Ikinainis ng Tatay nang Bigyan Siya ng Anak ng Karton na Walang Laman Bilang Regalo, Naiyak Siya nang Sabihin ng Anak ang Tunay na Laman Nito

Ikinainis ng Tatay nang Bigyan Siya ng Anak ng Karton na Walang Laman Bilang Regalo, Naiyak Siya nang Sabihin ng Anak ang Tunay na Laman Nito

Stories

Kakauwi lang ni Arman galing sa trabaho isang gabi nang maabutan niyang makalat ang bahay. Isang working mom ang misis niya at marahil ay nasa kwarto ito at nakaharap nanaman sa laptop. Naabutan niya sa salas ang 3 taong gulang na anak na babae, si Lia.

Dala na rin siguro ng pagod ay nag init agad ang ulo ni Arman. Kalat kalat ang mga art paper at karton sa bahay nila. Nainis pa siya lalo nang maabutang may hawak na gunting ang anak. Bakit naman hinayaan itong mag isa ng sariling ina na may hawak na matulis na bagay?

Image courtesy of www.google.com

“Pumasok ka nga sa kwarto!” bulyaw niya sa anak na tumayo naman kaagad, at tumakbo bitbit ang isang karton.

Niligpit niya ang mga kalat at dumiretso sa kwarto para magpahinga, masyado siyang pagod at wala siyang ganang kumain.

Kinabukasan, Linggo, nagising siya sa pakiramdam na may nakatingin sa kanya. Pagmulat niya nang mga mata ay nakita niya si Lia na nakamasid sa kanya, napakaaga namang gumising ng batang ito, alas siyete pa lamang ng umaga.

“Bakit gising kana?” tanong niya sa anak.

“Sayo to Dada..legalo ko.” bulol na sabi nito, inabot ng batang babae sa kanya ang karton, na sa tingin niya ay bitbit nito kagabi sa kwarto.

Image courtesy of www.google.com

Minasdan niya muna sandali ang anak at saka kinuha ang karton. Tagpi tagpi ang pagkabalot ng asul na art paper, malagkit pa ang gilid dahil sa kumalat na glue. Pinaghirapan ito ng tatlong taong gulang na anak niya. Nakunsensya tuloy siya sa inasal niya kagabi.

Pagbukas ni Arman ng karton ay nadismaya siya at may bahagyang inis dahil walang laman ito, nangungulit nanaman siguro si Lia.

“Anak, pag nagbibigay ng regalo dapat may laman. Karton lang to eh.” sabi niya sa anak.

“Dada hindi yan wala. Inipon ko po lahat ng kiss ko dyan, para sayo yan Dada..”

Nadurog naman ang puso ni Arman sa narinig, masyado silang naging busy ng kanyang misis sa pagtatrabaho na nakalimutan na nila kung para saan ba iyon, para sa ikaliligaya ng kanilang anak.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

More Stories