Tinulungang Makauwi ng Binatang Ito ang Dalagang Nanakawan, Hindi Niya Akalain ang Biyayang Kapalit ng Kaniyang Pagtulong

Tinulungang Makauwi ng Binatang Ito ang Dalagang Nanakawan, Hindi Niya Akalain ang Biyayang Kapalit ng Kaniyang Pagtulong

InspiringMiracleStories

“Ah, eh, excuse me, miss, narinig ko kasi ‘yong usapan niyo ng kausap mo sa selpon, pwede ko bang malaman kung paano ka nanakawan?” pang-uusisa ni Rodolfo sa isang babaeng nakatungo’t iyak nang iyak sa sakayan ng bus, isang gabi habang nag-aabang siya ng masasakyang bus. 

“Hindi ko rin alam, kuya, basta pagkapa ko sa bulsa ko, wala na ‘yong wallet ko. Wala na akong pera ni piso, kakasweldo ko pa lang naman, tapos nawala lahat ng pera ko. Hindi ko rin alam paano ako makakauwi ngayon dahil wala na talaga akong pera pangpamasahe,” hikbi ng naturang dalaga habang yakap-yakap ang maliit nitong bag. 

“Saan ka ba natira, miss?” tanong niya pa. 

“Sa Bulacan pa, kuya, may kinita lang ako rito sa Pasay para makapagbayad ng utang,” sagot nito dahilan upang labis siyang maawa. 

“Huwag ka na umiyak, ito, o, pamasahe mo. Ang importante ngayon, makauwi ka, gabing-gabi na, eh, baka mapaano ka pa rito,” sabi niya saka niya ito inabutan ng tatlong daang piso. 

“Sigurado ka ba, kuya? Baka wala ka ng pera?” pagninigurado nito bago kuhanin ang inaabot niyang pera. 

“Oo, sa’yo na ‘yan, sa Cavite lang naman ako uuwi. May isang daang piso pa ako rito,” nakangiti niyang sabi dahilan upang muling mapaiyak ang naturang dalaga. 

“Salamat, kuya!” iyak nito saka kinuha ang personal niyanf detalye upang sila’y lubusang magkakilala. 

Hindi matiis ng binatang si Rodolfo ang awang nararamdaman para sa babaeng iyak nang iyak sa bus station na kaniyang tinigilan noong gabing iyon. 

Rinig na rinig niya kung paano ito humikbi habang tila kausap ang nanay sa selpon. Para itong isang batang paslit na nagsusumbong sa kaniyang magulang  habang umiiyak nang sobra dahilan upang kahit walang-wala rin siya noong panahong iyon, ibigay niya pa rin ang tatlong daang pisong isang linggo na niyang iniipit upang may maipamasahe sa pagpunta niya sa trabaho sa Pasay. 

Hindi man niya alam kung saan maaaring kumuha ng pera pangpamasahe para makapasok sa trabaho bukas dahil nga mag-isa niya nang binubuhay ang sarili, buong galak niya pa ring ibinigay ito sa dalagang mas nangangailangan. 

Nag-aalala rin kasi siya sa sitwasyon nito lalo pa nang malaman niyang mahaba-haba pa ang bibiyahihin nito para lamang makauwi. 

“Hindi biro mawalan ng pera, lalo pa kung pinaghirapan mo talaga ‘yon. Nakakapanghina talaga ‘yon, kahit magkano man ang halaga no’n,” sambit niya sa sarili habang pinagmamasdang sumakay ng bus ang naturang dalaga na tuloy pa rin sa pagpapasalamat sa kaniya. 

Nang makita niyang umalis na ang bus na sinasakyan ng dalaga, agad na rin siyang sumakay ng bus patungong Cavite. 

Kinabukasan, maaga siyang nagising upang maghanap ng mauutangan ng pera para may pamasahe siya patungong trabaho at para rin siya’y may makain. 

Ngunit kahit kanino man siya lumapit, walang nagpapautang sa kaniya. Laging wika sa kaniya, “Gipit din ako, eh, kailangan ko rin ng pera, pasensiya na, Rodolfo,” dahilan upang magpasiya siyang huwag na lamang munang pumasok ng trabaho. 

Magpapaalam pa lang sana siyang hindi siya makakapasok sa kanilang manager, may narinig siyang isang tricycle na tumigil sa inuupahan niyang bahay dahilan upang agad niya itong silipin mula sa bintana. 

Nakita niyang may mga binababang grocery items, bigas at ilan lang supot na hindi niya makita kung ano ang laman. Ika niya, “Kailan kaya ako makakabili ng mga ganiyan? Sa sobrang gipit ko, mukhang napakalabo,” saka niya muling isinarado ang bintana. 

Ngunit maya maya, may isang pamilyar na boses ang tumatawag sa kaniya. 

“Kuya! Kuya Rodolfo!” sigaw nito habang kumakatok sa kaniyang pintuan dahilan upang agad siyang mapabalikwas. 

Pagkabukas niya ng pintuan, tumambad sa kaniya ang naturang dalagang tinulungan niya kagabi. Kasama nito ang kaniyang ina at napaliligiran ang mga ito ng mga nakita niyang pagkain kanina. 

“Andito kami ni mama para bumawi sa’yo. Kung alam mo lang kung gaano ako katakot kagabi, kuya, at labis akong nagpapasalamat dahil tinulungan mo ako kahit na walang-wala ka rin. Ito, konting pagkain para sa’yo. Kulang pa ‘yan sa kabutihang pinakita mo,” sambit pa nito dahilan upang labis siyang magulat. 

Hindi man niya alam kung anong salita ang dapat sabihin sa mag-inang nakangiti sa kaniya habang pinagmamasdan niya ang mga pagkaing binigay sa kaniya, sobra-sobrang pasasalamat ang ibinubulong niya sa Diyos. 

“Salamat, salamat Sa’yo, alam kong ikaw ang nagtulak sa akin na tumulong kagabi. Salamat, hindi Mo talaga ako pinapabayaan kahit kailan,” dahilan upang bahagya siyang mapaluha. 

Inabutan pa siya ng dalagang ito ng maliit na halaga dahilan upang siya’y makapasok din ng trabaho. 

Doon niya labis na napagtantong kapag tumutulong talaga sa kapwa, mas malaki ang biyayang dumadating pabalik sa iyo. 

More Stories