Tampulan ng Chismis ang Dalaga dahil sa Katakawan Niya sa Kanin, Ngunit May Nakakaiyak Pala Siyang Dahilan sa Likod Nito

Nag aaral si Mylene ng kolehiyo sa Maynila, kasalukuyan siyang nangugupahan sa isang boarding house. Malayo kasi ang probinsya nila at hindi praktikal kung mag uuwian siya araw araw. Masipag mag aral ang dalaga, hinahangaan siya ng maraming guro dahil minsan ay ginagabi na siya dahil sa mga projects, kahit nag aaral pa ay kumuha rin siya ng part time job sa isang fast food para makatulong sa magulang, bagamat hindi naman iyon hiningi ng mga ito.

Palagi ring pinag uusapan sa boarding house si Mylene, paano naman kasi siya ang tirador ng kanin. Ayaw na ayaw ng dalaga na may natitirang kanin, wala namang nagtangkang magtanong sa kanya kung bakit sa takot na baka ma-offend siya.

“Huy, tutong na yan hayaan mo na.” sabi ng landlady nila.

“Hindi ate Marj, okay lang.” nakangiting sabi ni Mylene. Napailing lang si Marj sa dalaga, mabuti nalang talaga slim parin ang katawan nito.

Isang araw ay maagang nakauwi si Mylene mula sa eskwela, at nagkataong wala rin siyang shift ngayon sa fast food chain na pinapasukan kaya napakasaya niya dahil sa wakas ay makakapagpahinga.

Pag uwi niya sa boarding house ay napansin niyang tambak ang hugasin sa lababo, napailing siya. Kahit na puro babae sila rito ay hindi talaga maiiwasang may burara pa rin sa pamamahay.

Sinimulan niyang linisin ang mga iyon at binuksan ang kaldero ng kanin upang hugasan na rin. Laking gulat niya nang makitang may panis na kanin doon.

Tinitigan lang ito ni Mylene, napaupo siya at umiyak. Naabutan siyang ganoon ni Ate Marj.

Advertisement

“My, huy, ano bang nangyayari?!” hysterical na sabi nito, palaging masaya ang dalaga at ngayon lang niya nakitang umiyak ito kaya malaki siguro talaga ang problema.

Umiling ang dalaga at itinuro ang kaldero. Medyo kumalma na ito ng kaunti.

“Ano nagugutom ka ba? Wala ka na bang pera? Pwede ka pa rin naman dito kahit wala kang pera bayaran mo na lang ako pag nakaluwag luwag kana.” sabi ni Marj na hinihimas ang likod ng dalaga.

“Ayos lang ate Marj, napanis po kasi ang kanin, sayang.” sabi ng dalaga na tila naluluha ulit.

Hindi na napigilan ni Marj ang sarili, “My, wag kang maooffend ha. Pero bakit ang hilig mo sa kanin? Kahit tutong ay ayaw mo pang ipatapon?” tanong niya sa dalaga, nagulat naman siya sa isinagot nito.

“Magsasaka po kasi ang magulang ko. Matanda na sila pareho pero nagpapakahirap mapag aral lang ako, kitang kita ko kung paano mapasma ang mga kamay ng nanay ko at sugat sugat naman ang kamay ng tatay ko makaani lang ng bigas , kaya bawat butil po ng kanin ay mahalaga sa akin.” mahinang sabi nito.

Bukod dito, napag-alaman ni Aling Marj na nagtatakas pala ito ng kanin na hindi naubos ng boarders upang ipamigay sa mga batang nagugutom sa lansangan.

Ngayon ay naiintindihan na ni Marj ang dalaga, simula noon, kahit siya ay natuto nang magpahalaga sa kanin at na-realize niyang maswerte pa rin siya sa buhay.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.