Sumama ang loob ng Dalaga sa Nanay Niyang Pala-Hingi ng Pera, Nang Pumanaw Ito ay Bumulaga ang Nakakaiyak na Katotohanan

Tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas nang maka-graduate si Emma sa kursong Information Technology. Dahil likas siyang magaling ay nakahanap agad siya ng trabaho, masayang masaya siya dahil sa wakas ay may sarili na siyang pera at mabibili niya na lahat ng kanyang gusto.

Gayunpaman, hindi niya ma-solo ang salapi dahil hingi ng hingi ang kanyang nanay. Ayos lang sana, kaya lang minsan ay sobrang demanding nito at kinukulit talaga siya kapag di siya nakakapagbigay.

“Nak, baka may 1500 ka dyan. Naubos lang iyong budget na binigay ng ate Mylene mo,” sabi ni Aling Myeth, ang kanyang ina.

Masama man sa loob ay bumunot na rin ang dalaga at inabutan ng pera ang ina. Minsan ay gusto niya na ring kwestyunin ito, malaki ang ibinibigay ng ate Myeth niya dahil maganda ang trabaho ng babae. Mataas ang sahod. Kaya paanong nauubos ang budget nito? Pero pinipili niya na lamang na manahimik.

“Ma, baka next month po hindi ako makapagbigay muna. May pinag-iipunan kasi akong cellphone.” diniretsa niya na ang ginang.

Saglit itong natahimik bago nag-isip. “Naku, kahit na kaunti ay magbigay kana. Hindi naman mahalaga ang materyal na bagay, yang cellphone na yan ay lilipas rin.” sabi lang nito bago muling tumalikod.

Totoo naman, kabibili niya lang ng bagong cellphone. Pero ano’ng magagawa niya? May lumabas na bagong model kaya gusto niya ring bilhin, may trabaho naman siya diba? Wala namang masama kung bibilhin niya ang mga gusto niya.

Isang araw ay maagang nakauwi si Emma mula sa opisina dahil medyo masama ang pakiramdam niya. Hindi alam ng ate Mylene niya at ng kanyang ina na naroon na siya, narinig niya tuloy ang pag-uusap ng mga ito.

Advertisement

“Mylene, sa’yo na muna itong 2000. Hiningi ko kay Emma yan, alam mo na ha? Wag mo nalang mababanggit sa kapatid mo at baka sumama ang loob,” sabi ng ginang at iniabot ang dalawang lilibuhin sa ate niya.

“Sige ma, thank you ha. Tingnan mo, bumili ako ng bagong cellphone,” masayang sabi ng ate Mylene niya.

“Ayos ah, iyan ba iyong malinaw ang camera?” bilib na sabi ng kanyang ina.

Sumama ang loob ni Emma sa narinig. Siya ay hindi makabili ng gusto niya kahihingi ng nanay nila, dinidikdik pa nga siya nito palagi samantalang ang ate niya, nabibili na ang naisin, binibigyan pa ng pera ng ginang?! At ang masakit, pera niya pa!

Sobrang unfair lang. Ang sakit para kay Emma na parang mas pinapaboran ng nanay nila ang ate niya.

Dinala niya ang isiping iyon, malaki ang tampo niya kay Aling Myeth bagamat nagbibigay pa rin siya tuwing hihingi ito. Mabilis lumipas ang isang taon, hindi niya masyadong pinagkakausap ang ina. Tuwing makikita kasi siya nito ay walang ibang ginawa kung hindi ang hingan siya ng pera.

“Ano ba ang tingin nyo sa’kin nay? Wallet nyo?!” bulyaw ni Emma isang umagang di na siya nakapagtimpi. Tapos noon ay padabog na lumabas siya ng bahay. Maghapon siyang nagtambay sa mall para magpalamig ng ulo, nang mahimasmasan ay naisip niyang medyo sumobra siya sa pagsigaw kaya umuwi na siya.

Magso-sorry siya sa ina pero papasok palang siya sa gate nila nang makatanggap ng text mula sa ate Mylene niya.

Advertisement

Emma, pnta ka dito ospital, andto mama

Dali-dali siyang sumugod doon pero inabutan niya ang ate Mylene niya na nakalupasay sa sahig at iyak nang iyak. Nang madako ang kanyang mata sa kama ay napaiyak na rin siya.

Naroon ang kanilang ina, nakatalukbong ng kumot at wala nang buhay. Hindi maintindihan ni Emma, napakabilis ng mga pangyayari, may stage 4 cancer pala ang ginang.

“Diyos ko nanay, pinasama ko pa ang loob mo. Patawarin mo ako nanay,” iyak niya sa harap ng ataul nito. Kung maibabalik niya lang ang panahon, kahit araw-araw pa siyang hingian nito ng pera ay di siya magrereklamo.

Napalingon siya sa kanyang ate nang hawakan nito ang kanyang balikat.

“H-Halika saglit,” sabi nito sa kanya, namumugto rin ang mga mata.

Tumalima siya at medyo nagulat pa nang abutan siya nito ng isang box na nang buksan niya ay puno ng lilibuhin. Napakarami noon.

“Ate, hindi ko kailangan ng pera ngayon. Aanhin ko ito kung wala na si mama?” sabi niya dahil akala niya ay binibigyan siya ng ate niya ng pera.

Advertisement

Umiling ang babae, “Buklatin mo. Iyan ang bilin ni mama sa akin, mahal na mahal ka niya bunso at nag-aalala siya sayo. Alam niyang kaya ko ang sarili ko, p-pero ikaw.. ikaw ang baby niya,” naiiyak na sabi nito.

Doon niya binuklat ang kahon at napaiyak siya sa nabasa, may maiksing sulat na iniwan roon si Aling Myeth.

Emma,

Sorry kung nakakainis na si mama at di ka makabili ng magagandang cellphone. Nais ko lang masiguro na kahit na wala ako, hindi ka kawawa at may ipon ka. Ito anak ang mga perang hiningi ko sayo, ipinatago ko lahat sa ate ko.

Sana ay maging wais ka anak at harapin ang buhay kahit na wala ako. Maging matapang ka. Mahal na mahal ko kayo ng ate mo. Mahal na mahal kita bunso.

Napaluhod si Emma matapos basahin ang sulat. Matagal na palang alam ng kanyang ina ang sakit nito pero hindi nagpagamot dahil ayaw na mapagastos sila. Mas pinili nitong pagtabihan siya ng pera upang masigurong maayos pa rin ang sitwasyon niya kahit wala na ito, alam kasi ng nanay niya na maluho siya.

Iningatang mabuti ni Emma ang inipon ni Aling Myeth at hindi iyon ginastos. Tuwing Linggo ay dinadalaw nila ang puntod nito, walang humpay ang kanyang pasasalamat at paghingi ng tawad.

“Mama, wag ka nang mag-aalala. Okay na ako rito, mahal na mahal kita at salamat sa lahat..”