Handa nang Pakasalan ng Lakaking Ito ang Kanyang Nobya, Kaya Laking Gulat Niya ng Bigla Itong Umalis Kasama ng Isang ‘Kano

“Diyos ko naman Francis, bilis-bilisan mo naman! Nauna ka na ngang mag-ayos kaysa sa akin, naunanahan pa rin kita? Napakakupad mo naman!” sigaw ni Abi.

“Nagligpit pa kasi ako ng mga kalat dito sa bahay, ‘di ba? Saglit lang, eto na,” mahinang sagot ng binata.

“Bilisan mo! Magagalit na naman ang tita ko sa akin sasabihin late nanaman tayo!” sigaw ng dalaga.

Nagmamadali na si Francis at Abi sa reunion ng pamilya ng dalaga.

Mayroon kasing isang tiyahin si Abi na umuwi galing sa ibang bansa kaya naman sila’y nagdesisyong magkita-kita.

Tatlong taon ng magka-live in si Abi at Francis ngunit dahil wala pang sapat na ipon, hindi muna sila nagpapakasal. Pangarap ni Abi ang magkaroon ng maayos na kasal. Ngunit dahil mas maganda ang trabaho niya kaysa sa nobyo ay natatagalan ang kanilang pag-ipon.

Kung sipag lamang ay walang masasabi sa binata, ngunit dahil hindi nakapagtapos ng kolehiyo tulad ni Abi, maliit lamang ang kanyang sinasahod sa trabaho.

Nang sila ay makarating sa lugar na napagusapan…

Advertisement

“Hi Tita Miling! How are you po?” bati ng sosyalerang si Abi sabay besos sa kanyang tiyahin.

“Aba! Aba! Pang-mayaman talaga ang kilos nitong pamangkin kong ‘to eh. Kumusta naman ang maganda kong pamangkin?” aniya habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Abi.

“Okay naman po ako tita. Well, sana sa susunod na uwi mo kasal ko na pala yun ‘di ba,” parinig ni Abi sa kanyang nobyo.

Napatingin din si Miling sa nobyo ng kanyang pamangkin, ngunit napataas ang kanyang kilay ng makitang simpleng lalaki lamang ito.

“Ah. Ok. Siya ba ‘tong boyfriend mo?” aniya, ngunit bago pa makasagot si Abi ay nagsalita siyang muli, “Well, anyway, may sasabihin pala ako sa’yo mamaya. Very important to dear ha. Usap tayong dalawa later.”

Ramdam na ramdam ni Francis ang pangmamata ng tiyahin ng nobya at pikit mata na lamang itong tinanggap. Para sa kanya, siya’y magpapatuloy na lamang sa pagsisipag sa trabaho at patuloy na lihim na mag-iipon para sa kasal nila ni Abi.

Matagal nang itinatago ni Francis ito sa nobya. Masyadong importante si Abi para sa kanya kaya naman pangarap talaga niyang mabigyan ang dalaga ng magandang kasal.

Matapos ang ilang oras sa handaan ay nagpasya ng umuwi ang mag nobyo.

Advertisement

“Sige po tita, mauuna na po kami ni Francis. May pasok rin po kasi kami bukas,” paalam ni Abi.

“Okay hija, salamat pala sa pagpunta. Oh basta, yung offer ko sayo ha. Sabihan mo lang ako pag nakapag-isip-isip ka na,” sagot ng kanyang tita.

Tumango na lamang si Abi at halatang ayaw ipaalam kay Francis ang kanilang napag-usapan ng tiyahin.

Nanatiling tahimik ang dalaga sa buong biyahe pauwi. At patuloy siyang naging ganito sa mga sumunod pang linggo. Palaging malalim ang kanyang iniisip.

Hinayaan lamang siya ni Francis dahil tuwing sinusubukan niyang kausapin ang dalaga ay nagagalit lamang ito sa kanya.

Isang araw, nagsabi si Francis na gagabihin siya ng uwi. Nagpadala lamang siya ng isang mensahe na mayroon silang over time sa trabaho. Ngunit ang kanya talagang plano ay bumili ng engagement ring at alukin na ng kasal si Abi pag-uwi.

Ito’y dahil konting-konti na lamang ang kailangan niyang ipunin para sa pangarap na kasal ng nobya.

Siya na ata ang pinaka-masayang lalaki noong araw na iyon.

Advertisement

Ngunit, ang kanyang kasiyahan ay hindi nagtagal nang siya’y umuwi sa kanilang bahay.

Wala si Abi. Wala ang lahat ng kanyang gamit. Walang natira. Ang kanilang inuupahang bahay ay nagmukang siya na lamang ang taong nakatira.

Nasagot ang kanyang katanungan kuung nasaan ang nobya ng makita ang isang sulat na nasa ibabaw ng kanilang kama.

“Pasensya ka na, Francis, dahil wala akong lakas ng loob para kausapin ka pa ng harapan tungkol dito. Nakita ng tiyahin ko noon ang ating sitwasyon. Kaya naman inalok niya ang isa raw niyang kaibigan na naghahanap ng mapapangasawang pinay. Noong una syempre ay hindi ko tinanggap ang alok, ngunit habang tumatagal na nakikita kong walang patutunguhan ang ating relasyon, mas unti-unti ko nang napapapayag ang sarili ko sa alok ng aking tita. Patawarin mo sana ako. Sigurado akong makakakita ka ng babaeng magmamahal sayo. Paalam. – Abi”

Natulala si Francis dahil hindi niya aakalain na ganoon na lang kabilis kay Abi na bitawan ang lahat. Hawak niya ang bagong bili na engagement ring sa kaliwang kamay at sulat ni Abi sa kanyang kanan. Gustuhin man niyang umiyak sa nabasa, pero dahil sa sobrang sakit ay walang tumutulong luha sa kanyang mga mata.

Sinubukan pa niyang puntahan ang nobya sa bahay ng kanyang mga kamag-anak nya ngunit wala na raw siya doon. Ilang beses pa niyang tinawagan ang dalaga ngunit hindi ito sumasagot.

Araw-araw, patuloy na umaasa ang binata na babalik sa kanya ang dating nobya.

Nawala na lamang ang pag-asang ito nang dumating ang isang masaklap na balita.

Advertisement

“P’re, nabalitaan mo na ba?” tanong ng kausap niya sa telepono.

“Ang alin?” mahina niyang sagot.

“Kinasal na pala si Abi doon sa ‘kano, p’re,” malungkot na pagkakasabi ng kanyang kaibigan.

Hindi na nakasagot pa si Francis at binaba na lamang niya ang telepono.

Umiyak ng parang walang katapusan ang binata ng mga oras na iyon dahil doon lamang sumampal ng sobra-sobra sa kanya ang sakit ng pangyayari.

Gayunpaman, nangako si Francis sa kanyang sarili na hindi siya magpapakain sa kanyang lungkot. Nagpatuloy siya sa kanyang buhay at ginugol na lamang ang oras sa trabaho, magulang at mga kapatid.

Dahil sa kanyang pagsisikap ay nakabili siya ng magandang bahay sa siyudad. Nabili rin niya ang sasakyan na matagal nyang pinagipunan.

Ilang taon pa ang lumipas nang may nagdoorbell na hindi inaasahang bisita sa kanyang bahay.

Advertisement

Pagkalabas niya ng pinto…

“Hi, Francis,” bati ni Abi.

Hindi kaagad nakasagot si Francis dahil nagulat siya sa laki ng pagbabago ng dating nobya. Halos hindi niya pa ito agad namukaan.

Bago pa man siya nakapagsalita, ay may babaeng biglang sumigaw.

“Mahal?! Sino yung nag doorbell?,” ani ng misis ni Francis habang papalapit sa pinto.

Laking gulat ni Abi sa narinig. Ngunit kahit gustuhin niyang tumakbo palayo ay nasa harap na niya agad ang asawa ng dating nobyo.

“Mahal, si Abi. Yung dati kong naikwento sayo,” pakilala ni Francis.

“Ay hello, Abi. Halika tuloy ka,” nakangiting alok ng misis ni Francis.

Advertisement

Doon din napansin ni Abi na malaki na ang tiyan ng misis. Malamang ay nasa lima o anim na buwan na siyang buntis.

Kahit nahihiya ay tumuloy pa rin si Abi. Doon, nalaman nilang sinasaktan pala ang dalaga ng kanyang napangasawa kaya’t nilayasan niya ito at umuwi na ng ‘Pinas.

Naisip na Abi na hindi siya naging masaya sa kanyang desisyon at nagsisisi siya.

“Ang mahalaga, nakauwi ka ng Pilipinas. Sa pamilya mo,” ‘ika ng misis ni Francis.

Matapos ang ilang minuto pa ng pag uusap, ay hinatid na ni Francis palabas si Abi.

“Alam mo ba Francis, umuwi ako dito dahil akala ko may babalikan pa akong tayo,” pag-amin ni Abi.

“Yung araw na umalis ka ay yun ding araw na bumili ako ng engagement ring. Malungkot man ang iyong pagkawala pero nagpapasalamat pa rin ako.

Dahil kung hindi mo ako iniwan, hindi ko makikilala ang napakabuti at mapagmahal kong misis na tinanggap ako noong mga panahong wala pa akong pera at nagsisimula pa lamang. Salamat, dahil nabigyan ako ng pagkakataon maging tunay na masaya. O siya, mag iingat ka,” ani Francis.

Advertisement

At isinara na ng tuluyan ng lalaki ang pintuan ng kanyang bahay. Habang naiwan si Abi na nakatingin sa bahay ng bintana ng dating nobyo na yakap ang kanyang mahal na asawa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!