Nagpakalasing ang Babae Dahil Hindi Pa rin Siya Dinadatnan ng Tunay na Pag-ibig; Laking Gulat Niya nang Magising Katabi ang Isang Lalaki sa Hotel

Lumaki si Jobelle na insecure sa sarili. Parang hindi talaga niya magawang mahalin at tanggapin ang kaniyang sarili. Para sa kaniya kasi, hindi siya kagandahan kaya naiisip niyang wala nang magkakagusto sa kaniya. 

Walang nanligaw sa kaniya noong nag-aaral pa kaya pakiramdam niya, hindi na talaga darating ang kaniyang forever. 

“Lord, gustong-gusto ko na pong maranasang magka-boyfriend! Lord, yung may mangangamusta lang sa’kin o makaka-appreciate sa akin! Kahit yung feeling lang na may nagmamahal, Lord! Kahit iyon lang po!” pagmamakaawa ni Jobelle.

Naaalala niya yung gwapong crush na crush niya noong hayskul, si Philip. Pero kahit kailan naman hindi siya umasa na magugustuhan siya nito. Pero sa tuwing lalapit ang lalaki sa kaniya noon upang humingi ng papel, para bang sasabog ang ihi niya sa sobrang kilig. 

“Ah, Jobelle, pwede bang humingi ulit ng papel?” tanong ni Philip.

“Oo naman! Ikaw pa ba?” maharot na sabi ng babae.

“Salamat!”

“Papel sa buhay ko ayaw ba? Sana naman sa susunod yung pag-ibig ko na ‘yong hingiin mo,” bulong ni Jobelle.

Advertisement

“May sinasabi ka?” tanong ng lalaki.

“Ah, wala. ‘Wag mo akong intindihin. Nag mememorize lang ako ng alphabet,” mabilis na sabi ng dalaga. 

Napapikit na lamang si Jobelle dahil sa dinadami-dami ng pwede niyang idahilan, pagmememorize pa ng alphabet na ginagawa ng kindergarten.

“Nalagas na lahat ng papel ko ng buong first hanggang fourth grading pero hindi man lang pumorma sa’kin si Philip. Nakakainis naman ‘tong buhay na ‘to o,” reklamo pa ng babae.

Lumipas naman ang panahon, nakalimot rin si Jobelle. Pero isang malaking pasabog nang makapagtapos ng kolehiyo ay biniyayaan siyang magkaroon ng love life. Pero hindi siya masaya noon. Para bang hinog sa pilit kasi ang nangyari.

Pumasok lamang naman siya sa relasyon na iyon dahil sa tuksuhan at kantyawan ng mga kaibigan. Pero alam naman niya sa sarili na hindi niya mahal ang lalaki.

Matapos ang mahigit dalawang taon, nakipaghiwalay siya. “I don’t see my future with you. I’m sorry,” pahayag ng babae.

Makalipas ang ilang buwan lamang, nakaramdam na naman si Jobelle ng pagkalungkot. Tila ba may kulang pa rin sa buhay niya.

Advertisement

Sinubukan niya mag party at lumabas-labas. Inom dito, inom doon. Dahil desperada na rin, sinubukan ni Jobelle ang mga dating app. Pero wala siya doon matagpuan na pag-ibig.

Hanggang isang araw, nag bar siya kasama ang mga kaibigan. Itinodo na niya ang paglalasing. Kahit man lang sa ganoong paraan lumigaya siya.

“O Jobelle, tagay pa!” kantyaw ng mga kaibigan.

“Woooo! Let’s party!” pagwawala naman ni Jobelle.

Umiikot na ang kaniyang paningin noon nang mapayakap siya sa mabangong lalaki. 

“Ang sarap naman ng amoy mo. Parang ang sarap kainin!” sambit ng dalaga.

“E ‘di kainin mo…” tugon naman ng lalaki. 

Nagkatinginan ang dalawa ngunit kulabo ang mga mata ng dalaga dahil sa labis na kalasingan.

Advertisement

“Kiss me!” nakangusong sabi ni Jobelle na lango na sa alak.

Siniil nga siya ng halik ng lalaki. Naging mainit ang mga tagpo kaya’t nagising si Jobelle sa isang hotel katabi ang hubad na lalaki.

“Diyos ko. Ano bang pinaggawa ko kagabi?” tanong niya sa sarili.

Nanlaki ang mata ni Jobelle nang makitang wala siyang saplot at may bahid ng mantsa ng d*go sa kama. Ibinigay niya ang pagka-birhen sa hindi kilalang lalaki! Pinulot ng babae ang kaniyang mga gamit at saka marahang umalis ng hotel. Hindi niya namukhaan ang lalaking kasama dahil nakadapa itong matulog.

Sumakay siya ng jeep at bumaba sa isang malapit na parke. Huminga siya nang malalim habang pinapakiramdaman ang pumipintig at masakit na ulo niya. 

“Lord, nagkasala ako sa Inyo ng bongga. Nakipag-chorva ako sa lalaking hindi ko naman asawa. Paano ba ‘yan, Lord? Ano nang gagawin ko?” pinapadyak-padyak pa ni Jobelle ang paa habang inuusal ito. 

Napalingon siya sa gilid at nakita ang isang namamalimos na bulag. Nalungkot at naisip na ‘napakaraming taong nakakaranas ng paghihirap at maraming pagsubok pero siya, love life ang problema pero iniinda pa.

“Pero Lord, kung may darating, e ‘di mabuti. Kung wala naman, kunin mo na ako,” biglang kumulog ng malakas. “Lord, charot lang naman. Masyado kang serious diyan e! Pero kung wala, okay lang din naman po…” 

Advertisement

Matapos ng panalangin na iyon, itinigil na ni Jobelle ang paghahanap ng pag-ibig. Pero may malaking surpresa pala ang Diyos na nag-iintay sa kaniya. 

Pagkauwi niya’y sinalubong siya ng ina nang may malaking ngiti. 

“O anong meron, nay?”

“Akala ko talaga tatanda kang dalaga. Biruin mo, ang gwapo ng nabingwit mo!” pagbibida ng nanay.

“A-anong sinasabi niyo ‘nay? ‘Di ko kayo maintindihan e,” naguguluhang sabi naman ni Jobelle. 

Pumasok siya sa loob at nakitang may lalaking nakaupo. Hindi niya ito mamukhaan ngunit nang masinghot niya ang halimuyak ng pabango, naalala niya kung sino ito, ang lalaking nakatagpo niya kagabi sa bar.

“Hi!” pagbati ng lalaki.

“H-hello… kilala ba kita?” pag mamaang-maangan ng babae.

Advertisement

Napataas ang kilay ng lalaki at napangiti. “Gusto mo sabihin ko sa nanay mo yung kagabi?” tanong naman nito.

“Shh! ‘Wag mang maingay! Bakit ka ba nandito? Ano, nakalimutan mo mag thank you?” bulong naman ni Jobelle. 

“Ah, gusto ko lang ibalik ‘tong pouch mo na may company ID at ATM at credit cards. Naiwanan mo kasi. Buti nakita ko yung address mo kaya natunton kita,” nakangiting sabi naman ng lalaki.

Medyo namula ang dalaga sa sinabi ng lalaki. Pero bakit parang matagal na niya itong kilala?

“Ah, salamat. Pwede ka nang umalis,” pagtataray ni Jobelle.

“Ang laki ng ipinagbago mo, Jobelle ah?” biro ng lalaki.

“Magkakilala ba tayo?”

“Philip… remember? Classmate mo noong high school,” pagpapakilala naman ng lalaki.

Advertisement

Nanlaki ang mata ni Jobelle. Mas lalo kasing gumwapo si Philip. Matikas at malaki ang katawan. Talagang katakam-takam titigan.

“Ikaw ba talaga ‘yan?” ‘di makapaniwala si Jobelle na sa high school crush niya isinuko ang bataan. 

Tila ba nanumbalik naman parehong pakiramdam niya tulad noong hayskul. Parang sasabog na naman ang ihi niya sa kilig na nadarama.

“O ‘wag masyado matulala baka ma-in love ka,” biro ng lalaki.

“Tse! Gwapo ka lang pero ang yabang mo!” tugon ni Jobelle at saka umirap.

“So nagwagwapuhan ka sa’kin? Type mo ako ‘no?”

“Kapal ng mukha mo ha? At saka hoy! Yung nangyari kagabi, first time ko ‘yun! Kaya hindi ako pakawalang babae!” depensa naman ng dalaga. 

“Wala naman ako sinasabi ah? Bakit ka defensive?” bumulong si Philip sa tenga ng babae, “don’t worry, first time ko rin iyon,” at saka kumindat.

Advertisement

Magmula noon, parati nang dumdalaw si Philip sa tahanan nila Jobelle. Madalas na rin silang lumalabas hanggang sa tuluyang magkamabutihan.

“Natatandaan mo pa ba noong parati akong humihingi na papel sa iyo? Ang totoo niyan may baon talaga ako noon na papel, ginagawa ko lang iyon para makausap ka.

Jobelle, baka pwedeng humingi na ako ng papel sa buhay mo? Pwede bang maging asawa mo ako? Will you marry me?” lumuhod si Philip at nag-alok ng singsing.

“Ang tagal kong inintay nito! YES!” sigaw naman ng dalaga na halos maihi na talaga sa kilig.

Napakasarap pala talaga sa pakiramdam na hayaan natin ang Diyos na magkontrol sa ating buhay. Kapag ginawa kasi natin iyon, mapupunta tayo sa tamang lugar at tamang tao na inilaan Niya para sa atin. Kayang-kaya tayong pakiligin ni God, gaya ng ginawa Niya kay Jobelle na ang high school crush noon, asawa na ngayon!