Hindi Makapaniwala ang Mister Sa Paglalambing ng Misis niya Matapos Niyang Umuwing Lango sa Alak Kagabi

Unti-unting idinilat ni Reden ang kanyang mga mata, sa unang subok niyang tumayo ay halos matumba pa siya dahil sa sobrang pagkahilo. Mabuti na lang at nakakapit siya sa tokador kaya hindi siya nagdire-diretso sa sahig. Pinagsisisihan niya nang sumama siya sa kaibigang si Joshua na uminom kagabi, panigurado siyang wala pa sa sakit ng ulo niya ngayon ang dadanasin niya sa kanyang asawa. “Pinayagan ka na ngang uminom, maglalasing ka pa!” Na-iimagine na niya ang sasabihin nito.

Madaling araw na siya nakauwi, sa totoo lang ay hindi niya alam paano pa siya nakarating dito sa bahay dahil langung lango na siya.

Pagtingin niya sa orasan, 9:30 na ng umaga. Nakaalis na ang asawa, alas otso ang pasok nito sa opisina, habang siya naman ay alas siyete pero hindi na siya nakapasok ngayon dahil nga sa nangyari. Mabuti na rin na nakaalis na si misis, para makapaghanda siya ng paliwanag mamaya pag uwi nito. Pagpunta niya sa kusina para kumuha ng tubig ay laking gulat niya nang may nakatakip na pagkain doon. Masarap na almusal! Agad kumulo ang tiyan niya. Nagulat pa siya nang may makitang note:

Love, initin mo nalang ulit ang kape. Pasok na ako, I love you.

Noon niya lang din napansin na naka-pajama pala siya. Dati rati kapag lango ay pinababayaan lang siya ng misis na suot ang damit niya kagabi, pero iba ngayon.

Pagkatapos niyang kumain ay pumunta siya sa salas para manood ng TV, napansin niyang may note din doon.

Have a great day asawa ko! 🙂 See you po mamaya pag uwi ko, lutuan kita ng favorite mong pininyahan.

Natutuwa man si Reden ay nagtataka rin siya, bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Habang nag iisip siya ay saktong lumabas ang kanyang 10 taong gulang na anak. Bakasyon ngayon kaya walang pasok ito sa eskwela.

Advertisement

“Jr, anong nangyari kagabi?” tanong niya rito. Baka kasi may milagro, o baka naman pinapasakay lang siya ng misis tapos gi-gyerahin na siya mamaya.

“Madaling araw na po kayo umuwi, halos matumba kayo sa pinto. Nasukahan ninyo pa nga ang carpet eh, galit na galit si mama. Pati damit niya nasukahan nyo, pati Tshirt mo po syempre.” kwento nito.

Napangiwi siya, alam niya kung gaano ka- metikulosa ang kanyang asawa pagdating sa mga gamit kaya magagalit dapat ito pero ano naman kaya ang nangyayari ngayon?

“Nagalit ang mama mo?” tanong niya sa anak.

“Opo, tapos pinatulong niya akong buhatin ka sa kwarto nyo, mura nga po ng mura eh.” pagpapatuloy ng bata.

“Tapos? Natulog na ba siya agad?” nagtataka pa ring tanong niya.

“Tapos po nung huhubarin niya na ang pantalon mo, bigla ka pong tumitig sa kanya. Tapos nagsalita ka,” sabi ng bata.

“Anong sinabi ko?” nagdasal ba siya ng Latin, o humiling ng milagro kaya ang bait bait ng asawa niya ngayon?

Advertisement

Natatawa naman ang bata na itinuloy ang pagkukwento.

“Sabi mo po. ‘Hoy, babae! Kahit maganda ka, kahit sexy ka. Tigilan mo ako! Mahal ko ang misis ko!’ Tapos po tinabig mo ang kamay ni mama. Tapos nun ngumiti na po siya, kahit nga naglilinis ng suka, nakangiti siya.”

Napangiti na rin si Reden. Minsan talaga lambing ang kailangan ng mga misis. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ni mister ay kailangan lang ipaalala sa kanilang mahal na mahal pa rin sila upang mabilis na makalimutan ng mga ito ang galit at unahin ang pang unawa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.