Nainlab ang Dalaga sa Cute na Binatang Nakilala sa FB, May Lihim Pala Itong Pagkatao

Dalawang taon na ang nakalipas nang makilala ni Jasmin ang isang cute na lalakeng si Joshua.

July 22 nang magkakilala sila ng lalake sa chat. Si Jasmin ang unang nagpakilala.

“Hi! Ako nga pala si Jasmin, and you?” tanong ng dalaga.

“I’m Joshua, just call me Josh for short,” sagot ng kausap.

“Nice name!” aniya.

Nagkagaanan naman sila agad ng loob. Sa mga sumunod na araw ay patuloy lang ang pag-uusap nila sa chat hanggang sa hindi na namalayan ni Jasmin na nahulog na ang loob niya kay Joshua sa loob lamang ng isang linggo.

Hindi niya alam kung anong meron sa binata at naramdaman niyang may kakaibang kuryenteng dumadaloy sa kaniyang mga ugat nang una sila nitong nagkausap sa chat.

Paano ba namang hindi siya mahuhulog sa lalaki kung napaka-sweet nitong makipag-usap sa kanya at palaging tinatanong kung okay ba siya o kung kumain na siya. Sa lahat ng bagay ay nagkakasundo din sila. Halos parehas sila ng mga kinahihiligang pagkain, palabas, at kung ano-ano pa.

Advertisement

“Oh my.. Pumapag-ibig na ba ako?” Tanong niya sa sarili.

Naglakas siya ng loob na ipagtapat sa lalaki ang nararamdaman.

“Josh, m-may sasabihin sana ako sa iyo,” saad ni Jasmin sa nahihiyang boses.

“Ha, ano iyon?” anito.

“M-may aaminin kasi ako sa iyo. O-okay lang ba?”

“Ayos lang, e, ano ba iyon?” tanong ng lalaki.

“Ma-may f-feelings na kasi ako sa iyo, J-Josh. H-hindi ko naman sinasadya. Bigla ko na lamang naramdaman e,” nauutal niyang sabi.

Kahit hindi sigurado ay inihayag ni Jasmin ang gusto niyang iparating sa kausap. Kahit hindi niya alam kung tama ba o mali iyon. Ang mahalaga ay nasabi niya rito ang nasa puso niya.

Advertisement

Nabigla ang lalaki sa ginawang pagtatapat ng dalaga.

“R-really? Hindi mo pa ako nakikita e,” wika nito.

“Hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lang na I like you,” pahayag pa ni Jasmin.

“Ako rin may aaminin sa iyo!” sabi ng lalaki.

“What?” tanong niya rito.

“M-may pagitingin din ako sa iyo, Jasmin! Nahihiya lang akong sabihin pero may nararamdaman din ako sa iyo.”

Naglulundag ang puso ni Jasmin sa sinabi ng lalaki. Pareho lang pala ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Nagkaroon na ng magandang pagkakaunawaan ang dalawa na hindi nagtagal ay nauwi sa isang relasyon. Pero mahirap din ang kalagayan nila dahil long distance relationship iyon.

Advertisement

Si Jasmin ay nasa Maynila, si Joshua naman ay nasa Bicol kaya minsan ay nagkakaroon sila ng di pagkakaunawaan. Hindi maalis ang mga tampuhan at selosan. Pakiramdam ng dalaga’y may itinatagong lihim sa kaniya ang nobyo sapagkat ayaw man lamang nitong makipag-videocall sa kanya.

“Siguro may ibang babae kaya ayaw magpakita,” saad ni Jasmin sa sarili.

“Nahihirapan na ako sa sitwasyon natin, Josh. Palagi nga tayong nag-uusap sa chat pero pakiramdam ko napakalayo mo pa rin. Hindi mo nga maipakita ang sarili mo sa akin. Ayaw mo ring makipag-videocall!” may tampong sabi ni Jasmin.

“Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, ako din naman!” matipid nitong sagot.

Hindi man lang sinabi ng lalaki kung bakit ayaw nitong makipag-videocall sa kanya. Dahil sa pagkainis ay nakapagdesisyon ang dalaga ng padalos-dalos, nakipaghiwalay siya sa nobyo.

“Kung ganyan rin lang na ayaw mong magpakita sa akin, mabuti pa na mag-break na lang tayo!” aniya.

“K-kung iyan ang gusto mo!” sabi ng lalaki at hindi na ito muling nagparamdam sa kanya.

Lumipas ang mga araw na wala na silang komunikasyon ni Joshua. Halos apat na buwan na silang hindi nag-uusap. Minsan, napansin niya na nag-iba ang picture ng account ni Joshua sa Facebook. Hindi niya alam kung bakit siya nadismaya, bakit siya affected, e di ba nga’y wala na sila?

Advertisement

“Bakit ba ako apektado?” aniya.

Pero dahil sa naiintriga ang dalaga at ang totoo’y interesado pa din ito sa kanyang dating nobyo ay sinearch niya ang larawan na ipinalit nito, hanggang sa nakita niya na hindi pala iyon ang totoong litrato ni Joshua.

Maging ang profile picture na ipinost nito sa FB ay hindi rin sa lalaki. Sobra siyang nabigla sa natuklasan.

“Sh*t, nakipagrelasyon ako sa isang POSER? Iba-iba ang larawang pinopost, sino kaya ang totoong Joshua dito?”

Agad siyang nagpadala ng mensahe dito.

“Hoy, sino ka bang talaga? Bakit ayaw mong ipakita ang totoong mukha mo? Wala kang ginawa kundi maglagay ng mga litrato ng iba’t-ibang guwapong lalaki pero hindi naman malaman kung sino doon ang tunay na ikaw!” inis niyang sabi sa chat.

Maya-maya ay sumagot ito.

“Sorry kung niloko kita. Hindi lang ako sanay na makita ng iba ang totoo kong itsura at malaman ang tunay kong pagkatao. Matagal na kitang nakikita sa FB kaya’t nang nagpakilala ka’y nag-reply kaagad ako sa chat mo. Pero isa lang ang totoo, minamahal kita, Jasmin. Sa kabila ng panloloko ko, mahal kita, pangako!”

Advertisement

Dahil sadya siyang marupok ay tinanggap niya ang sorry ng lalaki. Naniwala siya na minahal din siya nito. Muling bumalik ang tamis ng unang pag-ibig dahil matapos ang pangyayaring iyon ay binigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang relasyon nila ni Joshua.

Napagtanto niya na mahal niya ang lalaki at kahit alam niyang niloko na siya nito ay mahal na mahal pa rin niya ito. Sabi nga ay bulag daw ang pag-ibig kaya’t anuman ang itsura ng binata’y tanggap niya na ito. Hindi niya na rin ito pinilit pang makipag-video call. Pinanghawakan niya ang pangako nitong magpapakita ito sa tamang panahon.

Lumipas ang mga araw at lalong naging malambing ang nobyo sa kanya ngunit hindi rin iyon nagtagal nang may matuklasan na naman siya tungkol sa pagkatao nito.

Ang akala niya ay ang pagpopost lang ni Joshua ng mga guwapong larawan ng iba’t-ibang lalake ang kasukdulan ng panloloko nito. Mas lalo niyang ikinabigla nang malamang ang lalaking minamahal niya ng sobra ay hindi pala tunay na lalaki.

“Pu*ng I*a, BABAE siya?” gulat na sabi ni Jasmin nang di sinasadyang naipost ni Joshua ang throwback picture nito sa Facebook. Si Joshua ay si Joanna pala sa totoong buhay.

“Ang lupit mo, wala kang awa! Ang galing mong manloko!” saad niya kay Joshua nang makausap ito sa chat.

“Patawarin mo ako, beh. Baka kasi iwan mo ‘ko kapag nalaman mong babae din ako. Mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa buhay ko!” paliwanag nito.

“Mataas ang respeto ko sa mga kagaya mo pero hindi kita mapapatawad sa panloloko mo sa akin! Napakasinungaling mo! Sana’y noong una pa lamang ay nagsabi ka na ng totoo!”

Advertisement

Muli niyang tinapos ang lahat sa kanila ni Joshua. Kahit mahal niya ito at kahit masakit ay tinanggap niya sa sariling nagkamali siya at sana ay hindi na nagtiwala pa rito. Kung nagpakilala sana ito sa totoo nitong pagkatao ay baka maunawaan pa niya ang sitwasyon nito.

Sa bandang huli, naisip ni Jasmin na hindi pala lahat ng nakikita o nakikilala sa social media ay totoo. Ang iba rito ay gawa-gawa lang at may mga taong nagpapanggap para makapanloko sa kapwa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.