Inday TrendingInday Trending
Isang Misyon ang Pinuntahan ng Mag-aaral Upang Tumulong sa Kalikasan, Disgrasya Pala ang Pupuntahan

Isang Misyon ang Pinuntahan ng Mag-aaral Upang Tumulong sa Kalikasan, Disgrasya Pala ang Pupuntahan

Sa isang paaralan sa Marikina ay may isang klase ang nagkasundo na mag tanim ng mga halaman at puno sa nakakalbong bundok para mapanatili ang ganda ng kalikasan.

“Leslie, tabi tayo bukas sa bus ha? Magdadala ako ng maraming pagkain para hindi tayo magutom sa byahe,” banggit ni Yanna sa kanyang kaibigan na halos langit ang tuwa nang malaman may field trip sila.

“Oo naman. Ako rin magdadala ng pagkain pati na rin unan para ‘pag inantok tayo,” masayang sagot naman ni Leslie kay Yanna.

Pagkatapos ng klase ay dumeretso na sa bahay si Yanna para maagang makapag-ayos ng gamit at makapagpahinga. Kahit na maagang humiga sa kama si Yanna ay nahirapan pa rin itong makatulog dahil sa labis na pagka-sabik at kaba na nadarama dahil ito ang unang beses na pupunta siya ng bundok para mag tanim.

Kinabukasan ay maaga rin na nagising si Yanna dahil sa sunod-sunod na alarm na kanyang inihanda. Mabilis na nakapag-gayak ang dalaga at dali daling pumasok sa eskwelahan dahil sa pinag-usapan nilang oras ni Leslie.

“Hi Leslie! Sakto lang pala ang dating natin. Tara na at sumakay na tayo sa bus para ‘di tayo maunahan sa magandang pwesto,” panimulang bati ni Yanna na may kasama pang pag yakap sa kaibigan.

“Grabe ah. May yakap pa talaga. Ano ako? Jowa mo? Tara na nga at sa pangalawang hilera tayo sumakay sakto sa likod ng mga guro,” patawang sagot naman ni Leslie pagkatapos siyang bitawan ni Yanna.

Habang nasa byahe sila ay nakatulog ang dalawa at sakto naman ang paggising nila sa oras ng pag dating sa may bundok.

“Ok class. Bababa na tayo at maglalakad na paakyat ng bundok. ‘Wag kayo masyado magdala ng gamit para ‘di kayo agad hingalin,” banggit ng kanilang guro.

“Opo teacher,” sagot naman ng estudyante.

Habang naglalakad ang klase ay may nadaan pa silang retreat house ay may pool na nakasarado. Habang nagbibiruang magtulakan ay hindi naman sinasadyang matulak ni Leslie si Yanna sa tubig.

Samantala, huli na nang malaman nila na ang tubig ay dapat pala na haharangan ng mga bantay ng yellow tape dahil may babae raw na nalunod doon noon.

Pagkatapos na pagkatapos naman ng pagtatanim ng klase ay bumalik na sila agad sa bus para makabalik na sa eskwelahan. Pagkauwi ni Yanna sa kanilang bahay ay agad na itong nagpalit ng kanyang nabasang damit. Tinanong naman siya ng kanyang ina sa kung anong nangyari sa kanya.

“Yanna, anong nangyari sa’yo? Bakit basang basa ka?” tanong ni Layla sa kanyang anak habang tinutulungan itong magbihis.

“Nahulog po kasi ako sa pool. Tapos biglang dumating yung mga bantay at sinabi na umalis agad ako sa tubig dahil may nalunod daw doon,” sagot naman niya.

“Oh anong ginawa sa iyo pagkatapos?” pag-aalalang tanong ng ina. Habang nakatingin sa pasa sa tuhod ng anak.

“Wala po. Tinulungan lang nila ako umahon tapos tumuloy na po kami sa gagawin namin. Yung pasa ko naman baka galing po yan sa pool nung nahulog ako,” paliwanag naman ni Yanna sa ina.

Makalipas ang isang araw ay lumaki ang pasa sa tuhod ni Yanna, nahirapan itong lumakad kaya naman hindi muna siya nakapasok sa eskwelahan. Sa sumunod na araw ay kumalat ang pasa sa dalawang binti ni Yanna. Hindi na siya nakakalakad kaya naman nagpapatulong na siya sa katulong nila ‘pag gusto nitong umalis ng kanilang kwarto. Agad namang ibinalita ng ina ni Yanna ito sa may-ari ng paaralan dahil ito ay kanyang kaibigan.

“Sir Peter, baka pwede humingi ako ng tulong sa inyo. Si Yanna kasi hindi na nakakalakad dahil sa pasa sa kanyang dalawang binti. Ang sabi niya sa akin ay nahulog ito sa pool habang nasa field trip daw sila at naunang tumana ang tuhod niya,” pakiusap ni Layla kay Peter na siyang may-ari ng paaralan.

“Sige. Oo naman. Kaibigan kita Layla. Ako na mismo ang sasagot sa pagpapacheck-up sa anak mo. Dalhin mo na siya ngayon sa ospital,” sagot naman nito.

Pagkatapos ng kanila pag uusap ay agad na umuwi si Layla para sunduin ang kanyang anak. Pagka-sundo ay dumeretso na sila sa ospital na kilala rin sa marikina. Subalit makalipas ang ilang oras ng check up ay normal lahat ng findings kay Yanna. Kaya naman ay napag-desisyunan niya na ipa-albularyo ang kanyang anak.

Pagkatapos ipa-albularyo si Yanna ay may lumabas ng mukha gamit ang mga patak ng kandila sa tubig. Isang babaeng galit. Sinabi ng albularyo na may na-istorbo raw si Yanna na nananahimik na espirito. Kinailangan daw nilang mag-alay ng dasal at bulaklak rito para matahimik muli ang kanilang nagambala.

Sa pang limang araw ng paghihirap ni Yanna ay kumalat na ang pasa sa buong katawan niya. Pati sa mukha ay mayroon itong pasa. Sa sobrang taranta ay umalis agad si Layla para pumunta sa retreat house na dinaanan nila Yanna. Dala dala nito ang bulaklak para ipangalay sa nagambalang kaluluwa. Agad naman nitong inialay sa pool ang bulaklak, sinamahan na rin ito ng mataimtim na dasal.

Pagkatapos ay umuwi na si Layla at nakita niya ang kanyang anak na si Yanna, malakas, naglalakad at wala ng pasa. Laking pasasalamat ng mag ina dahil makalipas ang limang araw ng paghihirap ay gumaling na rin si Yanna.

Natutunan ni Yanna na dapat humingi muna ng permiso sa paligid lalo na kung hindi sila pamilyar sa lugar.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement