May Taong Grasang Nagbabantay sa Dilim

Kinakatakutan ang barangay nila lalo na kapag gabi. Sabi-sabi kasi ay may taong grasang nag-aabang sa madilim na parte ng eskinita at may hawak-hawak itong patalim. Kaya alas sais pa lang ng hapon ay wala ng dumadaan sa naturang eskinita.

Si Tiban ay bagong lipat lamang sa barangay na iyon. Isa siyang abogado kaya iba-iba ang oras ng uwi niya. Wala siyang alam tungkol sa kwento ng taong grasang nagtatago sa madilim na parte ng eskinitang kaniyang laging dinadaanan.

Isang gabi nung dumaan siya roon ay biglang may humablot sa kanya. Pumulupot ang braso nito sa kaniyang leeg at may matulis na nakatutok sa kaniyang tagiliran.

“Sino ka?” kinakabahan niyang tanong sa taong hindi niya nakikita sa madilim na eskinita.

“Ikaw ba ang pumatay sa asawa ko?” puno ng galit nitong sambit. “Hindi po! Wala po akong alam sa sinasabi ninyo,” sagot ni Tiban

“Sino ka?” sindak nito. “Bagong lipat lang po ako rito,” aniya tsaka siya binitawan ng ‘di niya kilalang tao.

Mula nung mangyari iyon kay Tiban ay nagtanung-tanong na siya sa mga kapitbahay niya kung sino ang lalaking laging nasa madilim na parte ng eskinita at nalaman niyang ito ay si Simon. Mula nung m*matay ang asawa nito ay lagi na itong nag-aabang sa sulok ng lugar na iyon. Inaabangan daw ni Simon ang lalaking sumaksak sa kanyang mahal na si Lisa. Sa sobrang pagkadesperado ni Simon ay tuluyan na itong nawalan ng tamang pag-iisip. Lagi na itong nakabantay sa madilim na bahaging iyon. Ang tanging nais lang nito ay makamit ang hustisya para kay Lisa.

Labis siyang nakaramdam ng pagkahabag sa nalaman. Kung ganoon ay nakakaawa naman pala ang taong grasang si Simon. Nais lamang nitong ipaghiganti ang yumaong asawa mula sa mga sakim na tao sa mundo. Kinagabihan ay muli siyang dumaan sa eskinetang kinakatakutan ng lahat. Nais niyang matiyempuhan si Simon at nais niya itong tulungan.

Advertisement

“Simon,” mahina niyang tawag.

“Sino ka?” matigas na wika nito. “Ako si Tiban. Isa akong abogado at handa akong tulungan ka. Magtiwala ka sa’kin hindi kita sasaktan.”

Biglang tumahimik ang paligid. Tanging lagaslas ng mga tuyong dahon lamang ang kaniyang naririnig. Mayamaya sa maliwanag na parte ng paligid ay biglang lumabas ang lalaking may hanggang balikat ang haba ng buhok, puro putik ang mukha, madumi ang buong katawan, payat at may hawak na patalim ang kamay.

“Tutulungan kita, Simon, kaya tulungan mo rin ang sarili mo.”

Ginawa ni Tiban ang lahat para matulungan si Simon. Ulila na itong lubos at naibenta nito ang bahay nila noon dahil iyon ang ipinanggastos nito sa pagpapalibing sa asawa. Binuksan niya ang nakasarang kaso ni Lisa at nalaman niyang sinadya ang pagp*tay rito. May isa itong kapatid na babae at parehong pumanaw na ang mga magulang nito. Nag-iisang tagapagmana si Lisa dahil ito ang tunay at legal na anak ng mag-asawa kaya ang suspek sa sinapit ng babae ay ang kapatid nito.

Sa paglilitis inimbitahan si Simon upang magsalita sa gitna ng husgado.

“Ako po si Simon. Asawa ko po si Lisa. Masaya po ang pamumuhay namin kahit hikahos kami sa buhay. Ang dami naming pinangarap at hindi namin inalintana ang kahirapan basta ang mahalaga ay magkasama kami. Pero nasira ang lahat nung pin*tay ang asawa ko ng taong hanggang ngayon ay hindi ko kilala,” humihikbi nitong wika.

“Tinalikuran ni Lisa ang yaman ng pamilya niya at mas piniling makasama ako pero bakit nagawa niyo pa rin siyang p*tayin para lamang makuha niyo ng tuluyan ang yaman na para sa kaniya? Mas mahalaga ba talaga para sa inyo ang pera kaysa sa buhay ng isang tao? Ang bilis niyong natakasan ang batas noon dahil wala akong pera pero sisiguraduhin ko ngayon na makakamit ko na ang hustisya para sa mahal kong si Lisa. Magbabayad ang dapat magbayad, mananagot ang dapat managot!”

Advertisement

Ginawa ni Tiban ang lahat upang panagutin ang kasabwat ng kapatid ni Lisa na si Sanya pati ang mga kamag-anak na tumulong sa babae upang map*tay si Lisa.

Ang tanging naging sandigan lamang ni Simon ay si Tiban. Si Tiban ang dahilan kaya nabuhayan siya ng loob. Ito din ang naging kasangga niya upang makamit ang hustisyang noon pa niya nais makamit. Matagal at mahirap ang proseso. Dumating sa puntong nais na niyang sumuko.

“Hindi ka dapat sumuko, Simon. Nandito na tayo. Ilang hakbang na lang at matatapos na ang sinimulan natin. Kinakaya ko kaya dapat kakayanin mo,” pagpapalakas ng loob ni Tiban sa lalaki.

Pagkatapos ng paghihirap nila ni Tiban ay nasintensiyahan ng guilty si Sanya. Nahuli na ang lalaking sumaksak kay Lisa at makukulong na ang mga ito. Kasal sila ni Lisa kaya sa kaniya napunta ang manang dapat sana ay nakuha ng asawa. Napanagot din ang mga taong tumulong kay Sanya.

Niyakap ni Simon si Tiban ng mahigpit at hindi magkamayaw sa paghingi ng pasasalamat.

“Kung hindi kita muntik ng masaksak noon ay hindi kita makikilala at hindi mo ako matutulungan. Baka hanggang ngayon ay ako pa rin ang kinakatakutang taong grasang laging nagtatago sa madilim na sulok,” humihikbing wika ni Simon. “Hindi ko kailangan ang mana ni Lisa. Sapat na sa’kin ang mahatulan ang lahat ng mga salarin, Tiban. Nakakulong na ang taong may kasalanan.”

Binigyan ni Simon si Tiban ng kaunting pera at hindi muna nito ginalaw ang manang nakuha mula sa asawa. Hindi niya iyon kailangan dahil mas kailangan niya si Lisa ngunit wala na ito. Nagdesisyon siyang umuwi nang probinsya at doon na lang mamuhay ng tahimik. Mula noon ay hindi na kinakatakutan ang baryo nila Tiban at hindi na madilim ang eskinitang laging tinatambayan noon ni Simon.

Ang bilis apakan ng mga taong may pera ang taong naghihikahos sa buhay. Pera ang nagpapagalaw sa mundo, mahirap makamit ang hustisya kung kagaya mo si Simon, pero may taong darating sa buhay natin na handang tumulong at walang hihingin na kapalit katulad ni Tiban.