Sino ang Tunay na may Sala?

Hapon ng Biyernes noon. Seryosong nag-uusap ang magkasintahang Jeffrey at Joan sa tapat ng bahay ng dalaga. Tila ba hindi sila magkaintidihan dahil sa pagtaas ng tono ng kanilang mga boses.

“Bakit ba hindi pa kasi pwede? Isang taon na tayo, pero ayaw mo pa rin akong pagbigyan kahit isang beses?” iritableng tanong ni Jeffrey.

“Hindi pa nga pwede. Hindi pa tayo kasal at saka hindi pa ako handa sa ganyang bagay. Hindi ko maaaring ibigay na lamang basta ang sarili ko,” paliwanag ng babae.

“Mahal mo naman ako, mahal naman kita, pero wala kang tiwala. Tsss!” galit na tugon naman ng lalaki.

Maya-maya ay dumating si Herby, ang batang kapitbahay nila Joan na mayroong kapansanan sa pag-iisip. Sobrang malapit ang bata sa dalaga kaya madalas itong magtungo sa kanila.

“Ate Joan, picture tayo?” pag-aaya ng bata habang dala-dala ang cellphone na regalo sa kanya ng magulang. Mahilig sa potograpiya ang bata kaya’t lagi nitong inaaya si Joan upang magpakuha ng litrato kasama siya.

“O Herby, nandiyan ka pala. Sige, mag-uusap lamang kami ni Kuya Jeffrey tapos magpi-picture tayo mamaya ha?” malambing na sabi ng dalaga.

“Hoy batang abn*rmal! Tigil-tigilan mo ang pangungulit dito sa girlfriend ko ha? Umalis ka nga dito! Abala ka eh,” galit na sigaw ng nobyo ni Joan.

Advertisement

“Ano ka ba naman Jeffrey? Bakit pati bata ay pinapatulan mo?” galit na sigaw ng babae sa kanyang kasintahan.

“Ayoko sayo! Bad ka! Ate Joan, lumayo ka na diyan sa lalaki na yan, bad siya!” sigaw ni Herby sabay tumakbo paalis.

“Alam mo kung hindi mo maibigay yung gusto ko at hindi mo kayang magtiwala, pwes mag isip-isip ka na kung may patutunguhan pa ba tayo, Joan,” iritable pa ring saad ni Jeffrey.

Napahinga na lamang ng malalim si Joan habang tinitignan ang pagmamaktol ng kanyang nobyo. Sadyang hindi niya kayang isuko ang sarili sa lalaking hindi naman siya sigurado pa.

Isang maulan na gabi noon, habang pauwi ng trabaho. Hindi inaasahang may yumakap mula sa likuran ni Joan. Mahigpit ang pagkakayakap nito sabay tinakpan ng panyo na may pampatulog ang kanyang ilong. Dahilan para mawalan siya ng malay.

Nagising na lamang si Joan na mayroon takip ang kanyang mata at nakapasak na busal ang kanyang bibig. Hindi siya makakilos dahil nakatali ang kanyang mga kamay.

“Gising na pala pare!” sigaw ng isang lalaki.

“Game na! Mukhang masarap ito, makinis eh,” sabi ng isa pang tao mula doon.

Advertisement

Naramdaman ni Joan na unti-unti tinatanggal ang kanyang saplot. Pinilit niyang pumalag at sumigaw, ngunit wala siyang ibang magawa kundi umiyak na lamang. Wala siyang kalaban-laban.

“Ako na muna ha? Ako ang mauuna,” sabi ng isang lalaki.

Naramdaman ni Joan ang paghalik sa kanyang leeg habang gumagapang ang kamay ng lalaki papunta sa kanyang dibdib. Wala na siyang saplot at ang tanging nararamdaman niya ay ang pagkiskis ng balat ng lalaking nasa ibabaw niya.

Halos mapatid ang ugat niya sa lalamunan sa kakasigaw sa sobrang kababuyang ginagawa sa kanya. Inilakad ng lalaki ang halik mula sa leeg pababa sa dibdib hanggang makarating sa maselang bahagi niya.

Tanging mala-demonyong tawanan ng mga lalaking kasabwat ang naririnig niya. Tila ba tuwang-tuwa pa ang mga ito sa kababuyang ginagawa sa kanya.

Sinubukan niyang pumiglas ng isang beses pa, subalit isang malakas na suntok ang natanggap niya sa kanyang sikmura. Halos mawalan siya ng lakas sa sakit na nadama.

Umiyak na lamang siya ng umiyak hanggang sa naramdaman na niya ang pagpatong ng lalaki sa kanyang ibabaw. Wala na siyang lakas para pumiglas pa. Tanging sakit na lamang ang kanyang nadarama.

“Tapos na ako. Sinong kasunod?” tanong ng lalaki na unang nagsamantala sa babae.

Advertisement

“Ako naman!” malakas na tugon ng isa pang lalaki habang nagtatawanan ang iba.

Tulad ng nauna. Pinagsamantalahan at binaboy lamang ang kanyang katawan. Hanggang sa dumating ang pangatlo, pang-apat at ang panglima. Tila ba namanhid na ang buong katawan ni Joan. Wala na siyang ibang maramdaman kundi pandidiri sa ginawa sa kanya.

“I-save mo yan ha?” tawa pa ng isang lalaki.

Naramdaman na lang ni Joan na kinalagan na ang mga taling nakapulupot sa kanyang kamay. Gustuhin man niyang gumalaw, hindi niya magawa dahil walang-wala nang lakas ang kanyang buong katawan.

Ilang oras pa ang lumipas. Matapos ang halos buong magdamag na pagluha, bumangon si Joan at tinanggal ang piring na nakapulupot sa kanyang mata. Nakatitig lamang siya sa walang saplot na katawan habang pumapatak ang mga luha.

Malinis na malinis at planado ang kahalayang ginawa sa kanya. Walang kahit anong bakas ang naiwan sa mismong lugar kung saan siya pinagsamantalahan.

Umuwi siyang tulala at duguan ang ilang parte ng damit. Gulat na gulat ang mga magulang ni Joan. Nang tanungin siya, tanging iyak lamang ang naisagot niya.

Agad silang pumunta sa presinto at doon nagpasa ng reklamo. Pinasuri din agad siya sa doktor, doon lumabas ang grabeng troma na tinamo ng katawan ng dalaga.

Advertisement

Ang malala pa dito, biglang kumalat sa internet ang isang vidyo ng babae na hinahalay ng limang lalaking nakasuot ng itim na bonet na may pangtakip sa mukha.

Tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso at imbestigasyon tungkol sa nangyaring karahasan kay Joan. Subalit talagang napakalinis ng pagkakagawa. Walang bakas na pupuwedeng magturo sa kahit sino sa isa sa mga salarin.

Imbes na samahan ang kasintahan sa madilim na pinagdadaanan, iniwanan pa ni Jeffrey ang kaawa-kaawang si Joan sa madilim na pangyayaring ito sa buhay niya. Ikinahihiya niya ang pangyayaring iyon sa kasintahan.

“Aarte-arte ka pa sa akin noon, tignan mo, iba lang pala makakakuha ng katawan mo!” galit na sabi ni Jeffrey sa tulalang dalaga.

Tila ba wala nang pag-asa ang kaso dahil wala pa rin maiturong salarin hanggang ngayon. Hanggang isang araw dumating si Herby upang kulitin si Joan.

“Ate Joan, selfie po tayo?” pangungulit ni Herby sa dalaga.

Nakatulala lamang si Joan habang pumapatak ang mga luha. Kinuha ni Herby ang kamay ni Joan at saka ito yumakap sa dalaga.

“Alam mo ate? May nakuhaan akong masamang tao noon. Kinukulit ko nga si mama na isumbong sa mga pulis, pero hindi siya naniniwala,” saad ng bata.

Advertisement

Kinuha ng bata ang kanyang cellphone at ipinakita ang vidyo ng limang lalaki na nagtatanggal ng itim na takip sa mukha. Napasigaw na lamang at napaiyak si Joan nang makita ang salarin…

Si Jeffrey at ang mga kabarkada nito ang humalay at lumapastangan sa katawan niya. Malinaw na malinaw mula sa vidyo sa cellphone ng bata ang mga hitsura nito.

Buti na lamang at lumabas si Herby noong gabing iyon para bumili sana ng makakain sa tindahan sa hindi kalayuan, nang marinig niya ang isang malakas na ingay, namukhaan niya si Jeffrey kaya kinuhaan niya ito ng vidyo habang nagtatanggal ng takip sa mukha ang mga kasama. At ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na maipakita ito kay Joan.

Nang maibigay sa mga pulisya ang ebidensya, agad nilang ipinadakip ang mga kriminal. Muntikan nang makatakas si Jeffrey patungong Cebu noon, buti na lamang at naharang agad ito sa airport.

Nahatulan ng matagal na pagkakabilanggo ang lima sa kasong panghahalay sa dalaga. Buti na lamang, nagkaroon ng hustisya ang kawalanghiyaang ginawa kay Joan sa pamamagitan ni Herby.

Laking pasasalamat nila sa ginawang pag vidyo ng bata sa mga salarin. Dahil dito, nagkaroon ng kapayapaan ang puso ni Joan.

Ngayon ay patuloy sa pagpapagaling si Joan mula sa troma na natamo. Madalas na kasama din siya sa ilang programa ng mga organisayon na tumutulong sa mga babaeng biktima din ng kahalayan at pang-aabuso.

Tunay ngang bawat maling ginagawa natin ay may kalakip na kapalit. Buti na lamang at digital na ang karma kaya’t madaling nahatulan ang mga kriminal na nanamantala kay Joan.

Advertisement