Malakas ang Paniniwala ng Bata sa Diyos, Isang Sorpresa ang Naghihintay sa Kanyang Kaarawan

“Nay, natutupad ba talaga ang mga wish natin kapag nagdasal tayo kay Papa Jesus?” Tanong ng musmos na bata na si Andoy.

“Hindi ko alam anak, kung totoo yang sinasabi mo eh di sana bumalik na ang Tatay mo. Tulungan mo na lang ako dito at wala kang mapapala kung titingala ka lang sa langit, hindi sasagot yan.” Saad ni Aling Cora.

(Photo for illustration purposes only)

Si Andoy ay isang anim na taong gulang bata, kasama niya sa kanilang bahay ay ang nanay niya na, si Aling Cora, at dalawang nakakatandang kapatid na si Kuya Danny at Ate Julie.

Hirap sa buhay ang pamilya nila mula ng magtrabaho sa ibang bansa ang tatay nila. Simula noon hindi na ito ulit nagparamdam.

(Photo for illustration purposes only)

Habang naglalaro sa labas ang bata ay dumating ang kuya niya.

“Kuya Danny bakit ganyan ang itsura mo?”

Kinalong naman ng binata ang kapatid, “Hirap makakuha ng trabaho si Kuya mo kasi, dasal naman ako nang dasal na sana magka-trabaho na ko pero wala ayaw akong tulungan ng Diyos.” malungkot na kwento nito.

“Talaga kuya nagdasal ka kay Papa Jesus pero hindi natupad wish mo?”

Advertisement

Bago pa makasagot si Danny ay bigla na itong tinawag ng ina at inutusan.

(Photo for illustration purposes only)

Kinabukasan, habang nagkakape si Aling Cora ay dumating ang anak na si Julie matapos itong di umuwi ng dalawang gabi. “Mano po nay.” Habang ito ay nakayuko.

“Saan ka na naman galing na babae ka? at naisip mo pang umuwi sana hindi ka na lang bumalik.” Hinawi niya ang kamay ng anak na magmamano sana.

“Nay tulungan mo ko, buntis ako.” Umiiyak na saad nito.

“Diyos ko po ano ba namang buhay ito iniwan ka na ng asawa mo, walang trabaho na panganay, tapos may buntis pa. Diyos ka ba talaga?” panunumbat ni Aling Cora.

Kagigising lang ni Andoy at nagkakamot pa ito ng mata nang marinig ang ingay at iyakan ng ina at ate niya. Naiwan ang Ate Julie niya sa lamesa at lumapit siya dito. “Ate okay ka lang bakit ka umiiyak?”

Tinignan lang siya ng babae at sabay pumasok sa kwarto nito.

Sinundan ito ng bata at tinabihan sa kama. “Ate huwag ka na ngumiyak magdasal ka lang kay Papa Jesus ng wish mo?” Sabay abot ng panyo.

Advertisement

“Hindi! Dasal, hindi totoo yan! Kasi kung totoo yan dapat hindi niya ako hinayaang mabuntis at iwan ng tatay ng bata sa tiyan ko.” Umiiyak na sagot ng babae. Iniwan ng bata ang kapatid na may halong lungkot.

(Photo for illustration purposes only)

Lumabas at naglaro si Andoy dala ang kanyang hila-hilang kotse, sa kasagsagan ng kanyang paglalaro ay may nakita siyang matandang lalaking biglang hinimatay, walang ibang tao sa paligid kaya hindi rin makahingi ng tulong ang bata.

Bigla niyang naisip na kumuha ng tubig at buhusan ang matanda. Dala-dala ang isang tabo ng tubig inihagis niya ito sa mukha ng lalaki.

“Manong, okay lang kayo?”

Naubo-ubo ang matanda, “M-medyo okay na ako anak.” Saad ng lalaki.

“Kayo po ba ang tatay ko?” biglang tanong ng bata.

“Hindi iho.” Natawang naubo ang matanda.

Titig na titig lamang rito si Andoy nang muli itong magsalita, “Uhaw na uhaw na ako maari ba akong makahingi ng isang basong tubig at huwag yung sa tabo?”

Advertisement

Tumakbo pauwi ang bata at kumuha ng maiinom at nagdala pa ng tirang tinapay at itlog na naiwan sa lamesa nila.

“Kain po muna kayo, mukhang gutom na rin po kayo tsaka saan po ba kayo galing at ano po ba yang dala niyo parang ang bigat-bigat naman po?” Tanong ng inosenteng bata.

“Galing ako sa Ama ko pinadala niya ko dito para kargahin ang mga ito at dalhin sa isang lugar para masalba ko.”

“Hmmm, hindi po kita maintindihan, maiba lang po ako kasi malapit na po ang bertdey ko pero parang walang nakakaala sa bahay namin. Malungkot man isipin pero umaasa ako na sana malaman nila ang wish ko.”

“Ano ba ang wish mo?” tanong ng lalaki.

“Naku hindi naman po kita kilala baka ipagkalat niyo pa, kahit nga kay Papa Jesus hindi ko pa nasasabi kasi hindi ko alam kung pakikinggan ba niya ako dahil sa bahay lahat sila sinasabi na hindi sila pinakikinggan ng Diyos. Pare-parehas po sila si Nanay, Ate at Kuya ko.” Saad ni Andoy.

“Nakikinig siya palagi, minsan kasi gusto niyang matuto muna ang mga nagdarasal sa kanya at sinusubukan niya kung malakas ba talaga ang pananalig ng tao sa kanya. Hinding hindi ka niya pababayaan.” Habang kinukusot ang ulo ng bata.

“Siya nga pala kilala ko yang si Papa Jesus, gusto mo ako na magsabi ng wish mo sa kanya bulong mo na lang sa akin para walang makarinig.” Anyaya ng lalake.

Advertisement

‘Sige basta promise mo po na huwag mong sasabihin sa iba.” Binulong ni Andoy ang kanyang mga wish, bago muling nagsalita, “Kahit isa lang po doon masaya na ko.”

“Makakarating Andoy, sige alis na ako at gabi na.” Habang naglalakad ng palayo ang lalaki ay biglang napaisip ang bata.

“Huh, paano niya nalaman pangalan ko? Manong teka. Ano ho ang pangalan nyo?” sigaw niya.

Lumingon lang ito at ngumiti bago sumagot, “PJ.”

Kaarawan na ni Andoy, inihanda na niya ang pinakatatagong damit na hindi pa niya nagagamit para sa pagsimba, tapos na rin siyang maligo at nagsusuklay na lang ng buhok.

Paglabas niya ng kwarto ay wala siyang nakita, “Nay, Kuya, Ate hala nasan kaya sila?” Halos napapaluha na ang bata at napaupo sa sahig, “Niloko mo ko, totoo nga ang sabi nila na hindi mo tinutupad ang mga wish ayoko na sa iyo.”

Palabas na ng pinto ang bata habang nagpupunas ng luha, ngunit laking gulat niya ng salubungin siya ng Nanay niya na may kasamang lalaki.

“Tay!” hiyaw ni Andoy nang makilala ang lalaki.

Advertisement

“Anak!” sigaw rin naman nito at sinalubong ang yakap niya, “Pasensya kana, nagkaproblema si Tatay sa trabaho kaya di ako makatawag.”

“Wala po yun Tay, ang mahalaga nandito kana,” umiiyak na sabi ni Andoy.

At hindi pa dion natapos ang sorpresa para sa bata, “Bunso.” nakangiting tawag ng Kuya at Ate niya na may dalang lobo at cake.

“Akala mo nakalimutan na namin ang bertdey mo, may trabaho na Kuya mo, natanggap ako kanina lang.” Masayang ibinalita ng binata.

Habang ang ate naman niya ay kasama ang nobyo na handa nang panagutan ang anak nito. “Alam ko paborito mo itong lobo, malapit ka nang magkaroon ng pamangkin laro kayo paglabas niya sa tiyan ko ah.” hirit nito sa bunsong kapatid.

Tumakbo palabas ng bahay nila si Andoy, lumuhod at tumingala sa langit. “Salamat Papa Jesus at nasabi sa inyo ni PJ ang mga wish ko, maraming maraming salamat po!”

Hindi alam ng bata kung ano ang hiwagang nababalot sa nakilala niyang lalaki. Posible kayang si Papa Jesus at PJ ay iisa? Kung ano man ang sagot ang mahalaga ay natupad ang birthday wish niya at wala siyang kasing saya.