Hiniwalayan ng Babae Ang Nobyo Dahil Bulok ang Singsing na Ibinibigay Nito, Di Niya Alam na Malaking Pera Pala ang Halaga Noon

Isang taon nang magkasintahan si Roland at Jackie, bago pa ang celebration ng kanilang anniversary ay pinlano na ng lalaki ang surprise na gagawin niya sa kanyang nobya. Palaging ka-kwentuhan ni Roland ang kanyang lola at humihingi rito ng mga tips tungkol pakikipagrelasyon. Dito kasi siya lumaki sa piling ng matanda dahil ang kanyang mga magulang ay parehong nasa US. Sa totoo lang ay hinihikayat ng mga ito ang matanda na doon na rin tumira pero tutol ito, mas gusto rito sa Pilipinas. Ganoon na rin naman ang naging pananaw ni Roland, wala nang nagawa ang kanyang mga magulang kaya naman sinisiguro nalang ng mga ito na maayos ang lagay ng dalawa dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera buwan-buwan.

“Ma, I told you I have a job. I can provide na for Lola and I,” sabi ni Roland sa telepono.

“O edi itabi ninyo sa bangko, your dad will be mad pag di mo yan tinanggap. Dyan na nga lang kami nakakabawi anak,” pangungumbinsi ng kanyang mama.

Kapag naririnig ni Jackie ang ganoong pagtanggi ni Roland ay lihim na napapairap siya. Paano naman kasi, masyadong ma-prinsipyo ang nobyo niya. Pera na nagiging bato pa. Kabaligtaran kasi ni Roland, mukhang pera si Jackie. Kaya niya nga minahal ang lalaki ay dahil obvious naman na maraming salapi ito. Sa bahay pa lang, halatang-halata na.

Excited na nga si Jackie kapag kinasal sila eh, ang tanging asungot na lang ay ang lola ng lalaki. Aba, hindi pwedeng may dalawang reyna sa iisang bahay ano. Dapat isa lang, at sisiguruhin niyang ang reynang iyon ay walang iba kundi siya. Tiyak niya ring kapag nag-propose ang nobyo niya ay bibigyan siya nito ng napakaganda at mamahaling singsing, naku naiimagine niya na! Pipicturan niya agad iyon at ipo-post sa social media, para mainggit ang mga mahaderang friends niya.

Nakangiti pa siya sa kawalan nang biglang magsalita ang nobyo, narito sila ngayon sa isang mamahaling restaurant. Isine-celebrate ang kanilang unang anniversary.

“Babe, pinag-isipan ko ito ng ilang beses. Sana pumayag ka.. mahal kita Jackie. Happy anniversary, and.. will you be my wife?” tanong ng lalaki, lumuhod ito at inilabas ang isang pulang kahon.

Napatakip naman sa kanyang bibig si Jackie, heto na ang hinihintay niya. Ginto at pagkaganda-gandang singsing, heto na! Ibinukas ng lalaki ang pulang kahon at napabagsak ang balikat ni Jackie sa nasa loob noon.

Advertisement

Isang luma, at pangit ang design na singsing. Kahit yata lola niya ay tatanggi sa ganoon!

“What the f*ck is that?” di niya napigilang itanong. Kapag talaga nagugulat ang isang tao ay nawawala ang kontrol nito sa sarili at lumalabas ang tunay na ugali. Gulat man si Roland at itinuloy nito ang pagkuha sa singsing at akmang isusuot iyon kay Jackie.

Pikon na pikon naman ang babae, tingin ba ng lalaking ito ay isang lumang singsing na mumurahin lang ang katumbas niya? Puwes, wala itong mahihita sa kanya! Pwe!

“Sorry Roland, I can’t wear that,” simple niyang sabi at tinabig ang kamay nito.

“Babe?” magkahalong pagtataka, pagkagulat at pagkawasak ng puso ang nasa mukha ni Roland ngayon.

“Wag mo akong ma-babe babe. Buti pa si Josh eh, nabibigyan ako ng gold necklace. Oh, you might ask sino si Josh? Boyfriend ko rin sya, syempre hindi lang ikaw. May reserba, para pag wala akong nahita sayo-pag pumalpak ka, tulad nito, itatapon kita. Bwisit ka, ang tagal kong nag-invest sayo ha? Bibigay mo sakin bulok na singsing? Letse ka!” sabi niya sabay talikod at umalis na.

Totoo iyon, may ibang boyfriend pa si Jackie. Matagal niyang niloko si Roland. Ang hindi niya alam, niloloko lang din siya ni Josh dahil hindi naman ito totoong mayaman.

Samantala, mugto ang mata at bagsak ang balikat na umuwi si Roland, mabuti na lamang at naroon ang kanyang lola upang masandalan niya. Alam niya, hinding hindi siya huhusgahan ng matanda kahit pa umiyak siya sa harap nito.

Advertisement

“Pasensya ka na la, ang tanda-tanda ko na eh ikaw pa itong iniistorbo ko sa problema ko sa puso,” sabi niya rito.

“Wala iyon apo. Isipin mo ay blessing na rin sa iyo ng Diyos yan dahil habang maaga pa, pinakilala niya na sa iyo ang tunay na kulay ni Jackie.” sabi nito.

Ibinalik na dito ni Roland ang singsing. Lingid sa kaalaman ni Jackie, ang singsing na iyon ay nagmula pa sa lola ng lola ng lola niya. Pinag ingatan iyon ng kanilang ninuno at kayamanan ng kanilang angkan ang singsing na iyon. Na-luma na pero nagkakahalaga iyon ng milyon, dahil ginto at antique. Marahil ay di marunong tumingin ang dalaga ng tunay na kayamanan.

Makalipas ang apat na taon.

Aligaga si Roland na nag-aabang sa hallway ng ospital, maya-maya pa ay nakahinga na siya nang maluwag nang marinig ang iyak ng sanggol. Kasunod noon ay lumabas ang doctor na nagpaanak sa kanyang misis na si Linda.

“It’s a boy, congratulations po!” masayang sabi nito. Agad namang pumasok si Roland sa silid upang masilayan ang kanyang mag-ina. Minasdan niya si Linda, nasa dibdib nito ngayon ang kanilang anak. Ang ganda ganda ng babae at busilak pa ang kalooban, kasundo nito ang kanyang lola.

Muli niyang isinuot sa misis ang antique na singsing, bawal kasi habang nanganganak ang may suot na kahit na anong alahas. Napangiti siya nang maalala ang reaksyon nito noong nag-propose siya, malayong malayo kay Jackie. Napaiyak pa ito sa sobrang saya. Hindi nito alam ang halaga ng singsing pero kung ingatan nito iyon ay sobra sobra.

Tama ang kanyang lola, pag may inalis ang Diyos sa buhay ng tao ay tiyak na may papalit na mas maganda pa.

Advertisement

Kaawa-awa naman ang sinapit ni Jackie sa kamay ng kinakasamang si Josh. Inanakan lamang siya nito at ginawang parang katulong pero hindi siya nito magawang pakasalan. Paano naman kasi, kahit may anak na sila ay patuloy parin ang panloloko sa kanya.

Napag-isip-isip niya, kamusta na kaya si Roland? Napatawad na kaya siya nito? Sana ay hindi pa huli kung babalikan niya pa ito.

Ang hindi niya alam, masayang-masaya na ito sa piling ng asawa na tanggap siya maging sino man siya. Babaeng pinakaiingatan ang singsing na binigay nito.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.