Napakababaero ng Lalaki Ito Ngunit Hindi Pa Rin Siya Iniiwan ng Nobya, Paano Kaya Kung Iputan Din Siya ng Babae, Ano Kaya ang Ending ng Love Story Nila?

Halos sampung taon nang magkasintahan si Janina at Toper ngunit hindi parin sila nagpapakasal dahil sa sobrang pagiging babaero nitong lalaki.

“Ayan, nahuli mo na naman si Toper na may iba ano? Kaya ka nagmumukmok diyan sa tabi?” wika ni Paula, ang bading na kaibigan ni Janina.

Image courtesy of www.google.com

“E anong bago? Natural lang naman daw sa mga lalaki ang magloko, magkakagusto yun sa iba pero saglit lang tapos pag nagsawa na babalik din sa akin,” mapaklang sagot ng babae.

Image courtesy of www.google.com

“Ay wow, so ano ka? Kapag napaklaan sayo saka maghahanap ng iba? Ano tawag sayo, tanga, martir, bobo? Anong tawag dyan sa ginagawa mo, dali! Para naman maorient ko ang ibang kababaihan ditey!” baling namang muli ni Paula saka nagtatataas ito ng kilay.

“Oo na! Pero kasi ‘di ba? Ilang beses na ba niya sa akin ito ginawa? Dalawa? Lima? Anim? Hindi ko na nga matandaan e pero kahit ganun pa man ay bumabalik naman siya sa akin at nagiging maayos kami diba, kaya nasanay na lang ako,” malungkot na wika ng dalaga.

“Kaya hindi ka inaaya ng kasal niyang mokong na ‘yan dahil alam niyang andiyan ka lang parati para sa kaniya at hindi ka mawawala kahit pa magkaroon siya ng isang katerbang ibang babae!” sagot naman ni Paula.

“Kailan ka ba mauuntog? Kailan mo ba susukuan yang jowa mong wala namang kagwapo-gwapo! Diyos ko Janina, tumingin ka sa paligid mo ang daming mas deserving sa’yo at sa buong pagkatao mo,” dagdag pa ng kaibigan.

Wala na yatang kaibigan ang babae na sumusuporta sa pagmamahalan nila ng kaniyang nobyong si Toper dahil sa paulit-ulit na pangbababae nga nito at sa paulit-ulit rin na pagpapatawad o pagsasawalang imik ni Janina sa kanilang problema.

Advertisement

“Hindi ko na kasi alam paano pa magsisimula ng wala siya,” nabasag ang boses ng dalaga at tuluyang umagos ang luha.

Image courtesy of www.google.com

“Alam kong tanga ang tingin niyo sa aking lahat. Pero sampung taon Paula, paano ako mag-uumpisa ulit sa bagong yugto ng buhay ko kung yung kalahating pagkatao ko ay siya na ang bumuo?” dagdag pa ng babae.

“Kahit saan ako pumunta, kahit saan ako lumingon siya ang nakikita ko. Ni ultimo kulangot ko s’ya ang maaalala ko. Paano akong babangon sa umaga at isiping kaya ko pa ng wala sya? Hindi ko kaya Paula, hindi ko talaga kaya,” at niyakap na lang ni Paula ang kaniyang kaibigan.

Kolehiyo pa lang ay magkasintahan na si Toper at si Janina, halos buong puso na rin silang tinanggap ng mga kani-kanilang pamilya. Natutulog na rin ang dalawa na magkasama sa iisang kwarto at tanging kasal na nga lang ang kulang para masabing mag-asawa na ang dalawang ito. Gustuhin man ni Janina na siya na lamang ang mag-aya ng kasal ay hindi niya magawa dahil babae pa rin naman daw siya at may karapatang mahingi ang kamay sa mga magulang niyang nabubuhay pa.

Bukod pa roon, tingin din ng dalaga na hindi pa sawa ang lalaki sa pangbabae nito at hindi pa kayang pumasok sa pagpapamilya. Lagi na nga lang pinagdarasal ni Janina na kapag naging mag-asawa na sila ay hindi na ganon si Toper dahil sawa na ito sa mga kalokohan niya at pasasaan ba’t magiging masaya rin silang pamilya.

Hinahangaan ng marami ang pagkapit at paniniwala ng babae sa kaniyang nobyo, pati nga ang mga ito ay nakikidasal na lang rin magkaroon ng happy ending si ate girl dahil sa kamartiran nito. Ngunit katulad ng maraming babae ay pilit rin sinusungkit ng ibang lalaki ang puso ni Janina pero talagang sarado na ito sa kahit anong malandi, malumanay, malambing na ugnayan sa kahit kaninong lalaki.

“Inaantay mo si Toper? Samahan na kita, gabi na e,” saad ni Kenneth, isa sa pinakaguwapong may gusto sa babae.

Image courtesy of www.google.com

“Naku, baka bigyan mo pa ng meaning ito e. Hindi na lang Kenneth, may guard naman,” nakangiting saad naman ni Janina sa lalaki.

Advertisement

“Malinaw pa sa buwan ang pagkakabasted mo sa akin dati kaya hindi na ako manggugulo ngayon. Hayaan mo lang akong maging kaibigan mo,” baling naman ng lalaki at nagkwentuhan nga sila ng dalaga sa labas ng opisina habang inaatay si Toper.

Ngunit lumipas na ang tatlong oras, nakapagkape na ang dalawa at nakakain ng kwek-kwek sa tabi pero wala pa ring anino ng nobyo nito ang dumarating.

“Ihatid na kaya kita? May motor rin naman ako at parehas naman tayo ng way. Don’t worry, pure friendship!” wika ni Kenneth. Pumayag naman ang dalaga dahil magaan ang loob niya rito, sa lahat rin nang binasted niya ay tanging si Kenneth lamang ang hindi nag-iba ang pakikitungo sa kaniya.

Mabilis ang naging byahe nila at naka-uwi agad ito sa bahay, gulat na gulat naman si Toper nang makitang bumaba si Janina sa motor ng ibang lalaki.

“Malandi ka! Kailan ka pa umangkas sa iba?” sigaw ni Toper sa dalawa kahit malayo pa ang lalaki sa bahay ng babae.

Image courtesy of www.google.com

“P’re, sa’kin na tong tinutuhog mo. Gusto mo pa rin?!” saad ni Toper. Naamoy kaagad ni Janina ang alak sa hininga ng kaniyang nobyo.

“Tama na Toper, nagpahatid lang ako kasi hindi ka naman dumating. Kaibigan ko yan si Kenneth. Lasing ka kaya pumasok na tayo,” mahinahong baling ni Janina sa lalaki at hinawakan na ang nobyo. Agad namang hinubad ni Kenneth ang kaniyang helmet at hinarap ang lalaki.

“Bakit parang galit na galit ka yata pare e hinatid ko lang naman si Janina,” pahayag ni Kenneth saka hinarap si Toper, nararamdaman na ni Janina ang tensyon dahil ito ang unang pagkakataong sumama siya sa ibang lalaki.

Advertisement

“Natatakot ka ba sa sarili mong multo? Natatakot ka bang sabihin ko sa’yong nililigawan ko si Janina kasi sinasaktan mo lang naman e? O natatakot kang maiputan sa ulo? Alin ba dun? Kasi isang tingin ko pa lang sa’yo hindi mo naman mahal yung babaeng pinapangarap ko!” madiin na dagdag ni Kenneth.

Natameme si Janina sa kaniyang narinig, gusto niyang sampalin si Kenneth ngunit gusto niya marinig o makita man lang ang magiging reaksyon ni Toper sa sinabi ng lalaki.

“Nagpapatawa ka, pare! Hindi ako iiwan nitong si Janina. Kahit nga magdala pa yata ako ng babae sa kama naming ay ayos lang sa kaniya – hik – kasi hindi niya kayang mabuhay ng wala ako, hik!” baling ni Toper at doon mabilis na dumampi ang sampal ni Janina sa mukha ni Toper na siyang kinawala ng pagkalasing ng lalaki.

Image courtesy of www.google.com

Pumasok na ang dalaga sa loob at iniwan ang dalawa, mabilis na umalis si Kenneth dahil ayaw niya ng away. Samantalang umuwi naman ng lasing si Toper dahil alam niyang bukas ay ayos na naman sila ng babae.

“Sorry kung sinabi ko yun, ako pa ang naging rason kung bakit kayo nag-away ng ni Toper. Sorry talaga! Hindi ko intensyon iyon, lumabas lang talaga ang galit ko sa pananakit niya sa’yo,” text ni Kenneth sa dalaga.

“Salamat, nang dahil sa’yo ngayon alam kong dapat gumising na ako sa kahibangan na ito,” baling naman ni Janina at ngumiti.

Masakit man para sa kaniya ngunit sinimulan niya ang pag gising sa umaga na wala ng Toper sa kaniyang buhay. Unti-unti, dahan-dahan niyang pinapagaling ang sarili dahil noong gabing iyon doon niya napatunayan na hindi siya mahal ng lalaking buong puso niyang hinihintay kaya naman iniwan na niya ito ay ngayon ay nagsisimulang mag-isa.

Sa tulong ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ay kinakaya ni Janina ang sakit, nandiyan din parati si Kenneth sa kaniyang tabi ngunit kailan man ay hindi siya kinulit tungkol sa nararamdaman niya sa binata.

Advertisement

Si Toper naman ay nagmamaka-awa kay Janina na balikan siya pero ngayon ay matigas na rin ang dalaga at dalang-dala na ito. Kaya working out ang Janina 2.0, mas malakas, matapang at isang dalagang Pilipinang karapat-dapat igalang at mahalin.