Pinagdiskitahan ng mga Kawatan ang May Kapansanang Tindero na Ito; Masakit na Karma pala ang Kanilang Aabutin

Pinagdiskitahan ng mga Kawatan ang May Kapansanang Tindero na Ito; Masakit na Karma pala ang Kanilang Aabutin

FunKarmaStories

Gabi na at kakaunti na ang mga dumaraan sa kantong iyon ng isang subdibisyon. Nagliligpit na rin ang fishball vendor na si Mike, isang PWD, ng kaniyang mga paninda para siya ay makauwi na. Lingid sa kaniyang kaalaman, kanina pa pala nakamasid sa kaniya, sa hindi kalayuan, ang dalawang binata ring sina Jack at Rocky, mga kilalang durug*sta sa kanilang lugar.

Parehong lulong sa ipinagbabawal na gamot ang dalawa. Ganoon din sa alak, sugal at sigarilyo. Halos lahat na yata ng masasamang bisyo ay nasa kanila, kaya naman kilala na rin ang dalawang magkaibigan sa paggawa ng masama sa kanilang barangay. Makailang ulit nang parehong pabalik-balik ang mga ito sa bilangguan ngunit wala pa rin silang kadala-dala, at ngayon ay balak naman nilang pagdiskitahan si Mike upang makadilihensya lamang ng perang magagamit nila sa kanilang mga bisyo.

“Pare, antabayanan mong makaalis ’yong mga katabi n’yan ni Pingkaw

“Huwag kang mag-alala, pare, ako’ng bahala,” sagot pa nito habang pinagkikiskis ang kaniyang mga palad, dahil sa kasabikang makadelihensya na agad ng pera.

Samantala, si Mike naman ay naghahanda na noon sa pag-uwi. Madalas talaga siyang mahuli sa pag-uwi sa lahat ng vendor sa lugar na ’yon, dahil nakasanayan na niya na linisin ang pinaggamitang lugar bago pa siya umuwi. Patapos na rin naman si Mike noon, ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang may maramdaman siyang matulis na bagay na nakatutok sa kaniyang tagiliran, habang hawak siya sa balikat ng isang ’di kilalang lalaki…

“Huwag kang papalag, kundi, butas ’yang tagiliran mo. Ibigay mo sa amin lahat ng pera mo,” saad ng isang tinig na tila pamilyar sa pandinig ni Mike… kung hindi siya nagkakamali ay si Rocky ’yon, ang talamak na kawatan sa kanilang barangay.

Niluwagan ni Mike ang pagkakabuhol ng kaniyang belt bag na siyang naglalaman ng kinita niya ngayong araw. Ngunit hindi para ibigay iyon sa dalawang kawatang nasa likuran niya ngayon, kundi upang gamitin ’yon bilang sandata laban sa kanila!

Puro barya kasi ang laman ng naturang belt bag, at mabigat-bigat na ’yon, kaya naman nang ihampas ni Mike iyon nang buong lakas sa mukha ni Rocky ay mahilo-hilo itong napabitiw sa pagkakahawak sa kaniya! Dahil doon ay sumugod naman si Jack at inundayan siya ng s*ksak, ngunit mabilis din iyong naiwasan ni Mike. Nahampas din niya ng barya ang mukha nito, dahilan upang bumulagta ang dalawa sa kaniyang harapan.

Lingid sa kaalaman ng mga nakakakilala kay Mike ngayon, bago pa siya magkaroon ng kapansanan sa kamay at buong braso ay dating pag-i-instructor sa Karate Club ang kaniyang trabaho. Dahil doon ay marami siyang alam sa martial arts, lalo pa at isa si Mike sa mga inilalaban noon sa ibang bansa para sa naturang larangan.

Hindi nakaumang sa kaniya ang dalawang kawatan. Hindi nila akalain na ang tinatawag nilang ‘pingkaw’ ay isa palang magaling na karatista, at ngayon ay ginug*lpi sila!

“M-Mike, patawarin mo kami! H-hindi na kami uulit!” halos mag-umiyak na pakiusap ni Rocky kay Mike habang pinagsasalikop ang dalawang kamay.

“Oo nga, M-Mike! Huwag mo kaming saktan, please!” dugtong naman ni Jack, ngunit nagpakabingi si Mike sa kanilang mga pakiusap.

“Kung nagkataong hindi ko alam kung paano lumaban sa inyo, siguradong ako ang nakikiusap sa inyo ngayon. Kung sakaling nangyari iyon, sigurado rin akong hindi n’yo pakikinggan ang pakiusap ko dahil palagay n’yo ay mahina lang ako at kayang-kaya n’yo akong kawawain! Katulad ng mga ginawa n’yo sa ibang kapwa ko rin vendor na marangal namang nagtatrabaho, pero nagawan n’yo ng masama para lang sa mga bisyo n’yo! Ngayon ay bibigyan ko kayo ng leksyon!”

Sa galit ni Mike ay hindi niya pinagbigyan pang makalaban ang dalawa. Binigyan niya silang pareho ng permanenteng disabilidad na siguradong iindahin nila sa habang buhay, upang sila ay matuto. Halos mamilipit ang dalawa nang parehong baliin ni Mike ang kanilang mga buto sa tig-isa nilang paa, at dahil doon ay nadala sila.

Hindi na nila naisip pang gantihan ang nakakatakot na si Mike. Isang malaking leksyon para sa kanila ang ginawa nito na talaga namang ikinadala ng dalawa. Dahil doon ay mas naging tahimik ang buhay ng mga vendor matapos mangyari iyon sa pagitan ni Mike at ng mga kawatan.

More Stories