Nang Dahil sa Isang Maling Mensahe sa Text ay Unti-unting Nawala ang Tiwala ng Nobyo, May Pag-asa Pa Ba Silang Maayos?

Sa isang taong pagiging magnobyo ni Elaine at Raphael, wala naman silang naging problema.

Nagkakatampuhan, oo, pero dahil lamang ito sa maliliit na bagay.

Mahal na mahal ni Raphael ang nobya. Kolehiyo pa lamang sila noon nang simulan ng pormahan ng binata si Elaine. Ngunit dahil mataas ang kanyang respeto sa dalaga ay inantay niya munang makatapos sila ng pag-aaral bago siya tuluyang manligaw.

Dahil gusto rin naman ni Elaine ang binata, hindi na niya pinatagal at sinagot din si Raphael.

Isang araw habang sila’y nasa labas at kumakain…

“Babe, baka pala magkita daw kami ng mga kaibigan ko nung college sa Sabado,” paalam sana ni Elaine.

“Oh, eh bakit nagpapaalam ka pa sa akin?” nagtatakang sagot ni Raphael.

“Eh siyempre kasi baka magalit ka eh,” nag-aalalang sagot ng dalaga.

Advertisement

“Ha? Ikaw talaga. Bakit naman ako magagalit? Sige lang babe makipagkita ka lang sa kanila, ‘di ba mga kaibigan mo sila? Basta ang sa akin lang mag-iingat ka ha,” paalala ng binata, sabay niyakap ang kanyang nobya.

“Sino-sino pala kayo babe?” pahabol niyang tanong.

“Si Mika kasi ang nag-aayos ng get-together namin. Kaya hindi ko pa alam kung sinong makakarating eh.” sagot niya sa nobyo.

Tumango na lamang si Raphael para sumang-ayon sa kanyang nobya. Para sa binata, malaki ang tiwala niya kay Elaine, ang importante lamang sa kanya ay i-text siya kung nasaan siya para alam niya kung saan pupuntahan ang nobya kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan.

Nang dumating ang araw na plinano para sa pagkikitang muli ng magkakaibigan…

“Babe, nandito na ako sa mall. Dito raw kami magkikita-kita eh,” text ni Elaine sa kanyang nobyo.

“Okay. Sige. Mag-iingat at mag-enjoy ka kasama ng mga kaibigan mo ha?Basta update mo lang ako,” sagot naman ng binata.

“Nandito na rin sila, babe. Kaso apat lang pala kaming nakapunta dahil yung iba may trabaho pa,” sagot muli ni Elaine.

Advertisement

Hindi na sumagot pa ang binata sa text dahil nais niyang ma-enjoy ni Elaine ang oras kasama ang mga kaibigan.

Matapos kumain ng mga magkakaibigan ay dumeretso sila sa sinehan para manood ng magandang palabas.

Muling ipinaalam ni Elaine sa nobyo kung nasaan siya.

“Babe. Manonood na rin kami ng sine ha,” text ni Elaine.

“Sige. Sunduin ba kita mamaya para ihatid na kita sa inyo? Gabi na rin kasi eh,” pag-aalala ni Raphael.

Pero tinanggihan ito ng dalaga. Ani niya ay mayroon namang isa sa kaniyang mga kaibigan ay may sasakyan at idadaan na lang daw siya sa bahay nila.

Hinayaan na lamang ni Raphael ang nobya dahil panigurado ay na-miss niya rin ang kanyang mga kaibigan at gustong sulitin ang oras kasama sila.

Matapos ang ilang oras ng pag-aantay ni Raphael, ay nagtext na rin sa wakas ang kanyang nobya. Ipinaalam lamang niya na siya’y nakauwi na at magpapahinga na. Nagpasya ang dalawa na bukas na lamang magkwentuhan tungkol sa mga magagandang nangyari sa get together ni Elaine at ng mga kaibigan.

Advertisement

Ngunit kinabukasan nang tignan ng binata ang mga bagong mensahe sa kanyang telepono, nalito siya sa isang text galing sa nobya…

“Zac, pasensya na, pero naguguluhan talaga ako sa nangyari sa’tin kagabi,” Agad na tinawagan ni Raphael ang kanyang nobya at kinompronta kung sino si Zac at kung ano ang sinasabi niya sa kanyang text.

Inamin naman ni Elaine na para ito sa isa niyang kaibigan na kasama kagabi. Wala naman talagang nangyari sa kanila ngunit medyo naging sobrang malambing pala sila sa isa’t isa.

“Hindi kasi namin naiwasan maging sweet sa isa’t isa. Pero dahil sobrang close lang din talaga namin noong college,” depensa ng dalaga.

Humingi rin siya ng kapatawaran sa nobya at nangakong hindi na iyon mauulit.

Dahil sa sobrang pagmamahal at tiwala ng binata kay Elaine ay pinatawad niya ang dalaga at pilit kinalimutan ang nangyari.

Ngunit hindi parin maiwasan ni Raphael na hinid maisip ang text na galing sa nobya. Kaya kinompronta niya ang isa sa mga malapit na kaibigan ng dalaga.

Doon niya nalaman na dalawang lalaki at dalawang babae lamang pala sila sa get together. At ang naghatid kay Elaine sa kanilang bahay ay si Zac lang. At ang lalaking ito ay ang dating gustong-gusto ng dalaga noong kolehiyo pa lamang sila.

Advertisement

Dagdag pa niya ay nakwento ng dalaga sa kanya na bukod sa sila’y magkahawak-kamay sa sasakyan, ay nagkahalikan pa sila ng matagal.

Sa labis na sama ng loob ng binata ay pinilit niyang makipag-usap ng maayos sa nobya.

“Totoo ba ang lahat ng sinabi ng kaibigan mo sa akin?” mahinang tanong niya habang nanginginig na ang kanyang boses.

“Sana patawarin mo ako. Pero hindi ko naman na inulit. At hindi ko na uulitin,” Umiiyak na sagot ni Elaine.

“Gusto mo ba yung lalaki?” nakayukong tanong ni Raphael at pinipigilang umiyak.

“Hindi ko siya gusto. Nadala lang ako noon. Sorry babe, sorry,” ani Elaine na dahan-dahang lumalapit kay Raphael.

Umalis noon ang binata at nag-isip-isip na muna.

Sobrang mahal niya si Elaine kaya naman nais niya pang bigyan ng isa pang pagkakaktaon na itama ang mali.

Advertisement

Ngunit mas nanaig sa kanyang isipan at puso ang makipaghiwalay na lamang sa dalaga.

Dahilan niya’y tama na ang isang beses na panloloko. At madalas ang taong nanloko ay habangbuhay nang magiging manloloko.