Labis na Katamaran ang Umiiral sa Lalaking ito at Inasa na Lamang Niya sa Pangongopya ang Pagpasa sa Klase, sa Huli Pagsisisihan Niya Ito

Katulad ng ibang estudyante, isang simple at normal na estudyante lamang si Gabriel.

“Gabriel, ayos naman ang performance mo sa klase pero napapansin ko lang e parating mababa ang mga pagsusulit mo? May problema ba?” tanong ni Ginang Eva, ang adviser ng bata sa eskwela.

Image courtesy of www.google.com

“Ma’am hindi lang po ako nakapagreview,” sagot ng bata sabay balik nito sa kaniyang pagsusulat.

Image courtesy of www.google.com

Magaling naman siya sa klase, mahilig itong sumagot sa mga tanong at parating sumasali sa talakayan ngunit aminado ang bata na tamad siyang magbasa at magkabisa ng kanilang mga aralin lalo na kapag may pagsusulit.

“Gabriel, mag-aral ka na. Bukas ay periodical exam ninyo!” sigaw ng nanay ng bata na si Aling Mirna.

“Opo mama, ‘wag kayong mag-alala makakapasa ako!” saad ng bata at patuloy lamang siya sa panonood ng telebisyon.

Image courtesy of www.google.com

“Mangongopya na lang ulit ako kay Kevin bukas, last naman na e,” saad ni Gabriel sa sarili.

Si Kevin ang nangunguna sa kanilang klase at hindi niya alam kung alam ba nito na lagi siyang nangongopya sa tuwing may pagsusulit, kaya minsan ay bumababa ang mga iskor niya kapag hindi niya masyado natatanaw ang mga sagot ng kaklase. Hanggang sa naitawid niya ang elementarya sa pangongopya kay Kevin.

Advertisement

“Kevin sa’n ka papasok ng high school?” tanong ni Gabriel dito.

“Dito lang rin malapit sa’tin, bakit mo naitanong?”

“Alam mo na, high school na. Sana magkaklase tayo ulit para naman may kaibigan ako agad at hindi puro bagong mukha, balita ko raw kasi halo-halo sa bawat seksyon e,” wika ni Gabriel.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa, malakas ang pagdarasal ng bata at naging magkaklase nga sila. Simula noon ay hindi siya humiwalay kay Kevin sa upuan, sa meryenda at pag-uwi ay parati niyang sinasabayan ito dahil sa kaibigan siya nakasandal pagdating sa klase.

Sobrang tamad ni Gabriel sa pag-aaral at parati na lamang itong naglalaro ng kompyuter.

“Gabriel, mag-aral ka mamaya para sa Biology, balita ko ang exam natin bukas ay may ibang istilo,” saad ng binata sa kaibigan.

“Wag kang mag-alala Kevin, mag-aaral ako,” baling ni Gabriel dito.

Pag-uwi ng binata ay naglaro lamang ito ng kompyuter at hindi nag-aral dahil alam niyang makakapangopya siya sa kaibigan ngunit hindi niya inaasahan ang mangyayari kinaumagahan.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“May dalawang set ang pagsusulit natin ngayon, ihihiwalay ko kayo sa dalawang grupo para walang makapag-kopyahan,” pahayag ni Ginang Gonzaga, ang guro nila sa Biology.

Image courtesy of www.google.com

Isinumpa ni Gabriel ang araw na iyon dahil bagsak siya sa pagsusulit dahil napahiwalay siya kay Kevin. Kaya naman natutunan niyang kumopya sa iba pa nitong kaklase hanggang sa naging tampulan siya ng tukso.

“Gabriel, humaba na naman daw ang leeg mo kanina sa klase, may nakopya ka ba?” tanong ng isa nitong kaklase habang humahagalpak sa katatawa.

“Kevin, nahihiya na akong pumasok. Inaasar ako ng lahat na mangongopya,” saad ni Gabriel sa kaibigan habang kumakain sila ng meryenda.

“Ikaw naman kasi, sinabi ko naman sayong mag-aral ka at hindi mo ako parating katabi,” baling ni Kevin dito.

“Ha? Alam mong nangongopya ako sa’yo?” tanong ni Gabriel.

“Naku naman ang tagal-tagal na, palagi kong sinasabi sayong mag-aral ka kasi sa trabaho wala ka nang makokopyahan, ikaw lang lahat,” wika ni Kevin sa kanya.

Natapos na ni Gabriel ang high school at aminado siyang nalagpasan niya ito nang dahil sa kanying pandurugas. Kaya noong mag eexam na siya para sa kolehiyo ay hindi siya makapasa-pasa rito, ni hindi niya masagot ang simpleng math at ang iba pang mga subjects.

Advertisement

“Kevin, pwede ba akong humingi ng tulong sayo? Baka pwede ka namang pumunta dito sa bahay mamaya?” wika ni Gabriel sa telepono.

Agad namang pumunta si Kevin sa kaibigan at nagbitbit ito ng napakaraming libro.

Image courtesy of www.google.com

“Alam ko kung bakit ka tumawag. Uunahan na kita, hindi ako ang pwedeng kumuha ng exam para sa’yo. Pangalawa, ang maitutulong ko lang sayo ay ang mga librong ito, ayan aralin mo ulit,” pahayag ni Kevin sa kaibigan.

“Kailangan mo munang tulungan ang sarili mo bago ako tumulong sayo,” dagdag pa nito.

Hindi na nakapagsalita pa si Gabriel at imbes simulan niya ang pagbabasa, binalikan ulit ni Gabriel ang lahat ng aralin. Huminto siya ng isang taon para lang balikan ulit ang lahat ng kaniyang mga hindi natutunan, hindi naintindihan at mga kinaligtaan. May mga pagkakataong gusto niyang sumuko ngunit iniisip na lamang niya na kung hindi niya malalagpasan ang katamarang iyon ay hindi siya makaka-usad sa buhay.

Pagkatapos ng isang taon ay muli siyang kumuha ng entrance exam at nakapasa siya rito.

“Kevin, nakapasa na ako! Makakapag-aral na ako ng kolehiyo, salamat sa’yo mahal kong kaibigan!” wika ni Gabriel sa kaibigan na kausap sa telepono.

“Magpasalamat ka sa sarili mo dahil nalagpasan mo ang iyong katamaran at ngayon ay handa ka nang lumaban ng patas sa buhay,” baling ni Kevin dito.

Advertisement

Ngayon ay nakapagtapos na si Gabriel ng kolehiyo, wala mang kahit anong medalya ay sapat naman na sa kaniyang naitawid niya ang kaniyang pag-aaral ng hindi nangongopya.

Image courtesy of www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.