscuit niya sa loob ng aparador, narinig niya na kasing dumating ang kanyang mga kamag-anak at natatakot siyang baka hingiin ng mga ito iyon. Bagong dating mula sa Saudi ang panganay na anak ni Jonna, si Aleris. Maraming uwing chocolate ang babae pero dahil likas nang maramot ang ginang ay pinagtatago niya iyon kahit na hindi naman talaga hihingi ang mga kapamilya niya. Pumunta lang ang mga ito roon para makita ang pamangking si Aleris.

Kabaligtaran kasi ni Jonna, napakabait ni Aleris.

“Ito Tita Criselda, ang uwi kong chocolate sa inyo.” inabot ni Aleris dito ang isang plastic ng mga matatamis, napairap si Jonna. Tinanggihan naman ni Criselda ang iniaabot ni Aleris.

“Ano ka ba naman Ale, kaya kami nagpunta rito ay para sa iyo. Miss na miss ka na namin, ang mga chocolate na iyan ay nauubos pero ang makasama ka namin ay mas mahalaga.” sabi ng babae sabay yakap sa pamangkin. Ganoon rin naman ang iba pang mga tiyahin at pinsan ni Aleris, wala silang tinanggap mula sa babae.

Nang makasigurong di na manghihingi ang mga kamag anak ay bumalik na sa kwarto niya si Jonna.

Mabuti naman at di ko na sila kailangang bantayan pa, sabi niya sa sarili. Naisipan niyang magbihis na lang muna ng damit dahil pinawisan siya sa dami ng tao sa kanila. Pagbukas niya ng aparador kung saan naroon ang mga itinago niyang chocolate kanina, nagulat siya dahil maraming langgam.

“Ano ba yan! Peste!” sabi niya at pinagtatanggal ang mga chocolate, nagtataka siya kung paano nilanggam ang mga ito samantalang nakasarado pa naman ang lahat. Hindi niya na pinagkaabalahang isipin ang dahilan kung bakit dahil kinagat na siya ng mga langgam kaya itinuloy niya na ang pagpapagpag.

Lumipas ang mga araw, napansin ni Jonna na nilalanggam rin ang panloob niyang damit. Pati ang ihi niya sa arinola.

Advertisement

Sinabihan siya ng anak na si Aleris na magpa-check up ng kanyang blood sugar dahil isa ang mga nararanasan niya sa sintomas na mataas ang blood sugar ng tao. Hindi kumain sa loob ng 24 oras si Jonna para sa tinatawag na fasting at nang kuhanan siya ng dugo, ay kinompirma ng doctor na mayroon siyang diabetes.

Binigyan ng maintenance na gamot ang babae, bukod pa sa insulin na palaging itinuturok sa kanya.

Maganda nga ang buhay nila at masagana pero dahil sa karamutan niya ay hindi niya iyon ma-enjoy ngayon, kung may salu salo sa pamilya nila ay limitado lang ang pwede niyang kainin. Bukod kasi sa matatamis, bawal rin sa kanya ang kanin at marami pang ibang pagkain. Nagsisisi si Jonna habang nakamasid sa mga kamag anak na masaya at malayang nakakain ang gusto nila. Maisip niya man iyon ngayon at magsisi man siya ay huli na ang lahat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito?Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.