Isinumpa Raw ang Babaeng Ito Kaya Walang Tumatagal na Asawa Ngunit Iba Naman Ang Paniniwala ng Anak Niya

19 taong gulang lamang si Nicole noon nang siya ay nagkaroong ng asawa. Ito ay si Kulas. Ang unang asawa ni Nicole ang kauna-unahang lalaking minahal ng matanda. Ngayon ay nakasampung asawa na ang matanda ngunit ang lahat ng ito ay kinukuha ng tadhana o sadya raw siyang isinumpa.

“Sinumpa yata ako, anak. Sabi ng lola mo noon na sinumpa daw ang iyong lolo dahil ito ay babaero. Nakapambabae ng isang mangkukulam at sa sobrang galit ay isinumpa ang buo nating angkan at sinabing isa lang ang magiging anak nila na babae at ang lahat ng magiging asawa nito ay mawawala rin. Tignan mo ako, iisa lang akong babae sa pamilya namin at ngayon naman ay iisa ka lang na anak kong babae.” Malungkot na wika ni Nicole sa anak niyang si Cassandra.

“Mama, tigil-tigilan niyo nga ako sa sumpang yan. 2018 na ngayon, ma! Uso na ang kompyuter, ibang lebel na ang siyensya at naglipana ang mga high tech na gamit. Kaya namatay lahat ng naging asawa mo noon ay dahil sa walang lunas ang mga sakit nila o di kaya’y hindi agad nagamot. Malaking bagay din na mahirap ang buhay, walang doktor, kulang ang mga pasilidad at mahirap pa ang Pilipinas. Puwede rin namang oras na talaga nila,” sagot ng kanyang anak na si Cassandra.

Image courtesy of www.google.com

Si Nicole ay nag-iisang babae sa kanilang pamilya. Ang ina nitong si Juanita ay yumao dahil sa sakit sa puso at ang tatay naman nitong si Mang Alfredo ay kinulam di umano kaya ito nawala sa mundo.

Nakakasampung asawa na si Nicole. Ang una sa lahat ay si Kulas, nakasama niya ito ng higit sa isang taon, labis niya itong mahal ngunit hindi sila nagkaroon ng supling, nahimlay ito ng dahil sa sakit na malaria.

Ang pangalawa naman ay si Mang Joseph, mahigit dalawang taon niya itong nakasama, nabuntis siya nito ngunit noong nasa limang buwan na ang bata sa kanyang sinapupunan ay nabangga ang traysikel na sinasakyan nilang mag-asawa. Nawala ang kanyang anak na hindi pa naisisilang, gayon din ang kanyang asawa.

Ang pangatlo ay si Mang Lizaro, nakilala niya sa lamay ng kanyang asawa na si Mang Joseph, pinalipas lamang nila ang pagbabangluksa at tsaka sila nagpakasal, anim na buwan lamang ang itinagal ng kanilang relasyon dahil hindi sila nagkakaintindihan, umalis ito sa kanya at nagulat na lang siya sa nabalitaang sumakabilang buhay na rin pala ang kanyang pangatlong asawa.

Simula noon ay ayaw nang umibig ni Nicole dahil baka totoo nga ang sumpa sa kanilang pamilya. Ngunit hindi niya napanindigan ang kanyang mga salita nang makilala niya si Mang Rodolfo sa pyestahan sa bayan. Si Mang Rodolfo ang ika-apat na nitong asawa. Masaya sya kay Mang Rodolfo, mabait at malambing ito. Ngunit noong nasa kalagitnaan sila ng pagtatalik ay biglang inatake sa puso ang lalaki at naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Advertisement

Siyam na buwan silang nagsama at nagbunga ang kanilang pag-iibigan, ito na nga si Cassandra. Simula noong isinilang niya si Cassandra ay nangailangan siya ng katuwang sa buhay. Nakilala niya noon si Mang Pedro at agad siyang niyaya ng kasal nito.

“Natatakot ako, Pedro. Baka pag nagsama tayo ay matulad ka lamang sa mga naging asawa ko, lahat sila pumapanaw. Isinumpa ako, Pedro,” wika ni Nicole sa lalaki.

“Pag oras mo na, oras mo na at pag mahal mo ipaglalaban mo kahit kay kamatayan pa ito,” sagot sa kanya ng lalaki at nagtitigan ang dalawa habang nasa labas ng kanilang bakuran.

Kaya naman sila ay nagsama at nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki na sina Peter at Paul. Ngunit sa pangatlong taon ng pagsasama ng dalawa ay kinuha rin ng tadhana si Mang Pedro sa kanya sa pamamagitan ng bangungot. Hindi na muling nagising ang asawa nito. Wala na si Mang Pedro.

Lumipat ng Maynila sila Nicole at ang tatlong anak nito. Nananalig na baka sa Maynila maiba ang ihip ng kanilang tadahana. Nanirahan sila sa Quiapo, nagtrabaho bilang tindera ng mga gulay si Nicole at naglalabada rin tuwing Sabado at Linggo.

Image courtesy of www.google.com

Hanggang sa nahulog ang loob niya kay Mang Cardo, ito ang kargador niya ng gulay. Nasa 29 na noon si Nicole ng nagsama sila ni Mang Cardo. Tumagal ng isang taon mahigit ang kanilang pagsasama at araw-araw na nagdarasal si Nicole sa simbahan ng Quiapo.

“Panginoon, kahit mahirap ang buhay namin ni Cardo ay ayos lang. Huwag niyo na pong kunin sa akin ang asawa ko,” nakaluhod na dasal ng matanda sa mga oras na iyon nang may narinig siyang putukan sa labas ng simbahan. Kumaripas siya ng takbo at napaluhod sa nakita. Nabaril ang asawa nitong si Mang Cardo sa ulo at nakabulagta sa daan, sangkot raw sa isang gang ang kaniyang asawa at napag-initan ito. Muli, pumanaw na naman ang kaniyang asawa.

“Akala ko tatantanan na ako ng sumpa dito sa Maynila. Hindi pa rin pala,” bulong ni Nicole sa sarili habang umiiyak sa puntod ni Cardo.

Advertisement

Mapaglaro talaga ang tadhana kay Nicole. Hindi pa dito natapos ang kanyang kwentong pag-ibig dahil umabot pa ito sa sampu. Sina Edwin, Toper, Jasper, at Jomari. Lahat ng iyon ay nagtagal lamang ng halos dalawang taon at iisa lang rin ang kanilang mga ikinasawi at ito ay ang bangungot. Lahat ay hindi na nagising sa piling niya.

“Tama na. Ihihinto ko na. Hindi na ako mag-aasawa. Sige na panalo ka nang sumpa ka sa buhay ko,” wika ni Nicole sa simbahan habang nagdarasal.

Simula nga noon ay hindi na muling umibig pa ang ale. Kahit pa marami pa rin ang sumusungkit sa matamis niyang oo.

Pinalaki na lamang niya ang tatlong anak. Si Cassandra na ngayon ay kolehiyo na at ang dalawa niyang anak na lalaki ay pawang mga nasa high school na rin.

“Anak, baka sisihin mo ako pagdating ng araw sa magiging kapalaran mo sa pag-ibig. Natatakot ako anak na baka danasin mo rin ang kapalaran ko,” malungkot na wika ng ale sa kanyang anak na si Cassandra na naghahanda na papasok sa eskwela.

“Mama, kung may sumpa man. Hindi sila madadaig ng pananampalataya ko sa Panginoon. Mas naniniwala pa rin ako sa Panginoon kaysa sa mga sumpa na iyan,” matigas na pahayag ng anak, sabay halik sa pisngi nito at saka umalis.

Tadhana man o sumpa, hindi na muling nag-asawa pa si Nicole. Hindi dahil sa takot ito na maiwan na naman siya ng lalaking muli niyang mamahalin kundi mas pinili niyang subaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak. Mas natutukan niya ang mga ito sa eskwela at patuloy parin sa pagtitinda para sila ay mabuhay. Pawang mga iskolar ng bayan ang kanyang mga anak kaya naman hindi siya hirap sa pagpapaaral sa mga ito.

“Panginoon, gaya ng sabi ng aking anak, mas dapat manaig ang aming pananampalataya sa Iyo. Kaya Ama, hiling ko lang ay kaligtasan ng aking mga anak. At alam kong Ikaw ang makapangyarihan sa lahat kaya Ama, ikaw ang manguna sa aming buhay at hindi ang ano pang paniniwala,” dasal ni Nicole habang nakaluhod sa simbahan.