Galing sa Pamilyang Gumagamit ng Itim na Kapangyarihan ang Binata; Nakakilabot ang Kaniyang Ginawa Upang Matakasan ang Sumpang Pamanang Ito ng Angkan

Galing si Mando sa angkan na gumagamit ng itim na kapangyarihan. Katatawanan man sa iba pero tunay nga na nabubuhay ang katulad nila.

Ang angkan nila ay napupuno ng mga mambabarang, mangkukulam at mga aswang. Kanila itong ipinapamana sa bawat henerasyon sa kanilang pamilya.

“Nalalapit nang ipasa sa iyo ang karunungan, Mando. Kaunting panahon na lamang at matatanggap mo na ang pamana,” saad ng ama ni Mando.

“P-pero ‘tay… kailangan po ba talaga?” natatakot na sabi ng binata.

“Bakit nagdadalawang-isip ka ba? Alam mo naman na kamat*yan ang kapalit ng pagtanggi hindi ba?” pananakot pa ng ama.

“O-opo tay…”

Hindi kailanman ninais ni Mando na manahin ang itim na kapangyarihan. Nais niyang mamuhay ng normal at makakakawala sa sumpang ipamamana sa kaniya, pero paano? Tila ba wala na siyang ligtas pa. 

Ilang araw na lamang at gagawin na ang ritwal ng pagpapasa ng karunungan. Gulong-gulo na ang binata ang tila ba hindi na malaman pa kung ano ang pwedeng solusyon.

Advertisement

Araw ng Huwebes noon, isang araw bago ipatanggap sa kaniya ang pamana, napadaan siya sa isang Kristiyanong simbahan na nagpa-practice ng kanilang mga aawitin sa darating na linggo.

Napatigil si Mando at panandaliang nakinig. May kung ano sa kanta na tila ba hinihikayat siya na namnamin ang bawat liriko.

“Ang sarap pakinggan ng mga salita ng Diyos ‘di ba?” pagbati ng isang lalaki. “Ako ang pastor rito sa simbahan na ito. Nais mo bang makilahok sa amin?”

“H-hindi po,” nauutal na tugon naman ni Mando.

“Nadarama ang aking espiritu na may matindi kang dinadala. Kung may nais kang idulog o kung may problema ka, bukas kaming nag-iintay sa’yo rito,” sabi pa ng pastor. 

“S-salamat po,” nauutal na sabi ng binata at saka nagmadaling umalis.

Umaga ng Biyernes noon. Araw kung kailan nakatakdang tumanggap si Mando ng pamana ng itim na karunungan. Sobrang nababagabag na siya at hindi na malaman pa ang gagawin.

Naalala niya ang musika na napakinggan kahapon at ang pastor na kumausap sa kaniya. Dali-dali siyang tumalon sa bintana at saka tumakbo papunta roon.

Advertisement

Naabutan niya ang pastor na nakaupo at nagbabasa.

“Pastor… kailangan ko po ang tulong niyo! Parang awa niyo na,” hinihingal na sabi ng lalaki. 

“Ano iyon? Anong nangyari?” tanong naman ng lalaki.

Ikinuwento ni Mando ang totoo sa pastor. Naintindihan siya nito at tinanong kung ano ba ang naisin niya.

“Nais ko pong makalaya sa sumpa ng pamilya ko. Nais kong makakawala sa kadiliman. Tulungan niyo po ako,” pagmamakaawa pa ng binata.

“Ang kaya ko lamang ay idulog ka sa Diyos at ipanalangin, pero may magagawa ka para iligtas ang sarili mo.”

“A-ano po iyon?” tanong ng binata.

“Tanggapin mo ang Diyos sa buhay mo. Kailangan mong tanggapin ang kaligtasan Niya. Handa ka bang pakilusin Siya sa buhay mo?”

Advertisement

Walang alinlangang sumagot si Mando, “opo…”

Inihanda siya ng pastor at saka ipinagdasal. Idinalangin ng pastor na kalagan ang kadena ng sumpa na sa kaniya’y nakakabit. 

“Ilagay mo ang kaliwang kamay sa iyong dibdib. Tinatanggap mo ba si Hesukristo bilang iyong Diyos at tagapagligtas? Naniniwala ka ba na kaya ka Niyang baguhin at putulin ang sumpa na itinali sa’yo ng iyong pamilya?”

“Opo. Tinatanggap ko po,” naluluhang sagot ni Mando.

Itinubog ng pastor ang binata sa tubig at saka muling inahon. “Sa pamamagitan ng dugo ng Panginoon na dumanak sa krus ng kalbaryo, ikaw Mando ay nililinis na niya sa kasalanan. At ang sumpang itinanim sa’yo ay putol na.

Saliksikin mo ang Diyos at magpatuloy. Ikaw ay tinuli at binautismohan na sa dugo ang ating Panginoon.”

Nagpasalamat si Mando sa pastor. At sa unang pagkakataon, nadama niya na siya’y malaya na sa kabigatang dinadala. Buong loob siyang bumalik sa kanilang tahanan.

“Saan ka ba nagtungo ha? Kanina ka pa namin hinahanap! Bilisan mo at sisimulan na ang seremonya ng pagtanggap,” galit na sabi ng ama ni Mando.

Advertisement

“Hindi ‘tay… tumanggap na ako kanina lamang.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tinanggap ko ang Diyos sa buhay ko. Hindi ko gustong mamuhay sa kadiliman gaya ng nais ninyo. Tinanggap ko na si Hesukristo bilang tagapagligtas ko. Isa na akong Kristiyano, ‘tay!” madiin na sabi ni Mando. 

“Lapastangan! Kamat*yan ang nararapat sa’yo!” galit na galit na sabi ng lalaki.

Nagtulong-tulong ang buong pamilya at iginapos si Mando sa isang puno. Pinalibutan siya ng mga kahoy at saka binuhusan ng gasolina.

“Ngayon, tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng Diyos mo!” sabi ng isang matanda doon. 

Siniliban nila ang mga kahoy na unti-unting tumutupok doon. Iniwan nila si Mando na nasusunog doon upang magpatuloy sa gagawing ritwal sa iba pa nilang mga anak.

“Panginoon, naniniwala ako sa kaligtasan na pangako mo. Iligtas mo po ako,” taimtim na panalangin ni Mando.

Advertisement

Kumalat ang apoy ngunit hindi man lamang nito nadilaan ang balat ni Mando, bagkus ang taling nakapulupot sa kaniya ang tinupok ng apoy. 

Namangha pa siya nang makita niya ang isang malaking anghel na kinakalagan ang tali na nakapulupot. Matapos noon, lumakad si Mando sa apoy at mga baga ng hindi man lamang napaso o nasugatan.

Binalikan niya ang pamilya at ang lahat ay gulat na gulat sa nakita. Walang galos o sugat man lamang ang binata.

“Mas dakila ang Diyos ko kaysa sa karunungan ipinapasa ninyo. Kaya lahat kayo’y natunghayan ngayon ang Kaniyang kapangyarihan! 

Sa pangalan ni Hesus, kayong mga kampon ng Kadiliman ay magpapatirapa sa Kaniyang paanan!” sigaw ni Mando. 

Bumaba ang Banal na Espiritu sa kanilang harapan at lahat nga sila’y nagsitumba.

Tumalikod si Mando at tuluyan nang iniwan ang madilim na sumpa ng kanilang angkan. Kinupkop siya ng pastor at itinuring na parang anak.

Ngayon ang lingkod na rin si Mando ng Panginoon. Pastor na rin siya at nangagaral ng salita ng Diyos. Ginagawa niyang patunay ang karanasan sa kung paano sila pinalaya sa Panginoon mula sa sumpa ng kadiliman.