Nagtaka ang Dalaga Dahil Nais ng Ama na Makipaghiwalay Siya sa Mapapangasawa; May Happy Ending Pa Bang Naghihintay sa Kanila?

“Papa, ano po bang problema? May nagawa po bang mali si Nick? Bakit po agad agad eh gusto niyong hiwalayan ko siya?” sunod sunod na tanong ni Leslie sa ama na si Zaldy.

Kilala niya ang ama. Hindi ito magkakaganon nang walang malalim na dahilan. 

Noong unang pagkakataon na ipinakilala niya rito si Nick ay talaga namang magkasundong-magkasundo ang dalawa.

Subalit nang makaharap nito si Nick kagabi, kasama ang ina nitong si Alma, upang mamanhikan ay tila biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Naging malamig ang trato nito kay Nick at sa ina nito, dahilan upang mapahiya siya sa mga bisita.

Nagulat na lamang siya dahil nang makauwi ang mga bisita ay sabihin nito na makipaghiwalay siya sa mapapangasawa.

“Ako ang nakakaalam ng nakabubuti para sa’yo, Leslie. Sumunod ka na lang, ayaw ko na masaktan ka,” mahinahong paliwanag ng kaniyang ama.

Hindi napigilan ni Leslie ang pagbugso ng galit. “Hindi! Hindi ako papayag. Hangga’t wala kang ibinibigay na maayos na dahilan eh hindi ako makikipaghiwalay kay Nick. Mahal ko siya, Papa. Hindi ko siya sasaktan para sa ikasasaya mo,” matigas na katwiran niya sa ama.

Advertisement

Subalit kahit pala ay hindi siya makipaghiwalay sa kasintahan ay nakatakda talaga silang maghiwalay.

Dahil nang magkita sila ng kasintahan noon sumunod na araw ay may sinabi itong nagpaguho sa mundo niya. Nais nito na maghiwalay na sila.

“Hindi na kita mahal, Leslie. Maghiwalay na tayo.” Wala siyang makitang emosyon sa gwapo nitong mukha.

“Ano? Bakit? A-anong kalokohan ang pinagsasasabi mo? Kinausap ka ba ni Papa tungkol dito?” garalgal na usisa niya sa kasintahan.

“Wala. Walang alam si Tito Zaldy dito,” matigas na sagot nito, bago iniwas ang mga mata sa kaniya.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang lumuha. Ang kasal na pinananabikan niya ay sa hiwalayan lang pala mauuwi.

Sigurado si Leslie na mayroong nangyari kaya humantong sa ganito ang lahat. Ngunit ano iyon?

“Leslie, anak. Kumain ka na muna. Ilang araw ka nang nagmumukmok diyan sa kwarto mo,” sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ay narinig ni Leslie ang pagtawag ng ama.

Advertisement

Inignora niya ang pagtawag nito. Mahal na mahal niya ang ama dahil ito ang nag-iisang nakasama niya simula pagkabata ngunit hindi niya matanggap na ito ang naging mitsa ng hiwalayan nila ng nobyo.

Nang hindi siya sumagot ay narinig niya ang pagbukas ng pinto bago ang paglundo ng isang panig ng kaniyang kama, tanda na pumasok ang ama sa kaniyang silid.

Ikinuwento nito ang dahilan kung bakit nais nito na hiwalayan niya ang nobyo.

Nang matapos itong magkwento ito tigagal si Leslie. Noon ay naunawaan niya kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ng kaniyang ama na hiwalayan niya si Nick.

“Pero mahal na mahal ko po si Nick, Papa,” humahagulhol na anas niya.

“Alam kong masakit, anak. Pero ngayong alam mo na, kasalanan nang patuloy mo siyang mahalin dahil kapatid mo siya.”

Magdamag na iniyakan ni Leslie ang katotohanan. Iniiyak niya ang lahat hanggang sa matanggap niya na sila ni Nick ay hindi para sa isa’t isa.

Kinabukasan ay isang tawag ang natanggap niya mula sa isang hindi kilalang numero.

Advertisement

“Leslie? Si Tita Celia ito, ang nanay ni Nick. Maaari ba tayong mag-usap?” bungad ng nasa kabilang linya.

Pumayag siya dahil gusto niya ring magkaroon na ng wakas ang relasyon nila ni Nick.

“Kumusta ka na? Ang laki laki ng ipinayat mo. Ganyan din si Nick, napakapayat at halatang iniinda ang paghihiwalay niyo. Bakit ba kasi kayo naghiwalay?” usisa ni Celia.

“Hindi niyo po ba alam? Alam ko na ang nakaraan niyo ni Papa, Tita. Hindi mo na kailangang magmaang-maangan pa,” naiinis na asik niya sa babae.

Kitang kita niya ang gulat at pagkalito sa mukha nito. “Sinabi na pala ng Papa mo ang nakaraan namin. Pero ano ang kinalaman nun sa hiwalayan niyo ng anak ko?” muli ay kunot noong tanong nito.

“Hindi kami pwede ni Nick dahil magkapatid kami!” naluluhang sigaw niya.

Sa kaniyang pagkagulat ay isang malakas na halakhak ang isinukli ng babae.

“‘Yun ba ang dahilan kaya naghiwalay kayo?” Napatampal pa sa noo nito ang babae.

Advertisement

“Opo, hindi po ba–”

“Hindi kayo magkapatid! Iba ang tatay ni Nick!” agad na paliwanag nito.

Tila isang malaking batong nakadagan ang naalis sa kaniyang dibdib.

“Pero paano po nangyari ‘yun? Hindi po ba kayo ang huling girlfriend ni Papa bago si Mama? Tapos isang taon ang tanda ni Nick sa akin,” naguguluhang usisa niya. Gusto niyang malaman ang totoo.

Isang alanganing ngiti ang ibinigay nito sa kaniya.

“Iyon na nga eh… Nabuntis ako ng iba kaya ko hiniwalayan ang Papa mo. Ayoko naman ipaako sa kaniya ang batang hindi naman niya anak,” tila nahihiyang pag-amin ni Celia.

Nanlaki ang mata ni Leslie sa natuklasan. Mabuti na lamang at lumabas ang katotohanan!

Noong una ay nagalit ang kaniyang ama nang sabihin dito ni Celia ang totoo. Subalit nang mapantanto nitong matagal na panahon na ang lumipas para magalit ito ay napatawad din nito si Celia.

Advertisement

Pinagtawanan na lang nila ang nangyari. Mabuti na lamang at biktima lamang sila ng maling akala!

At sa wakas, natuloy rin ang kasalang pinakahihintay nila!

Masayang masaya ang mag-asawang Leslie at Nick. Sinubok man ng tadhana ang kanilang pagmamahalan ay hindi nabawasan ni katiting man ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.