Inggitera at Mapagmataas ang Babaeng Ito Kahit Mayaman na Siya, Kaya Napahiya Siya Nang Turuan Siya ng Leksyon ng Batang Pamangkin

Dahil summer vacation, si MJ at ang kapatid niyang si Kurt ay mananatili muna sa bahay ng tita nila sa Talisay, Batangas. Excited ang dalawang bata dahil maganda ang lugar, malayung malayo sa kinalakhan nilang magulo at masikip na Maynila.

Payapa roon, maraming puno kahit na subdivision na ang kinalalagyan ng bahay ng tita nila. Inihatid ng papa nila roon ang dalawang bata at mainit naman silang sinalubong ng tita at mga pinsan nila.

Pagpasok sa malaking bahay at agad na naghain ng maraming pagkain si Tita Sally, may kayabangan itong taglay at may pagka inggitera pero mabait naman ito sa kanila. Katabi ni MJ sa upuan ang pinsan niyang si Val, na katulad niya at 9 taong gulang rin.

“Kain lang kayo ng kain kids, wag magmadali makakapaglaro din kayo mamaya okay?” sabi ng tita nila habang nagsasandok ng ulam.

Matapos kumain at may dumating na kalaro si Val, Ronnel ang pangalan, 9 taong gulang rin at anak ng kapitbahay nila.

Tahimik na naglalaro si Val, MJ, Kurt at Ronnel ng mga laruang kotse sa sala nang dumating ang tita niya roon,

“Ronnel, kailan nagpagawa ng gate ang mom mo?” usisa ng tita niya sa anak ng kapitbahay.

“Magpapagawa pa lang po, hindi pa po tapos yung sa likod. Unahan pa lang, wala pa daw po kasing pera,” nagging honest naman ang bata.

Advertisement

Narinig ni MJ na humagikgik ang tita niya. Nagbabasa lang ng magazine ang babae habang naglalaro ang mga bata. Maya maya at muli itong nagsalita.

“MJ, mas marami ang kotse ni Ronnel kaysa sayo o, kumuha ka pa sa kahon,” utos ni Sally sa pamangkin.

Tumayo nga si MJ at kumuha ng kotse sa kahon, pero laking gulat ni Sally nang tanungin ni MJ ang kalaro,

“Ronnel, kailangan mo pa ba ng car?” sabi nito sa bata.

“No thank you, ” sagot naman ni Ronnel.

Nagtaka naman si Sally sa ginawa ng pamangkin. Kaya hindi niya napigilan ang sariling tanungin ito.

“MJ bakit inoffer mo pa kay Ronnel ang kotse gayong kita mo naman na mas marami na ang kanya?” tanong niya rito, napahiya naman siya sa isinagot ng bata.

“Sabi po kasi ng mama namin, titignan mo ang iba hindi para malaman kung mas lamang sila sayo, kundi para malaman kung kailangan ba nila ng tulong mo. Masama daw po ang mainggit sa kapwa.”

Advertisement

Ano ang aral na napulot mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa coments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i- like lamang ang aming Facebook page.