Malagim ang Sinapit ng Nobyo ng Babaeng Ito Matapos Siyang Makipaghiwalay, Laking Panlulumo Niya nang Makita ang Kahon na Dapat Ibibigay Nito Pagsapit ng Anniversary Nila

Matagal nang magkasintahan si Elaiza at Rannie, sabi nga ng marami, kasal na lang ang kulang sa 7 taon nilang pagsasama. Inip na inip na si Elaiza, napag iiwanan na siya ng mga kaibigan, kapag naman tinatanong niya ang nobyo ay palagi lang nitong sinasabi na paghandaan daw muna nila ang lahat, pag ipunan muna.

 

Maganda naman ang trabaho ni Rannie at hindi lingid kay Elaiza na sapat na ang ipon nito. Kaya nga binigyan niya na ng taning ang sarili, kapag sa anniversary nila hindi pa siya nito inalok ng kasal ay makikipaghiwalay na siya sa lalaki. Baka naman kasi nagsasayang lang siya ng taon sa buhay niya ay wala naman palang pupuntahan. Mahal niya si Rannie pero 7 taon na siyang naghihintay.

Dumating ang anniversary nila, sinundo siya ng nobyo sa kanilang tahanan at dinala sa isang mamahaling restaurant. Habang kumakain ay kinuha ni Elaiza ang binili niyang relo para rito.

“Happy anniversary mahal,” bati niya rito sabay abot ng kahon. Napangiti naman ang lalaki.

“Uy ang ganda ah, na-pressure tuloy ako.” biro nito. Maya maya ay iniabot nito sa kanya ang isang bouquet.

“Happy anniversary ganda, wait lang hindi pa yan yung gift ko.” sabi nito.

Salamat, Diyos ko po, ito na yata!

Advertisement

Maya maya ay may paper bag itong iniabot sa kanya. Pagbukas niya ng paper bag ay may lamang teddy bear. Biglang nagbago ng timpla ng mukha ni Elaiza, teddy bear, ano ba sila, teenager?!

“Did you like it?” nakangiting tanong ng lalaki.

“Sorry Ran, I think..I have to go.” tumayo sa mesa nila si Elaiza, baka kasi hindi niya mapigil ang pagtulo ng luha. Talagang walang balak ang lalaki na pakasalan siya.

Tuluy-tuloy siyang lumabas sa restaurant at hindi na niya kinausap si Rannie mula noon. Paulit ulit itong pumupunta sa kanila pero tiniis niya ang lalaki, sinusundo siya nito sa opisina pero palagi niyang iniiwasan, nagpalit na rin siya ng cellphone number at naka-block na ito sa Facebook niya.

Isang araw ay naisip niyang hindi niya pala kayang tiisin ang nobyo.Namimiss niya ito at handa na siyang sumugal pakasalan man siya nito o hindi.

Pinuntahan niya ito sa bahay, ngunit sabi ng kasambahay ay nasa ospital daw ito. Agad na kinilabutan si Elaiza at pinuntahan ang ospital na sinasabi ng kasambahay.

Inabutan niya roon ang ina ni Rannie, umiiyak sa tabi ng nobyo niyang nakatalukbong ng kumot.

“Oh my God! No!” napasigaw siya kaya napatingin sa kanya ang ginang.

Advertisement

Agad niyang nilapitan ang lalaki at hinawakan ang mga kamay nitong mainit pa, marahil ay ilang sandali pa lang nang bawian ito ng buhay.

“Ran no. Im so sorry mahal, please wag mong gawin to. Sorry mahal nagtampo lang ako kasi, kasi pagod na akong maghintay pero eto nako ngayon. Ang sama sama ko, huli na ang lahat. Oh my God Ran ang sakit sakit.” sabi niya habang lumuluha.

“Hija, dala dala niya ito sa kotse nang maaksidente siya.” inabot sa kanya ng luhaang ginang ang paper bag. Kinuha niya ang teddy bear at laking gulat niya nang tumunog iyon.

WILL YOU MARRY ME? PLEASE PLEASE PLEASE!

Lalong napaiyak si Elaiza. Sa loob ng paper bag ay naroon ang isang pulang kahon na nang silipin niya, singsing ang laman.

Napakalaki niyang tanga!

Napakalakas ng hagulgol ni Elaiza nang magsalita ang nanay ni Ran.

“O gising na pala siya. Ikaw na bata ka! Pinaiyak mo ako sa susunod na mag aaway kayo wag kang maglalasing habang nagdadrive!” wika lang nito at lumabas na ng kwarto.

Advertisement

Anong sinasabi nito? Naguguluhan ang babae nang biglang humigpit ang hawak ng nobyo sa kanyang kamay. Buhay ito!

Nang tignan niya ay ngiting ngiti ang lalaki.

“Ang ingay naman umiyak, parang baka.” pinipigil nito ang tawa.

“Bakit? Buhay ka?” nanlalaki ang mata na sabi niya rito, habang pinupunasan ang mga luha.

“Ayaw mo? Oh my God Ran Im sorry..” nakausli pa ang nguso nito habang ginagaya ang iyak niya kanina.

Hinampas niya nang mahina ang braso ng nobyo.

“Bakit ka nakatalukbong?” takang tanong niya pa rin.

“Nasisilaw ako eh! Tapos may biglang umiyak nang malakas kaya nagising ako. Pero narinig ko lahat, wala nang bawian ha? Marry me?” malambing na sabi nito.

Advertisement

Niyakap ni Elaiza ang lalaki bilang sagot at kinabukasan rin ay nagpakasal ang dalawa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.