Galit na Pinalo ng Ina ang Anak Dahil Bokya na Naman Ito sa Exam, Halos Manlumo Siya nang Malaman ang Dahilan Nito

“Ano ka ba naman?! Ang tanga-tanga mo? Kadali-dali lang ng exam niyo, zero ang nakuha mo? Anong utak meron ka, Grey?!” sigaw ni Arlyn sa limang-taong gulang anak nito habang pinapalo sa pwet.

Naiinis siya sa anak dahil palagi na lamang siyang napapahiya sa kanyang mga kumare sa tuwing nakakakuha ng mababang score ang anak. Magkakaklase pa man din ang anak niya at ang anak ng mga ito.

Lalo pa siyang naiirita dahil naririnig ang malakas na iyak nito kaya naman pinapasok niya ito sa kwarto nito at hind pinakain ng paborito nitong friend chicken. Sa halip ay gulay lang ang pinaulam dito.

“Kumain ka ng gulay nang tumalino ka namang bobo ka,” patuloy pa rin niyang sermon sa anak.

Kinabukasan ay binilin niya sa asawa niya na ito muna ang maghatid sa anak nila dahil maaga siyang magtutungo sa Divisoria upang mamili ng mga paninda. Ngunit sa paghihintay niya ng masasakyan ay nakita niya ang kaklase ng anak.

“Hello po! Si Grey po?” tanong ng isang batang babae.

“Nasa bahay, ihahatid na ng papa niya sa school,” sagot niya dito.

Hinatak nito nang bahagya ang kanyang damit, “Pakisabi po kay Grey kung gusto niya po magreview kami ng sabay punta nalang siya sa bahay. Para po hindi na siya ma-zero sa exam.”

Advertisement

Napaismid siya nang maalala ang bokyang score ng anak sa test nito, “Wala nang pag-asa ‘yun. Huwag mo na yayain sa mga ganyan.”

Nalungkot ang batang babae, “Kasi po sabi niya kaya hindi niya daw po alam ang sagot sa exam dahil hindi daw po siya nakapag-practice dahil nag-iinom daw po kayo nung isang gabi.”

Napakunot-noo si Arlyn sa sinabi ng bata. Maya-maya’y naalala niya ang pag-iinuman nila ng mga kumare niya noong isang gabi. Naalala niya rin ang pakiusap sa kanya ng anak na si Grey na magpractice sila.

“Ma, may test po ako bukas. Practice po tayo, Ma.”

Paulit-ulit na sinabi iyon ng anak sa kanya ngunit hindi niya iyon inintindi. Sa halip ay sayang-saya siyang nakikipagtagayan at kantahan sa mga kaibigan.

Napaluha si Arlyn sa mga naalala. Hindi niya akalaing siya rin pala ang dahilan kung bakit nakakuha ng mababang grado ang kanyang anak.

“At saka sabi niya rin po sa akin feeling niya daw po bobo talaga siya kasi ‘yun daw po palagi ang sinasabi niyo sa kanya,” dagdag pa ng batang kaklase ng anak.

Nagbalik rin sa kanyang mga alaala ang mga masasakit na salita na sinabi niya sa kanyang anak.

Advertisement

“Bobo ka!”

“Tatanga-tanga ka!”

“Ang kitid ng utak mo!”

Hindi niya na napigilang mapahagulgol ng iyak. Bakit nga ba isang bata pa ang makakapagpa-realize sa kanya na mali lahat ng ginagawa niya sa kanyang anak. Hindi pala ito ang may kasalanan at dapat na sisihin. Ito ay walang iba kundi siya. Dahil siya ang ugat ng lahat ng mga pasakit at paghihirap ng kanyang musmos na anak.

Umuwi siya ng bahay nang oras ding iyon at labis ang pag-iyak nang maabutan ang anak na kasama ang ama nito. Alam niyang nagtataka ang mga ito sa inaakto niya ngayon. Ngunit wala na siyang pakialam pa dun. Lalong wala na rin siyang pakialam sa sasabihin o iisipin ng ibang tao. Ang mahalaga ngayon sa kanya’y makabawi siya sa kanyang anak at maging responsableng ina at asawa para sa kanyang pamilya.

“Pangako, wala na akong ibang iintintidihin kundi ang kaligayahan at kabutihan ninyong mag-ama ko. Patawarin niyo sana ako sa malaking pagkukulang ko.”

Ilang buwan ang lumipas at hindi naman binigo ni Arlyn ang mag-ama niya, lalo na ang anak niyang si Grey. Naging ulirang ina siya na palaging nakasuporta sa kanyang anak.