Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Simula Nang Makakita ang Bulag na Babae ay Marami nang Kababalaghan ang Nangyari sa Kanya, Nangilabot Siya nang Malaman Kung Ano ang Totoong Nangyari sa Eye Donor Niya - Inday Trending

Simula Nang Makakita ang Bulag na Babae ay Marami nang Kababalaghan ang Nangyari sa Kanya, Nangilabot Siya nang Malaman Kung Ano ang Totoong Nangyari sa Eye Donor Niya

Dalawang buwan na ang nakakalipas nang makalabas sa ospital si Monica, masaya siya na pagkatapos ng madilim na kahapon ay muli na siyang nakakakita. Noong una ay kakapa- kapa pa siya ngunit sa tulong ng pamilya at mga kaibigan, maging ng pagbisita sa doktor ay napabilis ang recovery niya.

Kaya lang ay simula nang araw na makalabas siya sa ospital ay hindi na siya pinatahimik ng mga panaginip, nakatayo raw siya sa isang kalsada at may paparating na truck upang banggain siya. Pawis na pawis at nanginginig na magigising siya mula sa pagkatulog. Minsan nga ay kahit gising siya ay parang may mga nakikita siyang hindi pangkaraniwan.

“Anak, baka kailangan lang nating magsimba,” naaawa ang nanay ni Monica sa kanya, hinihimas nito ang likod niya dahil nagising nanaman siya mula sa nakakatakot na panaginip na iyon.

“Ma, hindi naman ako nakakalimot magdasal. Gabi gabi ay nagdarasal ako pero eto pa rin ang nangyayari.” naiiyak na naman ang dalaga kapag naaalala ang panaginip. Mas malala na kasi iyon, ngayon ay may mga lalaking lumapit daw sa kanya at dinukot ang mga mata niya.

“Masarap ba? Masarap bang makakita?”tanong ng lalaki habang nilalapirot sa mga kamay nito ang isang mata niya.

“Tama na! Sino ba kayo? Tama na!” sigaw niya pero tila walang naririnig ito. 

Muling gumalaw ang lalaki at tuluyan nang kinuha ang isa pa niyang mata..

At doon na siya nagising.

“Tatabihan na lang kita anak, wag ka nang matakot.” sabi ng ina niya na sa awa ay magdamag siyang binantayan at hindi natulog.

Napag usapan ng mag ina na puntahan ang ospital upang tanungin kung sino ang donor ng mga mata ni Monica, pakiramdam nila ay may kinalaman iyon sa mga panaginip niya. Hindi pumayag ang nurse dahil ayon sa rules nila ay bawal silang magbigay ng impormasyon lalo na kung hindi naman authorized ng may ari. Pauwi na sana ang mag ina nang masalubong nila ang isang ginang na hinaharangan ng mga guard.

“Papasukin ninyo ako! Sabihin nyo sa akin ang totoo, bakit nyo ninakawan si Ara!” sigaw nito,nakasuot pa ito ng kapote dahil malakas ang ulan. Nang mapalingon ang ginang kay Monica ay agad nanlaki ang mga mata nito at tumakbo papalapit sa dalaga.

Hinawakan ng ginang ang dalawang pisngi niya at tinitigang mabuti ang kanyang mga mata.

“Ara! Kay Ara yan!” sabi nito sa kanya.

Agad namang inilayo ng nanay ni Monica ang ginang at natulala ang litung litong dalaga.

“Ano’ng ibig mong sabihin? Sino ka ba? May donor ang anak ko, binayaran namin ang ospital para ihanap siya ng donor. Hindi namin alam ang sinasabi mo.” maang na sabi ng nanay ni Monica.

“Nabangga ang anak ko, namatay siya sa aksidente at dito namin dinala sa ospital na ito pero nang ilabas sa morgue ang katawan niya ay wala na ang kanyang mga mata, Ara ko..” napaiyak ang ginang.

Nanghilakbot naman ang mag ina sa narinig, kaya pala palaging nananaginip si Monica na nababangga siya at may kumukuha sa kanyang mga mata. Iyon pala ang paraan ni Ara para sabihin sa kanila ang totoong nangyari.

Tinulungan nila ang ginang na idemanda ang ospital, nagdasal sila at humingi ng kapatawaran at katahimikan para kay Ara, simula noon ay natanggap na rin ng ginang na manatili kay Monica ang mga mata ng anak nitong pumanaw na.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.