Inday TrendingInday Trending
Bigla na Lamang Nagbago ang Ugali ng Kaibigan ng Dalagang Ito na Nagresulta ng Alitan sa Pagitan Nila; Nabigla Siya Nang Matuklasan ang Dahilan sa Pagbabagong Ito

Bigla na Lamang Nagbago ang Ugali ng Kaibigan ng Dalagang Ito na Nagresulta ng Alitan sa Pagitan Nila; Nabigla Siya Nang Matuklasan ang Dahilan sa Pagbabagong Ito

“Surprise!!! Sando para sa’yo, para naman makita ko na ulit ‘yang naglalakihan mong mga braso! Ang init init kasi ng panahon eh napakahilig mong magsuot ng jacket,” pabirong bulalas ni Jane sa kaniyang matalik na kaibigang si Mika. Subalit hindi naman niya inaasahan ang tugo nito sa kaniya. Dahil imbes na maging masaya iyon, nagsimangot lamang ito.

“Akala mo nakakatuwa ka? Jane, hindi sa lahat ng oras dapat nagbibiro ka,” taas-kilay na banggit nito sa tamemeng kaibigan na si Jane. Pagkatapos ay mablis nitong itinapon sa may upuan ang regalong sando ng kaibigan at mabilis na umalis papalayo roon.

Samantala, naiwan si Jane na nainis din sa inastang pag-uugali ni Mika. Ang nais lang naman niya ay mapatawa ang kaibigan dahil mukhang may malalim itong iniisip ng mga nakaraang linggo pa. Ang dating masiyahing Mika, ngayon ay malungkot, tulala at para bang laging ninenerbiyos.

“Sige! Hindi kita papansinin hangga’t di mo ‘ko binabati!” pagmamaktol naman ni Jane sa kaniyang isip. Hindi naman kasi siya natitiis nito kaya naman alam niyang bukas lamang ay tiyak na papansinin na rin siya nito agad.

Nang gabing iyon, hinihintay ni Jane ang mensahe o tawag na manggagaling kay Mika. Subalit bigo siyang makakuha kahit na alanganing oras na siyang natulog. Lumipas ang sabado’t linggo, wala man lang siyang makuhang mensahe sa kaibigan. Binabantayan din niya ang mga social media nito subalit wala rin siyang makuhang balita ukol sa kaibigan. Lalong lumalim ang inis ni Jane sa kaniyang kaibigan. Aniya, napakaliit lamang ng nagawa niyang pagkakamali at sa totoo naman ay hindi iyon isang pagkakamali subalit labis naman ang pagkagalit sa kaniya nito. Dahil dito, nagpasiya siyang huwag nang maghintay pa sa kaibigan at kalimutan na lamang ito.

Dumating ang araw ng pasukan nila, ibang-iba sa karaniwan nilang araw ng pasok. Kung dati ay sabay sila sa lahat ng gawain, ngayon ay hindi sila nagpapansinan. Minabuti na lamang ni Jane na iwasan na lang din si Mika dahil nga alam niya sa kaniyang sarili na wala naman talaga siyang pagkakamali. Ngunit mahirap para sa kaniya ang araw-araw, pareho silang mahina ang kokote subalit wala naman iyon sa kanila kung bumagsak sila sa mga pagsusulit. Ang mahala lamang ay magkasama sila sa araw-araw.

Lumipas pa ang isang buwan, nagkaroon na si Jane ng kaniyang ma bagong kaibigan. Samantala, si Mika ay ganoon pa rin at para kay Jane, ay mataas pa rin ang pride nitong makipag-ayos sa kaniya. Hindi niya namamalayan, sa bawat araw ay mas lalong lumalalim ang galit at tampo niya sa dating kaibigan.

Hanggang sa dumating ang isang araw na nagkaroon siya ng pagkanais na maghiganti kay Mika. Humingi siya ng tulong sa ibang kaklase na gumawa ng isang gulo at ituro si Mika na salarin sa lahat. Katulad ng kanilang naging plano, ganoon na nga ang nangyari. Todo tanggi man si Mika sa mga paratang sa kaniya, subalit wala siyang nagawa dahil lahat ng nakasaksi ay siya ang itinuturong nagpasimula ng away sa eskwelahan. Dahil dito, nagmakaawa ang mga magulang ni Mika na huwag siyang patalsikin sa paaralan. Subalit hindi muna siya pinapayagang pumasok sa eskwelahan ng isang linggo.

“Buti nga sa babaeng ‘yon! Naku! Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko siya!” simangot na wika ni Jane sa mga kaklase. Subalit ang imaheng pagmamakaawa ng mga magulang ni Mika at mga luha ng kaibigan ay nananatiling bumabagabag sa dalaga.

Isang sabado ang sumapit, nakatanggap si Jane ng mensahe mula sa ina ng kaibigang si Mika.

“Jane, alam mo ba kung nasaan si Mika? Nawawala kasi siya, kagabi pa hindi nagpapakita sa amin…”

Nang mabasa ni Jane ang mensaheng ito, kinutuban nang malakas si Jane dahil kagabi lamang ay nakita niya si Mika na nasa tapat ng eskwelahan nila. Takot na takot siya na baka gantihan siya nito o kaya naman ay may mangyaring masama dito. Lumakad nang mabilis si Jane patungo sa mga lugar at kainan na lagi nilang pinupuntahan ni Mika subalit bigo na naman siyang mahanap ito. Mangiyak-ngiyak na siya dahil naaalala niya pa kung paano sila lumaking magkasama ni Mika at sa sobrang liit na bagay lamang ito natapos.

Bigla na lamang naputol ang kaniyang paglalakad at pagkabog ng dibdib nang masulyapan ang kaibigang nakatayo sa may labas ng isang building. Nakahinga siya nang maluwag ng mga sandaling iyon at agad na nagbigay ng mensahe sa mga magulang ni Mika na magkasama na sila. Handa na sana siyang lunukin ang kaniyang pride at humingi ng tawad sa kaibigan nang nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. Kasunod ni Mika ay ang kanilang adviser na lalaki na nakahawak sa baywang ng kaibigan. Yumuko siya bigla at patuloy lamang sa pagmamasid. Pumasok ang dalawa sa isang motel kung saan nakumpirma na ni Jane kung ano nga ba ang dahilan sa pagbabago ng kaniyang kaibigan.

Kagat-kagat ang mga kuko, lakad dito, lakad doon, hawak sa ulo ang paulit-ulit na ginagawa ni Jane nang siya ay makauwi.

“Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?” paulit-ulit din na tanong ng dalaga sa sarili.

Kinalma niya ang sarili nang gabing iyon at iniwas ang pag-iisip ukol sa kaibigan at sa nalaman niya. Dumaan muli ang linggo at kinabukasan, babalik na muli sa eskwelahan si Mika.

Kinaumagahan, balisang-balisa si Jane at panay ang pagsulyap sa kaniyang kaibigan. Hindi siya mapakali hanggang sa mag-uwian na silang lahat. Ngunit minabuti ni Jane na hindi sumabay sa mga kaklase pauwi at nagpaiwan siya sa kanilang eskwelahan upang obserbahan pauwi si Mika.

Nagtago siya sa may gilid ng kanilang room at pinagmamasdan ang kaibigan. Nag-ayos na ito ng kaniyang mga gamit at mukhang pauwi na rin ito. Sinukbit niya ang kaniyang bag nang bigla na lamang nagdilim at mawala ang ilaw! Iminulat niya nang malaki ang kaniyang mata at doon nakita ang kanilang guro na pinipilit na hal*yin si Mika. Pigil siyang nanatili sa kaniyang pinagtataguan. Kasabay nito ay ang pagpigil niya sa kaniyang mga luha habang pinapanood ang kaniyang mahal na kaibigang pinagsasamantalahan ng kaniyang guro.

Nang matapos iyon, tumakbo palabas si Mika na umiiyak at balot na naman ng jacket. Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay hinabol niya ito upang kausapin. Hinili niya ang raso ng kaibigan at saka niyakap ito nang mahigpit. Doon na sumigaw nang napakalakas ng dalaga at ngumalngal dahil akala niya ay guro niya muli ito.

“Sshh.. Sshhh… Ako ‘to Mika… Si Jane ‘to…” marahang pagpapatahan ng dalaga sa kaniyang kaibigan.

Nang tumahan na ang dalaga at kumalma na, halos sumayad nasa lupa ang mukha nito sa sobrang pagyuko. Hindi siya makatingin nang diretso sa kaibigan. Tinig ni Jane ang sumira sa katahimikan sa gitna ng kanilang pag-uusap.

“Nakita ko ang lahat… Bakit… Bakit hindi mo sinabi sakin? Kaibigan mo ako, Mika… Kaibigan mo ako…” banggit ni Jane sa kabigang umiiyak na.

“Bakit ayaw mo isumbong? Bakit hindi ka gumagawa ng paraan para matigil na ang kahayupan niya?!” pagmamataaas ng boses ni Jane kay Mika.

“Kasi sabi niya ako rin daw ang mapapahiya… Kasi sabi niya kaya niyang baligtarin na ako ang nang-akit sa kaniya… Kasi hindi ako matapang katulad mo, Jane… Hindi…” tugon ni Mika at tuluyan na ngang napuno ng luha ang kaniyang mukha.

Niyakap siya ni Jane nang mahigpit at nangakong tutulungan siyang makawala sa sitwasyong iyon. Wala sinuman ang nakaalam ng pangyayaring iyon. Napatalsik ang guro na iyon, nasuspende ang lisensiya nito at patuloy na kakasuhan ng mga magulang ni Mika. Simula noon, muling tinahak ng magkaibigan ang kanilang araw-araw na masaya at walang tinatagong sikreto sa isa’t isa.

Advertisement