Pinagyayabang ng Lalaki ang Pagiging Playboy Niya; Tiklop Siya nang Karmahin at Makahanap ng Katapat

Gwapong-gwapo sa sarili at tila ba’y pakiramdam ni Manuel na regalo siya ng Maykapal sa kababaihan. Akala niya’y tropeyo siya na mapapanalunan kapag naging nobyo siya ng mga babae.

“Aba, napakaswerte nila kung maging boyfriend nila ako! Mataas kaya ang standards ko!” pagyayabang pa ng lalaki.

Dahil sa sobrang taas ng tingin sa sarili, nais niyang siya’y hinahabol-habol ng mga babae. Gusto niyang iniiyakan siya at ipinaparamdam sa kaniya na takot ang kasintahan na mawala din siya. 

Ang masamang ugali at kayabangan ni Manuel na ito ay nagdulot ng labis-labis na kasamaan sa kanya at sa mga babaeng nasaktan niya. Naging playboy siya at naging pampalipas oras lamang ang iba’t ibang babae.

“Mga pre! Tingnan ninyo o, tatlo ang syota ko ngayon at lahat quality!” pagmamalaki ni Manuel. 

“Pare, mag ingat ka ha? Baka ikapahamak mo iyan. Kapag nabuking ka, tiyak gulo ‘yan. Bakit ‘di ka na lang kasi pumili ng isang babaeng mamahalin at magtino na?” pahayag naman ng kaibigan ni Manuel. 

“Nako, ang boring naman ng gusto mo. Okay na ‘to. Habang malakas pa, maglaro lang nang maglaro at tumikim ng tumikim ‘di ba?” halakhak pa ng lalaki. 

Napailing na lamang ang kaibigan sa narinig. Wala na ata talagang makapagbabago kay Manuel.

Advertisement

Tuloy-tuloy pa rin ang binata sa pambababae. Minsan kapag nakuha na niya ang gusto sa babae ay kaagad na niyang itong iniiwan ng walang kahit anumang eksplanasyon.

“Hi babe! Kumusta ka na? Miss na miss ko na ang kaaya-aya mong mukha at matamis na boses. Sana ay makita na kita,” text message ni Manuel na ise-send naman sa mga babaeng ‘Babe 1’, ‘Babe 2’ at ‘Babe 3’ na nakapangalan sa kaniyang cellphone. 

Sa ganoong paraan, nauuto na niya ang mga babaihan. Dahil agad na nakuha ang loob ng mga babae, naka-schedule na agad ang kanilang meet up.

“Aayain ko muna siyang kumain. Tapos aamuhin ko at kukunin ko ang loob. Dadalhin ko siya sa motel pagkatapos. Tiyak hindi na naman makakatanggi ang mga iyon sa malakas na dating ko,” nakangising bulong ng binata sa sarili.

Gamit ang matatamis na salita, pilit kinuha ni Manuel ang loob ng mga dalagang nilalandi. Kung minsa’y nagdadala siya ng bulaklak at tsokolate. Minsa’y mga paboritong pagkain naman ng mga ito.

Isang araw nagulat na lamang ang binata na may mga text messages siyang natanggap. Galing ang mga ito sa babaeng kaniyang nililigawan. 

Babe 1: “magkita naman tayo. May ibibigay sana ako sa’yo.”

Babe 2: “mag date naman tayo, babe. Gusto sana kitang ma-solo.”

Advertisement

Babe 3: “medyo masakit ang katawan ko ngayon, pwede bang i-massage mo ako?”

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Manuel. Mukhang bibigay ata ang tatlong dalaga sa kanya ngayon ang kanilang bataan.

Gusto sana niyang i-schedule sa iba’t ibang araw ang pakikipagkita, ngunit makukulit ang babae at nais na ngayon sila magkita.

“Di bale, kayang-kaya ko ito!” nakangiting bulong ni Manuel sa sarili.

Nagtungo sa botika ang binata at bumili ng siyam na pakete ng c*ndom at anim na tableta naman ng gamot upang tumagal sa pakikipags*iping. 

Una niyang kinatagpo ang pinaka-sexy sa tatlo. Pakiramdam niya kasi, eto ang bibigay kaagad kapag inaya niya.

“Napakaganda mo talaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga mata mo. Nasasabik na tuloy akong maging asawa na kita,” pambobola ng lalaki habang kumakain sa isang fast food restaurant.

“Ikaw talaga! Ang lakas mo magpakilig. Baka ‘di na kita pakawalan niyan ha?” malanding pagkakasabi naman ng babae.

Advertisement

“Pagkatapos natin kumain, pwede bang samahan mo ako sa isang hotel? Makikibanyo lamang sana ako. ‘Di kasi ako sanay magbawas sa pampublikong lugar,” saad ni Manuel. 

“E bakit sa hotel pa? May paid CR naman ‘di ba?”

“Ah, e, para mamasahe rin kita. Gusto mong magpamasahe ‘di ba? Magaling ako magmasahe. Tiyak hahanap-hanapin mo,” nakangising sabi pa ng binata.

“Sige na nga. Basta saglit ha?” walang pagpapakipot na sagot ng dalaga.

Lumaki ang ngiti ni Manuel at nagningning ang mga mata. Sa wakas, makaka-iskor na naman siya.

Pagkarating sa isang maliit na hotel, hindi na mapaigi ang binata. Dinaig pa niya ang higad sa sobrang kakatihang nadarama.

Pasimple niyang hinalikan ang balikat ng babae at saka pinagapang ang mga kamay sa baywang nito. Tila ba kiliting-kiliti naman ang babae sa nadarama.

Naghubad na ng saplot ang lalaki at handa na sanang painitin pa ang mga tagpo, ngunit tunog ng tunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang dalawa pang nililigawan. Hindi tuloy niya magawa ang plano.

Advertisement

“Ah, babe… may gusto sana akong gawin. Mas nae-excite kasi ako kapag ganun. Okay lang ba?”

“A-ano iyon?” tugon ng lalaki na pino-problema ang mga tumatawag na babae.

“Gusto ko sanang nakatali ka habang ako yung gagawa ng lahat para sa’yo,” pahayag naman ng babae at saka naglabas ng posas at tali.

Lalong ginanahan ang lalaki sa narinig. Pumayag siyang itali ang mga kamay. Nakangisi siya sa sobrang pag-iinit ng katawan at pananabik na nadarama.

Nang mahigpit na naitali, tumayo ang babae at saka kinuha ang cellphone ng lalaki. Nabasa niya lahat ng kalokohan nito at nakitang napakarami pang ibang binibiktima.

“Hoy! Anong ginagawa mo?! Pakawalan mo ako dito!” sigaw ni Manuel.

“Hello, girls? Room 201, bilis!” saad ng babae sa kausap sa cellphone.

Maya-maya’y may kumatok sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Manuel nang makita ang dalawa pang babaeng sinusuyo niya. 

Advertisement

“Akala mo ba hindi namin malalaman? G*go ka!”

“Manloloko!”

“Tikman mo ang galit namin!”

Galit na sigaw ng mga babae. Inulan ng suntok, sampal at sabunot ang lalaki. At ang hindi niya makakalimutan ay ang malakas na tadyak sa kaniyang pagkalalaki. 

Pakiramdam ni Manuel noo’y tumalsik ang kaniyang ar*i palabas sa sobrang lakas. Halos maduwal siya sa sakit na nadarama. 

Iniwan ng mga babae si Manuel na nakagapos doon at namimilipit sa sakit. Nakahanap si Manuel ng katapat. Hinding-hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon.

Nagpasuri ang binata sa ospital upang makasigurong ayos lamang siya. Ngunit nadiskubre niyang mayroon pala siyang sakit na natamo galing sa isang babaeng kaniyang nakasiping noon. Napagastos pa tuloy siya ng malaki dahil sa paggagamot. 

Napapailing na lang si Manuel at tila ba takot nang mambabae pa. Baka sa susunod ay hindi lamang tadyak ang abutin niya kung mauulit pa.