Isang Lalaki ang Nagmagandang Loob na Bilhin ang Cake na Itinuturo ng Apo ng Matanda, Ibinabalik Lamang Pala Niya ang Pabor na Noon ay Naibigay sa Kanya

“Manong pwede po bang pakiabot nung cake sa itaas?” pakiusap ni Gigi sa lalaking katabi niya sa supermarket.

Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay matutupad na ang matagal na ipinangako ng kanyang lola na ibibili na siya ng paborito niyang cake.

Masaya niyang dinala iyon sa counter. Ngunit nang magbabayad na sila ay napansin niyang tila namomroblema ang kanyang lola habang binibilang ang pera nito sa wallet.

“Magkano ulit lahat, Miss?”

“862 pesos po, Ma’am,” sagot nito.

“Magkano ba iyong cake?” tanong ng matanda.

“450 pesos po.”

Napakamot sa ulo ang matanda sabay tingin sa apo. Kinabahan agad si Gigi sa sasabihin ng kanyang lola.

Advertisement

“Apo, pasensya ka na. Kinailangan ko kasing bilhin ang gamot ng lolo mo kaya hindi muna natin mabibili ang cake mo ngayon.”

Nalungkot siya sa narinig. Sabi na nga ba niya ay iyon ang sasabihin nito sa kanya. Huminga siya nang malalim at saka ngumiti nang mapait sa kanya lola , “Okay po.”

Malungkot na tinapik ng lola ang balikat ng apo, “Pasensya ka na apo, ha?”

Hindi nila namalayan na may isang lalaki na palang nakakarinig ng kanilang usapan. Kaya naman nang pasakay na sila ng tricycle pauwi ay nabigla sila nang bigla silang habulin ng lalaki.

Lalo nilang ikinabigla nang ibigay nito sa kanila ang cake na gusto ni Gigi, “Wow!”

“Para po sa apo niyo, La.”

Umiling ang matanda, “Naku, hijo pina-cancel ko na iyan. Wala na kasi akong pera.”

Ngumiti ang lalaki, “Libre naman po iyan, lola. Bigay ko po sa inyo.”

Advertisement

“Nakakahiya hijo, hindi ko kayang tanggapin iyan. Mahal ‘yang cake.”

Pinilit ibigay ng lalaki ang cake sa matanda, “Ganyan rin po ang saktong sinabi ng nanay ko noon sa lalaking kauna-unahang nagbigay ng cake sa birthday ko.”

Nangunot ang noo ng matandang babae, “Naranasan ko rin po kasing hindi mabilhan ng nanay ko ng paborito kong cake dahil wala kaming pera noon. Isang mabait na lalaking hindi ko nagawang alamin ang pangalan, ang lumapit sa amin upang ibigay ng libre ang cake na gustong-gusto ko. Kaya ito po, gusto ko lang ibalik sa iba ang kabutihan niyang hindi ko na nagawang suklian.”

Naluha ang matanda sa kabutihan ng lalaking kaharap, “Napakabuti mo. Sigurado akong kung nasaan man ang lalaking tumulong sayo noon ay masaya siyang nakatulong sayo.”

Binigyan ng matanda ng isang maliit na papel at ballpen ang lalaki, “Isulat mo ang address o cellphone mo para makabawi ako sa kabutihan mo sa amin ng apo ko.”

Tinanggap iyon ng lalaki ngunit bigla siyang nakaisip ng ideya. Binigay niya ang papel sa bata, “Promise mo sa akin itatago mo itong papel na ito hanggang sa paglaki mo ha?”

Sa pag-uwi nila Gigi sa kanilang tahanan ay agad siyang yumakap at humalik sa kanyang lolo Ben. Kinuwento niya rin dito ang mabait na lalaking nagbigay sa kanila ng cake.

“Talaga? Napakabuti naman niyon. Ano daw ang pangalan niya?”

Advertisement

Napaisip ang batang babae, “Hindi ko po natanong lolo, pero may binigay po siyang papel sa akin. Ito po, oh.”

Binasa ng matandang lalaki ang nakasulat sa maliit na papel–ang pagtulong sa kapwa ay ang simula ng isang kaaya-ayang mundo.

Napangiti si Lolo Ben sa nabasa. Doon ay nagbalik-tanaw siya sa batang tinulungan niya noon upang makabili ng cake sa mismong kaarawan nito.

Kasiya-siyang malaman na ang simpleng kabutihan at pagtulong sa kapwa ay hindi matutumbasan ang kasiyahang maaari maidulot sa isang tao. Sabi nga nila, mas mabuti nang tuulong kaysa ikaw ang mangailangan ng tulong.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.