Tumaas ang Kilay ng Maga-aamiga sa Pangit at Maliit na Bahay ng Kaibigan Nila; Nasorpresa Sila sa Itinatago ng Bahay

“Girls, natatandaan niyo pa ba ‘yung pangalan ng grupo nating magkakaibigan noong high school?” natatawang usisa ni Tessie sa kaniyang mga amiga.

Agad na sumabog ang malakas na tawanan. Mukhang tanda pa ng bawat isa ang korning pangalan ng barkadahan nila.

“Pretty Girls!” sabay-sabay nilang bulalas.

Nasa lampas kuwarenta na ang edad nilang magkakaibigan ngunit magkakasama pa rin silang lima. Si Tessie, Carmen, Roni, Daisy, at Marga.

“Naalala niyo dati, madalas tayo mag-overnight sa bahay nila Tessie?” tanong ni Carmen.

“Oo naman. Bahay kasi nila ang pinakamaganda at siya ang pinagkakatiwalaan ng mga parents natin,” humahigikhik na pagbabalik tanaw ni Marga.

Napangiti si Tessie nang isang ideya ang pumasok sa isipan niya.

“Girls, bakit hindi natin gawin ‘yung ginagawa natin nung high school? Mag-overnight ulit tayo, chikahan lang. Para naman maramdaman ulit natin kung paano maging teenager,” nakangiting suhestyon niya sa mga kaibigan.

Advertisement

Sabik namang pumayag ang lahat. Wala naman na silang mga maliliit na anak na inaalagaan. Ang mga anak nila ay mga teenager na. 

“Pero teka, saan tayo mag-oovernight?” maya maya ay tanong ni Roni.

“Saan pa, eh ‘di sa bahay namin!” sagot ni Tessie.

Ngumiwi ang mga ito. “Sa bahay mo na naman? Lahat ng bahay natin magkakalapit lang. Pwede bang sa malayo-layo naman tayo? Para makapag-unwind na rin,” sabi naman ni Carmen.

Halos sabay-sabay silang napatingin kay Daisy. Sa kanilang lima kasi, ito ang nakatira sa probinsiya. Sa Bulacan pa ito nakatira habang silang apat ay nasa Maynila.

Napaisip si Tessie. Papayag kaya si Daisy? Nang minsan kasi siyang mapadaan sa bahay nito ay hindi napansin niyang maliit lang ang bahay nito. Mukhang ginagawa pa nga dahil hindi pa tapos pinturahan ang harapang bahagi ng bahay. Hindi na siya nakapasok pa sa loob dahil nagmamadali siya.

Naisip na rin ni Tessie na baka hindi rin kayang makapagpagawa ni Daisy ng magandang bahay. Isang simpleng manager lang naman kasi ng bangko ang asawa nito. 

Nagulat siya sa agad-agad na pagpayag ni Daisy.

Advertisement

“Sure. Welcome kayo sa bahay,” anito.

“Sure ka? Marami ba tayong pwede gawin sa bahay niyo?” nanunubok na usisa niya sa kaibigan.

Ngumiti ito. “Oo naman! Mag-eenjoy kayo sa bahay!”

Kaya naman nang sumapit ang araw ng kanilang overnight ay excited na bumiyahe ang apat na magkakaibigan patungo sa bahay ni Daisy.

Sa haba ng byahe ay hindi maiwasan ng matabil na dila ni Tessie ang magkwento ng kaniyang nalalaman.

“Girls, pagdating natin sa bahay nila Daisy, ‘wag kayong magmukhang disappointed, ha? Baka masaktan ang kaibigan natin,” pasimpleng paalala niya.

“Ha? Bakit naman?”

“Kasi nakita ko na ang bahay nila dati. Sobrang maliit lang. Tapos parang under construction pa,” kwento niya.

Advertisement

“Hala, sana pala doon na lang tayo sa house niyo,” dismayadong komento ni Roni.

“Hayaan mo na, nandun naman tayo para magsaya nang magkakasama. Kahit magkwentuhan lang tayo, ok na!” sabi naman ni Marga. 

Nang makarating sila sa bahay ni Daisy ay napanganga ang kaibigan. Tama pala kasi talaga ang kwento ni Tessie.

Isang maliit na bahay na bato lang iyon na nakatayo sa isang malawak na lupain. Ni wala ngang pintura ang labas ng bahay!

Nagpalitan ang magkakaibigan ng makahulugang tingin ngunit walang nagsalita.

“Girls, pasok kayo,” nakangiting paanyaya ni Daisy.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay noon lumuwa ang mata nila sa pagkagulat. Napakaganda pala sa loob ng bahay ni Daisy! Papasok pa lang ay tila nasa lobby na sila ng isang five-star hotel.

“Iikot ko muna kayo sa loob ng bahay,” ani Daisy.

Advertisement

Sa kanilang pag-iikot ay laglag ang panga ng magkakaibigan. Napakalaki ng loob ng bahay! May walong silid na parang mga hotel room sa ganda.

May kung ano-ano pa na maaari nilang pagkaabalahan. Billiards, video games, videoke, mahjong, at kung ano-ano pa. Sosyal!

At ang pinakanakakagulat, mayroon pa palang nakatagong swimming pool sa likod ng bahay.

“Oh my gosh, Daisy! Sobrang ganda ng bahay mo!” hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Tessie.

Sa wakas ay nasagot din ang tanong na kanina pa gumugulo sa isipan nilang magkakaibigan nang magsalita si Daisy. Bakit ganoon ang itsura ng bahay mula sa labas?

“Buti at nagustuhan niyo. Kaibigan ng asawa ko ang architect na nag-design ng bahay. Takaw akyat-bahay raw kasi ang mga magagandang bahay, lalo pa’t malayo kami sa mga kapitbahay. Kaya naman ginawa ang bahay na parang isang ordinaryo at maliit na bahay lang mula sa labas. Para hindi pag-interesan na pasukin ng magnanakaw,” paliwanag ni Daisy.

“Nakatipid pa kami sa pagpapagawa ng bahay,” dagdag biro pa ni Daisy, kaya naman nagkatawanan sila.

Nang gabing iyon, habang nagbababad ang magkakaibigan sa pool ay binalikan nila ang masasaya nilang alaala bilang magkakaibigan.

Advertisement

Salamat sa sosyal na bahay ng kaibigan nila, napakasaya ng kanilang overnight. Para silang nag-”staycation” sa isang mamahaling hotel!

Napatunayan ni Tessie na tama nga ang isang sikat na kasabihan, “Don’t judge the book by its cover.”

O sa kaso ng kaibigan nilang si Daisy, “Don’t judge the house by its exterior!”