Nais Ipalaglag ng Ginang ang Dinadalang Bata ng Anak Dahil sa Kahihiyan, Dahil Dito’y Iniwan Siya ng Lahat

Limang taon nang biyuda si Aling Meding, isa syang retired na guro kaya naman mayroon siyang natatanggap na pensyon buwan-buwan. Ang panganay niyang anak ay isang nurse, nakapangasawa ito ng doktor.

Ang pangalawa naman nyang anak ay nasa bahay lamang at isang home based english teacher, nagtuturo ito ng ingles sa mga banyagang taiwanese at korean. Habang ang bunso niya naman ay nag-oopisina sa Makati.

Medyo masama ang loob niya sa mga anak dahil wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa yapak nya na maging guro, palibhasa ay kinampihan ang mga ito ng ama noong nabubuhay pa. Kung siya lamang ang masusunod ay gusto niyang maging guro ang mga ito. Hindi rin sya nakukuntento sa kung ano ang kayang ibigay ng mga anak nya, bawat kibot ay may reklamo sya sa mga ito at may puna.

“Nica, bakit ganito itong apo ko? Dapat ay tinuturuan mo itong mag ingles. Nurse ka pa naman at doktor ang asawa mo,” komento nya, kandong nya ngayon ang dalawang taong gulang na bata.

“Ma, matututunan nya naman yan paglaki nya. Gusto namin ni Fred na sariling wika muna natin ang alam nya bago ang ibang language,” paliwanag naman ng kanyang panganay. Napairap na lamang si Aling Meding.

“Eh bakit, iyong apo nga ni kumareng Lydia naku nakakatuwang bata, kay galing mag Ingles! Ganoon dapat Nica ang pagpapalaki,” pangungumbinsi nya pa. Pinili na lamang ni Nica na huwag sumagot sa kanya ina, alam niya namang di sya mananalo dito dahil mas mahalaga rito ang pananaw ng iba kaysa sa sariling pamilya nya.

Sakto namang pasok ng kanyang bunsong anak mula sa opisina, si Carla. 25 years old na si Carla at siya na rin ang sumasagot sa mga gastusin dito sa bahay upang ang pensyon ng kanyang ina ay ma-solo na lamang nito, tingin ni Carla ay dapat na magliwaliw ang kanyang mama dahil ito naman ang nagsakripisyo ng buong buhay nito para sa kanila. Kahit pa palagi silang nag aaway ng matanda ay mahal niya ito.

Imbes na batiin ang anak at kumustahin ay isang pasinghal na tanong ang ibinungad nya rito, “Akala mo hindi ko alam Carla? Ang anak ng kumareng Virgie ko ay sa Makati rin pumapasok, nakikita ka raw na may kasamang lalaki.” matalim na sabi niya.

Advertisement

“Ah, ma, siguro po si Kenneth iyon,” pag amin naman ng dalaga. Sa totoo lang ay planong bumisita ng nobyo nyang si Kenneth sa Sabado, ipapakilala nya rin naman ito. Natatakot lamang sya sa magiging reaksyon ng nanay nya sa lalaki kahit pa nasa tamang edad na sya. Masyado kasing konserbatibo ito, ang kuya Fred nya nga na asawa ng ate Nica nya ay nakatikim na ng maaanghang na komento noong nanliligaw pa, kahit pa isa itong doktor.

Lalo pa kaya ngayon, na nagdadalantao na sya? Pananagutan naman siya ni Kenneth, mabuting tao ang lalaki at mahal sya nito. Sana maintindihan iyon ng nanay nya.

Hindi na nakapagsalita si Aling Meding dahil agad tumakbo ang anak niyang si Carla sa banyo at doon sumuka nang sumuka. Nagkatinginan na lamang sina Aling Meding at Nica.

“Walangya kang malandi ka! Sinasabi ko na nga ba!” sigaw ni Aling Meding isang umaga. Hindi nga nagkamali ang kumare nya sa pagsumbong, mas napapadalas raw ang pagsama ni Carla sa lalaki. At eto nga, eto na ang kinakatakot niya, buntis ang hitad!

“Mama..patawarin mo ako, sasabihin ko naman po eh,” sabi nito. Naroon din si Nica at ang isa pang anak ni Aling Meding na sinusubukang pigilan ang kanilang ina, awang awa sila sa kapatid.

“Ma, nasa tamang edad na naman si Carla. At pupunta nga raw ang pamilya ni Kenneth para mamanhikan hindi ba? Hayaan mo na, nariyan na yan eh. Blessing naman ang bata,” sabi ni Luke, ang nag-iisa niyang anak na lalaki.

“Isa ka pa! Lahat kayo! Manang-mana kasi kayo sa tatay nyo, hindi nakikinig sa akin! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay? Ng mga kumare ko? Na pamilya tayo ng malalandi? Diyos ko Carla, ipalaglag mo iyan!” sigaw nya.

Doon natahimik ang lahat. Tinitigan ng tatlo ang kanilang ina na may kasamang pandidiri. Hindi nila akalaing lalabas iyon sa bibig nito, gusto nitong patayin ang isang sanggol na wala namang kasalanan. Gusto nitong patayin ang sariling apo!

Advertisement

“Ma, sumosobra ka na,” sabi lang ni Nica, inakay na nito si Carla at ang isa pang kapatid, sabay sabay silang umalis sa bahay ng matanda.

Makalipas ang isang buwan.

Nanonood ng telebisyon ngayon si Aling Meding, natiis niyang wag kausapin ang mga anak. Matigas pa rin sya sa paniniwalang mali ang mga ito.

“Isang bagyo ang kasalukuyang nararanasan sa Luzon, pinapayuhan ang mga mamamayan na maging handa at alerto. Flashlight, batteries, mga de lata, siguruhin na hindi iyan mawawala sa inyong bahay. Palagi ring i-charge ang inyong cellphone kung sakaling kailangang tawagan ang mahal sa buhay..” sabi sa balita, napalingon si Aling Meding sa kanyang bintana, malakas nga ang ulan at may kasamang pag-kidlat kaya minabuti niyang isara na ang TV.

Sa paglalim ng gabi ay lalong lumakas ang ulan na sinamahan pa ng malakas na hangin, hindi makatulog si Aling Meding dahil tila matatanggal ang bubong ng bahay nya. Wala pa naman siyang kasama at wala silang second floor. Napasigaw siya nang tila isang malakas na bagay ang lumagapak sa kanilang salas.

Paglabas nya ay nagulat siyang tumumba pala ang kanyang tokador dahil pinasok na ng baha ang kanyang bahay, nataranta sya dahil first time ito. Hindi naman sila binabaha noon.

Hindi sya magkandaugaga sa pag-ayos ng gamit, nakita nya ang mga kumareng may taas ang bahay na komportable pero wala ni isa sa mga ito ang nagtanong man lang sa kanya kung kailangan nya ng tulong. Kahit pa alam ng mga ito na mag-isa sya roon.

Maya-maya pa ay nagulat sya nang may magtakip sa kanya ng isang jacket na tuyo, “Fred?” tanong niya nang mamukhaan ang manugang. Nakasuot ito ng kapote at sa likod nito ay ang kanyang umiiyak na anak, si Nica.

Advertisement

“Ma, na-miss ka na namin,” hindi natiis na sabi nito at niyakap siya. Hindi pala mapakali ang mga ito kaya sumugod sa bagyo at pinuntahan sya. Naroon rin si Luke na tinulungan syang magbitbit ng mahahalagang gamit.

Napaiyak siya sa mga anak, paulit ulit siya ng paghingi ng tawad. Napakalaki ng naging pagkakamali nya. Pag uwi niya sa bahay nina Nica at naroon rin si Carla, kasama nito ang nobyong si Kenneth. Hindi pa pala nagpapakasal ang dalawa dahil hinihintay ang blessing nila.

Makalipas ang isang taon.

“Ang ganda-ganda talaga ng apo ko, kamukha ng lola o! Ay naku, akin ka na titira pwede ba?” lambing nya sa apat na buwang gulang na sanggol, ang anak ni Carla.

Narito sila ngayon sa bahay niya para i-celebrate ang kanyang kaarawan, puno ng kaligayahan ang mga ito, lalong lalong na si Aling Meding. Di niya akalaing itong sanggol na hawak nya ang pinagtangkaan niyang patayin noon, nagsisisi pa rin siya hanggang ngayon.

At sumumpa siya sa sariling habangbuhay siyang babawi sa kanyang pamilya.