Tinangka ng Babae na Wakasan ang Sariling Buhay; Isang Milagro Pala ang Kaniyang Masasaksihan

Alas tres ng madaling araw nang isugod si Aya sa ospital dahil sa tangkang pagtapos sa kaniyang buhay. Uminom siya ng napakaraming sleeping pills at hiniwa ang pulso, dahilan upang maraming d*ugo ang mawala sa kanya.

Masasabing swerte o ‘di kaya nama’y milagro na nakaligtas siya sa kamay ng kam*tayan. Nabuhay si Aya at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ang dahilan ng pagkabuhay niya? Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin. Pero isang hiwaga pala ang sasambulat sa kaniyang mga mata.

“Nakakainip naman dito. Bakit naman kasi binuhay pa ako e! Sana namamahinga na ako nang payapa ngayon,” inis na sabi ni Aya habang nakahiga sa hospital bed.

Naisip niyang maglakad-lakad muna sa hallway at magpahangin. Nang sa ganoon, hindi siya tuluyang maburyo sa loob ng kaniyang kwarto.

Inikot-ikot ng dalaga ang kaniyang mga mata habang naglalakad. Tila ba sumariwang muli ang kaniyang isipan. Ibang-ibang talaga kapag may nakikita kang mga tao at nakakasalamuha.

Sa may ‘di kalayuan, natanaw na ang isang bench kung saan may isang babae na kung titingnan ay halos ‘di nalalayo sa kanya ang edad. Lumapit siya rito at kinausap.

“Hi! Pwedeng makiupo?” nakangiting sabi ni Aya.

Advertisement

Lumingon ang babae at saka ngumiti rin. “Oo naman. Halika at maupo ka rito,” saad ng babaeng habang umuusod sa kinauupuan.

“Ang ganda pala ng tanawin dito ‘no?” sabi ni Aya habang humihinga ng malalim.

“Dito sa pwestong ‘to ang may pinakamagandang tanawin sa ospital. Kita ang mga namumulaklak na halaman, mga pasyenteng naglilibang-libang at mga ngiti ng taong bumubuti na ang pakiramdam,” saad naman ng pasyente.

“Lagi ka ba rito? Ngayon lang kasi ako nakalabas ng kwarto ko. Siya nga pala, Aya… Aya ang pangalan ko,” pagpapakilala ni Aya.

“Madalas akong nandito. Habang iniintay na gumaling. Ako nga pala si Abigail,” nakipagkamay naman ang ngumiti ito.

Minasdan ni Aya si Abigail. Maganda ito. Maamo ang mukha at mapungay ang mga mata, ngunit bakas sa mukha nito ang karamdaman.

“Ano pala ang dahilan, bakit ka na-confine dito sa ospital?” tanong ni Abigail.

“Ang totoo niyan, gusto ko na kasing tapusin ang buhay ko. Hirap na hirap na kasi ako. May sakit rin ako sa puso, kaya hindi ako makapamuhay ng normal. Hindi ko na alam kung ano ba ang silbi ko sa mundo.

Advertisement

Hindi ko magawa ang lahat ng gusto ko dahil sa sakit ko. Wala naman kaming mahanap na donor ng puso na tutugma sa akin. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon. Tinapos ko ang buhay ko…” malungkot na paliwanag ni Aya.

“Pero bakit kailangan mong gawin iyon? Alam mo, Aya, ang daming tao sa ospital na ‘to na humihiling sa Diyos ng pagkakataon na madugtungan pa ang kanilang buhay. Kahit ilang araw, buwan o taon pa. Mapalad ka kasi nandito ka pa ngayon.

Sana hindi mo sinasayang ang pagkakataon na gumising pa sa bawat umaga na mayroong pag-asang maipagpatuloy pa ang buhay. Yung iba, hindi na nasisilayan ng araw dahil nahihimbing na, pero ikaw, may pag-asa pa,” tugon naman ni Abigail.

Tila ba may kurot sa puso ang sinabi ni Abigail. Ramdam na ramdam ni Aya na tumatagos sa kaniyang puso ang sinasabi nito. May bigat at haplos ng kapayapaan ang mga salita nito na hindi maipaliwanag ni Aya.

“Alam mo, hindi ko nga rin alam kung bakit binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na muli pang mabuhay. Papanaw rin naman ako dahil sa sakit ko, pero in-extend pa Niya yung buhay ko sa hindi malamang dahilan,” reklamo pa ni Aya.

“Minsan hindi talaga kayang ipaliwanag ng kaisipan natin ang kayang abutin ng isipan ng Diyos. Pero sana matutunan mong magtiwala sa mga plano Niya. May malaking dahilan kaya nangyari ang lahat ng ito. Katulad ng pagtatagpo natin.

Naniniwala ka bang nakatakda talaga lahat ito? Naniniwala ka bang may dahilan kung bakit magkausap tayo ngayon?” tanong ng kausap na pasyente.

“Hindi ko pa rin maintindihan, Abigail e… pero sana balang-araw malaman ko rin. Gulong-gulo na kasi ako,” mahinang sabi ni Aya.

Advertisement

“Tandaan mo lang ang sinabi ko, Aya, magtiwala ka lang. Lahat ng bagay ay may kasagutan, kung matututunan mong makinig…” tugon naman ni Abigail. “Aya, pwede mo ba akong katagpuin rito, bukas ng ganitong oras din? May gusto lang sana akong sabihin sa’yo,” dagdag pa ng babae.

“Oo naman. Teka, saang room ka pala naka-admit? Para naman madalaw kita ‘di ba?” masayang sabi ni Aya, ngunit paglingon niya, wala na si Abigail sa kanyang tabi. “Abigail? Abigail?” paghahanap ni Aya sa kausap.

Parang bulang naglaho si Abigail. Isang malaking palaisipan kay Aya kung saan napunta ang bagong kaibigan. Pero inisip na lamang niya na bumalik na ito sa kwarto para lamang mapayapa ang kanyang isipan.

Kinabukasan, nagtungo nga si Aya sa kanilang napag-usapang tagpuan. Nakita niya doon si Abigail na nakatayo.

“Abigail!” pagtawag ng dalaga.

Marahang lumingon naman si Abigail at ngumiti sa kanya.

“Kanina ka pa ba rito?” tanong ni Aya.

“Hindi naman. Sakto lang ang dating mo,” tugon naman ng kaibigan.

Advertisement

“Ano pala ‘yung sasabihin mo sa akin? Bigla ka kasing nawala kahapon e.”

“Aalis na kasi ako dito sa ospital, Aya. Gusto ko lang magpaalam talaga sa’yo,” tugon naman ni Abigail.

“Talaga? Lalabas ka na? Sobrang saya ko na magaling ka na Abigail!”

“May hihingiin sana ako sa’yong pabor…” mahinang sabi ni Abigail.

“Ano iyon?” tanong naman ni Aya.

“Kung halimbawang makakatanggap ka ng bagong puso, maipapangako mo bang ipagpapatuloy mo ang buhay at magiging masaya? Maipapangako mo bang maglilingkod ka sa Diyos at magsisimula nang makinig sa mga Kanyang sinasabi?” patanong na sagot ng babae.

Hindi agad nakaimik si Aya. Pero may kapayapaan sa kaniyang puso ngayon na tila ba ay may kasiguraduhan kung sakaling sasagot kaya. Kaya’t isang malaking “oo” ang kaniyang isinagot.

Ngumiti si Abigail at saka yumakap kay Aya. Damang-dama ni Aya ang init at pagmamahal sa mga yakap nito. Kahapon laman sila nagkakilala, ngunit ang mga yakap nito’y tila ba nagpaparamdam na matagal nang magkakilala ang kanilang mga puso.

Advertisement

“Salamat, Aya. Kung ganoon, makakaalis na ako dito ng payapa sa ospital,” naluluhang saad ni Abigail.

“Tutuparin ko iyon, pangako…” saad naman ni Aya.

May malakas na ingay na narinig si Aya kaya’t napalingon siya sa direksyong iyon. Nagkakagulo ang ilang nars at nagmamadali ang mga doktor.

Paglingon ni Aya, muling nawala na naman ang kaibigan. Nalungkot siya dahil hindi man siya nakapagpaalam sa bagong tagpong kaibigan.

Bago bumalik sa kwarto, masaya siyang sinalubong ng nara na naka-assign sa kanya.

“Ms. Aya! May donor na po kayo ng puso! Nag match sa inyo!” tuwang-tuwa na sabi ng nars.

“T-talaga ho? Wow! Nakakatuwa naman po,” sagot naman ng dalaga.

“Ipinapahanda na po ang mga test para sa inyo. Para masimulan po ang heart transplant sa lalong madaling panahon,” saad pa ng nars.

Advertisement

“Salamat naman kung ganoon,” napatahimik si Aya at napaisip saglit, “may kilala po ba kayong Abigail na naka-admit dito?”

Nagulat naman ang nars sa narinig. “P-paano niyo po nalaman?”

“Ang ano po?” naguguluhang tanong naman ni Aya.

“Abigail po kasi ang pangalan ng heart donor ninyo. Halos isang buwan na rin siyang comat*ose rito. Naaksidente kasi siya noon ng buong pamilya niya. Siya lamang ang naka-survive pero wala namang malay.

Balita ko e, napakabait at madasalin nang batang iyon. Pero kanina lamang e, tinanggal na yung life support niya. Pero mayroon siyang kasunduan noong nabubuhay pa na kapag pumanaw siya, ido-donate ang kaniyang organs para sa ibang tao. Ganoon siya kabait,” kwento pa ng nars.

Napaluha naman si Aya sa narinig. Ikinuwento niya sa nars ang naganap. At pinagpilitan na nakausap pa niya ito.

Ngunit nang tingnan ang CCTV footage, nakaupo nga si Aya sa bench na may kinakausap, pero kung titingnan doon, wala tao at tanging hangin lang ang kinakausap ng dalaga.

Nangilabot sila sa nakita. Pero si Aya, muling napaiyak.

Advertisement

Inoperahan si Aya at naging matagumpay ang paglilipat sa kanya na bagong puso. Nang gumaling at makalabas sa ospital ay nagtungo siya kung saan naroon ang puntod ni Abigail.

Nagsindi siya ng puting kandila, nagdala rin ng magagandang bulaklak at nag-alay ng munting pangalangin.

“Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang mga naganap, pero isang ang masasabi ko, salamat Abigail. Kung nasaan ka man ngayon, sana ay masaya ka. Pangako, aalagaan ko ang puso mo. Magiging masaya ako at maglilingkod sa Diyos, gaya ng nais mo.

Sana ay payapa ka na ngayon. Mas naiintindihan ko na ang ibig mong sabihin noon. Nabuhay ako upang maging patotoo na gumagalaw ang Diyos at nakikinig Siya. Salamat sa panibagong buhay.

Mananatili ka sa puso ko magpakailaman, Abigail. Hanggang sa muli nating pagkikita. Pangako ko rin na pagdating nang araw na iyon, babawi ako sa’yo. Salamat…” taimtim na mensahe ni Aya para may Abigail.

Tumayo si Aya kasabay ng malakas na ihip ng hangin. Tila ba niyayakap siya nito. May kung anong init at kapayapaan siyang naramdaman. Tulad nang minsan siyang yakapin ni Abigail noon.

Ngumiti lamang si Aya at sinabing “alam kong ikaw ‘yan Abigail… salamat muli sa’yo kaibigan.”

Namuhay si Aya gaya ng kaniyang ipinangako. Naging leader siya sa music ministry sa kanilang simbahan at nagkaroon ng mabuting asawa na siyang nag-aalaga sa kaniya ngayon.

Advertisement

May mga bagay sa mundong mahirap maunawaan, kaya’t napakarami nating katanungan, ngunit kung sisimulan natin tumahimik at makinig, mga sagot ay ating masusumpungan.