Nagpapakalasing ang Babae dahil Tila May Kinakalantari nang Iba ang Mister Niya, Di Niya Akalaing May Pinag-iipunan Pala ang Lalaki

“Alak pa! Ahh! Bwisit kang lalaki ka! May araw ka rin sa aking sira ulo ka! Manloloko! Gago!”

Punong-puno na ng kalasingan ang tinig ni Aling Vivien habang tinatagay ang isang bote ng alak sa kanyang kamay. Hapon pa lang nang magsimula siyang uminom ng alak at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tinitigilan ang paglaklak nito.

Ilang linggo na kasi siyang problemado sa kanyang mister. Sa loob ng halos labing limang taon nilang pagsasama ay ngayon niya lang naranasan ang ganitong trato mula sa magaling niyang asawa. Halos hindi na kasi siya nito uwian na ang tanging parating dinadahilan ay ang pagiging sobrang busy sa trabaho. Palagi daw itong nag-oovernight at kung minsan ay may dahilan pa itong out of town na hindi niya malaman laman kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng kanyang mister.

Kahit ang mga anak niya ay parati na siyang sinasabihan ukol sa kanyang inaasal, “Ma, huwag mo naman po masyadong languin ang sarili niyo sa alak. Baka naman po magkasakit kayo n’yan. Alagaan niyo po ang sarili niyo Ma. Hindi po kayo bumabata. At hindi po papalakas ang resistensya natin habang tumatanda tayo.”

Ngunit sa kabila ng mga payo ng kanyang mga anak ay hindi pa rin siya nagpapapigil sa pag-inom ng alak at pagsira sa kanyang kalusugan. Kahit ang mga bata kasi ay hindi rin alam ang dahilan ng kanilang ama sa biglaang pagbabago nito. Kahit magtanong pa ang kahit na sino sa kanila ay hindi pa rin nito sinasabi ang tunay na dahilan sa kanila. Ang palaging bukambibig lang talaga nito ay ang mga katagang, “Sobrang busy lang talaga ako sa trabaho.”

Lugmok na lugmok na si Aling Vivien sa kanyang katayuan bilang asawa ni Mang Jeremie. Noong una ay kinukulit niya pa ito sa kakatanong niya. Ngunit nang mga huli na ay tila nagsawa na siya kakatanong dahil sa natatanggap niyang pare-pareho at hindi kapani-paniwalang dahilan.

“Ano ba Jeremie? Ako ba’y pinagloloko mo na? Bakit hindi mo masabi sa akin nang diretso kung ano ba talaga ang problema? Bakit palagi ka na lang late kung umuwi ng bahay?”

“Pasensya na sobrang–“

Advertisement

“Busy lang sa trabaho? Lintik naman na dahilan yan. Bentang benta na sa akin ‘yan. Sabihin mo naman na sa akin ang totoo! Hindi yung pinagmumukha mo pa akong tanga dito!”

Dahil sa pagod sa trabaho si Mang Jeremie ay hindi niya na lang pinansin ang nagdadrama na namang asawa. Mauuwi na naman kasi sa away ito kung papatulan niya at mas malala kung aabutin sila ng madaling araw.

Samantalang si Aling Vivien ay naiwang luhaan dahil sa asawang dinedma na naman siya. Kaya naman halos mamaga ang mata niya pagkagising niya kinaumagahan.

Ngunit nagulat siya nang biglang makita niya ang mukha ng mister sa harapan niya. Kinusot kusot niya pa ang mata sa pag-aakalang namamalik-mata lang siya.

Nakangiti ang asawa sa kanya, “Happy 20th anniversary mahal.”

Nagulat siya sa sinabi nito. Nakalimutan nya na nga ang araw na ito. Sa kakaisip niya ba naman kasi sa pinaggagawa ng asawa niya ay nawala na sa isip niyang papalapit na pala ang kanilang 20th anniversary.

“Surprise!” anito sabay angat ng susi.

“Ano ‘yan?” naguguluhang tanong niya dito.

Advertisement

“Susi, Ma! Obvious ba?” pambubuska pa ng anak niya na nanunuod pala sa drama nilang mag-asawa.

“Susi ng bagong bahay natin, mahal. Pinag-ipunan ko para sana surpresahin kita ngayong anibersaryo natin,” makabag-damdaming pahayag ni Mang Jeremie.

Halos maluha-luha siya dahil hindi makapaniwala sa sinabi ng asawa.

“Totoo ba ito?” masayang tanong niya sa asawa.

“Hindi Ma, joke lang ‘yan!”

“Isa pang pambabara mo sa akin, Belenita. Ipukpukpok ko sayo tong upuan!” pagbibiro niya rin sa anak.

“Ikaw naman, Ma. Hindi ka na mabiro.”

Natawa silang lahat. Doon palang ay ramdam na ni Aling Vivien ang panunumbalik ng saya ng kanyang pamilya. Nalaman niya rin na kaya pala ilang linggong hindi nakauwi nang maaga ang kanyang asawa ay totoong “busy” nga ito. Busy sa pagtatrabahong maigi at pag-iipon panghulog sa bahay na kinuha nito para sa kanilang pamilya.

Advertisement

Ilang taon na rin kasi silang nangungupahan. At inisip daw talaga nito ang pabirong minsang sinabi niya sa asawa na, “Kailan kaya tayo magkakaroon ng sariling bahay? Yung hindi na tayo mag-iisip saan kukuha ng pambayad sa isang buwan kahit kakabayad lang ngayon buwan?”

“Dahil doon mahal pinagsumikapan ko talagang makaipon ng pambili ng sarili nating bahay. Kahit simple, ang importante mabigay ko ang pangarap mong sariling bahay at lupa. Mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako sa stress na dinulot ko sayo these past few weeks. Gusto lang talaga kitang isurpresa.”

Napangiti at simpleng kinilig si Aling Vivien, “Sorry rin kung hindi ako nagtiwala sayo at pinaghinalaan kita. Mahal na mahal lang talaga kita. Maraming salamat rin sa napakagandang regalong ito, Mahal.”