Nagtrabaho Buong Buhay Niya ang Tatay na Ito Para sa Kanyang Pamilya, Paglipas ng Panahon ay Ito Lang Pala ang Magiging Kapalit ng Lahat

Si Tatay ay isang masipag na tao, tuwing umaga ay nagdedeliver siya ng tinapay para lang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa gabi naman ay pinagsusumikapan niyang mag aral, umaasang may matutunan para pagdating ng araw ay makahanap naman ng disenteng hanapbuhay. Nag aral at nagtrabaho siyang mabuti dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang asawa at tatlong anak.

Sa tuwing nagtatampo ang pamilya niya dahil wala siyang oras sa mga ito, palagi niyang pinapaalala na ang lahat ng ginagawa niya ay para sa kanila rin.Kahit na siya mismo ay sabik na sabik ring makasama ang mga ito.

Dumating ang araw ng resulta ng exam. Sobrang saya ni Tatay dahil nakapasa siya! Hindi nagtagal, nakahanap siya ng trabaho bilang isang Senior Supervisor na syempre, malaki ang sahod.

Parang pangarap lang na natupad lahat ito, ngayon ay kaya na ni Tatay na bilihan ang pamilya niya ng kahit konting luho, maayos na pagkain at minsa’y bakasyon sa ibang bansa.

Ngunit dahil abala si Tatay ay hindi na siya nakakasama ng kanyang pamilya, trabaho lang siya ng trabaho at umaasang ma-promote naman bilang isang Manager. Para mas maging kwalipikado pa siya ay nag aral siyang muli.

At muli, tuwing nagtatampo ang pamilya niya dahil wala siyang oras sa mga ito, palagi niyang pinapaalala na ang lahat ng ginagawa niya ay para sa kanila rin.Kahit na siya mismo ay sabik na sabik ring makasama ang mga ito.

Nagbunga naman ang kasipagan ni Tatay at nakuha niya ang posisyon na pinapangarap. Ikinasiya niya na nagawa niya nang kumuha ng kasambahay para tulungan ang misis niya sa gawaing bahay. Naisip niya na ring masyadong maliit ang tinitirahan nilang tatlong kwartong bahay ngayon, at mas mabuti para sa pamilya niya kung lilipat na ang mga ito sa mga magandang condominium. Sobrang galak niya sa nangyayari sa buhay niya at hindi pa siya kuntento, mas nag aral pa siya at nais naman niyang makakuha ulit ng mas mataas na posisyon.

Syempre, lalong wala siyang oras sa pamilya niya ngayon. Madalas nga, kahit Linggo ay wala siya dahil kailangan niyang kitain ang mga kliyente.

Advertisement

At muli, tuwing nagtatampo ang pamilya niya dahil wala siyang oras sa mga ito, palagi niyang pinapaalala na ang lahat ng ginagawa niya ay para sa kanila rin.Kahit na siya mismo ay sabik na sabik ring makasama ang mga ito.

Muli nanamang nagbunga ang kasipagan ni Tatay at nakabili na siya ng magandang condominium kung saan tanaw mo ang dagat sa Singapore. Sa unang pagkakataon, naisip ni Tatay na hindi na siya mag aaral pa at hindi na maghahabol ng mataas na posisyon, simula ngayon ay pagtutuunan niya naman ng pansin ang pamilya.

Hindi na nagising si Tatay kinabukasan….

Sabi nga nila, kung titignan natin ang mga bagay na wala tayo, hinding hindi tayo liligaya. Dapat ay makuntento tayo sa kung ano ang meron, maliit man ito o malaki. Maiksi lang ang buhay at wag nating sayangin ito sa kakahabol sa mga bagay na hindi naman permanente.