Para Makapagpalagay ng Dibdib ay Nangupit ang Bakla sa Nanay Niya, Na-Karma Siya Nang Peke ang Doktor at Pumutok ang Dibdib Niya

Bente dos anyos pa lamang si Ricky pero suki na siya ng mga gay beauty pageant sa lugar nila. Maganda siya at matalino, kaya lang pakiramdam niya ay may isang bagay na kulang sa kanya. Dahilan upang maging 1st runner up lamang siya palagi.

Kulang siya sa dibdib.

Ang mga ibang kandidata ay malalaki at malulusog ang hinaharap na parang sa tunay na babae samantalang siya, flat pa sa TV ng kapitbahay. Hindi nakaka-eba, adan na adan ang beauty niya.

“Ilan pa ba ang kulang sa pera mo?” tanong ng kaibigan niyang si Nica, isa ring beki at abalang naglilinis ng kuko.

“Limang libo pa bakla, pagod na akong magwalis walis sa parlor. May pa-contest pa naman si Mayor sa katapusan tiyak na luz valdez nanaman ako, talo nanaman dahil wala akong dyoga,” malungkot na sabi nya. 20,000 palang kasi ang pera nya, ilang buwan niya ring inipon sa page-extra sa parlor at pagsali sa mga contest.

Kahit kasi matalino siya ay ayaw niya namang mag aral, mas gusto niya ang rumampa.

“Eh kay mudra mo? Bakit di ka humingi, diba may sari sari store kayo?”

“Bakla ka! Gusto mong patayin ako nun pag nalaman nya na sa kanya ako kumuha, echuserang to. Baka hindi pa magaling ang dibdib ko sa pagkakaopera matastas ang tahi dahil jojombagin ako ng nanay ko.” sabi niya at kinurot pa ito sa tagiliran.

Advertisement

“Aray! Alam mo ikaw, magaling ka sumagot sa Q and A pero shungaer ka sa personal. Bakit kasi doon ka titigil? Edi pagkaopera mo samin ka magpagaling, magpaliwanag kana lang sa nanay mo pag magaling kana. Para kahit suntuk suntukin ka keber,”

Napatingin naman si Ricky, may point ito. Kinagabihan ay hinintay niyang magsara ng tindahan ang nanay niya bago kumupit ng limang libo sa iniipon nitong puhunan.

Hapon palang ay ready na ang mga gamit niya kaya dire-diretso na siyang lumabas at pumunta sa bahay ni Nica, magtatago muna sya.

“Ano, samahan ba kita bukas?” sabi nito sa kanya.

“Di na ako nalang mag isa, mag-grab nalang ako.Baka sa isang linggo pako makauwi ha, depende kung kaya ko nang tumayo.” masayang sabi nya.

Kinaumagahan ay lumakad na si Ricky, pero bago pa sya makarating sa sinasabing klinika ng kaibigan ay may humarang sa kanyang isang ale na nag abot ng papel.

Breast Implant 15,000 only!

“Ate legit ba ‘to?” napukaw ang interest nya.

Advertisement

“Oo naman po! Bagong bukas kasi ang clinic namin, kalaban nung dati dyan kaya mas mababa. Naku, isa kayo sa ma-swerteng mauunang customer namin,” sabi nito.

Nag isip si Ricky, 10,000 ang matitipid niya. Ang laki! Maibabalik niya na ang pera ng nanay niya, may extra pa sya pambili ng gown para sa katapusan.

Sumunod na siya sa babae at isinagawa na ang operasyon. Kaya lang, hindi naman katulad ng inaasahan niya ang nadatnan. Parang bahay lang na may karatula.

Ilang injection, isang may edad na ginang na nagpakilalang doktor, at mga forceps. May gwantes naman ito at gloves kaya naniwala na si Ricky. Baka wala pang budget kasi nagsisimula palang, ang mahalaga, magkaka-boobs na sya.

Nang matapos ang operasyon ay hindi siya makagalaw, hinang hina siya . Kinabukasan rin ay pinauwi na sya, ipinagpara na lamang ng taxi.

“Bakla ka! Ano ba yan, bakit pinauwi ka agad? Diba sabi mo sa isang linggo pa? Eh mukha kanang mamamatay. Wala man lang nag assist sayong nurse!” sabi ni Nica habang hirap na hirap na inaakay sya.

“Mamaya nako magpapaliwanag, ang h-hirap magsalita. Ibaba mo ako sa kama te,” nang makahanap ng komportableng posisyon ay ikinuwento niya kay Nica ang lahat.

“Sigurado kaba dyan? Eh bakit namamaga?” nag aalalang sabi nito.

Advertisement

“Oo sigurado! Mabait naman sila, tsaka mamamaga daw talaga sa una. Paghupa nyan, boom! Booba booba simpleng dalaga!” sabi niya pa.

Pero nagkamali siya, dahil ilang linggo na ang nakalipas ay namamaga pa rin. Tinutulungan siya ni Nica na maglanggas pero napasigaw nalang ito bigla.

“Ay! Ano yan!” sabi nito. Nang tumungo si Ricky ay nanlaki ang mata niya dahil tila pumutok ang silicone na nilagay sa dibdib niya, bumuka rin ng kaunti ang tahi at may tumatagas na parang nana.

Dali dali siyang isinugod ni Nica sa ospital, dumating rin ang kanyang ina na sa halip na magalit ay lumamang na ang pag aalala. Ayon sa doktor, peke ang silicone na inilagay sa kanya. Hindi rin talaga hihilom ang sugat dahil simula palang ay may impeksyon na.

Nakatipid nga siya ng 10,000 pero mas malaki naman doon ang ginastos para masagip ang buhay niya. Siguro ay ito na rin ang karma niya sa pagnanakaw sa ina.

“M-ma sorry.” bulong niya sa ospital.

“Ayos na iyon anak, basta wag nang mauulit dahil ayokong malalagay sa peligro ulit ang buhay mo.”

Mula noon ay natuto na si Ricky na kumilatis sa mga manloloko at hindi. Bukod doon, ang pinakamahalagang leksyon na kanyang natutunan ay wag magnakaw at manloko ng magulang.

Advertisement

Pangarap niya pa ring maging beauty queen at sinimulan niya iyon sa pagbalik sa pag aaral. Naging magaling siya sa eskwela at naka-graduate. Nakakatulong na siya sa kanyang ina at ngayon ay may bagong boobs na rin na gawa ng tunay na doctor.

Ang sarap sarap sa pakiramdam niya na ang mga ipinanggagastos niya ay galing na sa kanyang sariling pagsisikap dahil sa ganitong paraan, walang masamang karmang babalik.