Inday TrendingInday Trending
Aso’t Pusa ang Pulis at Preso na Ito; Galit nga ba o Iba na ang Kanilang Nararamdaman?

Aso’t Pusa ang Pulis at Preso na Ito; Galit nga ba o Iba na ang Kanilang Nararamdaman?

“Ano na naman ba? Sinabi ko na nga buong pangalan ko diyan eh! Ba’t ba ayaw maniwala ha?!” pag mamataaas ng boses ni Gin sa pulis na si Cris.

“Hoy! Ikaw babae! Baka akala mo sino ka dito ha? Ako ang pulis! Ako! Ako! Ako!” galit na singhal ni Cris sa nagrereklamong babae na kanilang nadampot sa kalye dahil sa paglabag sa curfew.

“Hoooy ka den! Alam ko lahat ng mga karapatan ko at hinding hindi mo ako pwedeng utus-utusan na parang yaya mo! Isang linggo lang ako dito kaya hintayin mo ha. Hintayin mo!” balik na tugon naman ng babae.

Pangatlong beses na kasi nila itong nadadampot sa kalye na naglalakad kahit na dis oras na ng gabi at sa tuwina na lamang, pabalang pa ito kung sumagot. Kaya naman, ngayon ay hindi na siya pinalagpas pa ng mga pulis at pinaratangang magsilbi sa loob ng presinto ng isang linggo bilang parusa. Hindi naman akalain ni Gin at Cris na dito na pala mg-uumpisa ang kanilang istorya.

Isang umaga, ingat na ingat si Cris na pumuslit sa presinto dahil makakagalitan na naman siya ng kaniyang supervisor. Late na naman kasi siya at hindi nakaabot sa umpisa ng flag ceremony. Patulog ang kaniyang marahang lakad habang ang mga mata niya ay nakapokus sa mga pulis nan aka linya sa may labas lamang. Hanngang sa bumunggo siya at napaupo sa may sahig.

Labis niya iyong ikinagulat dahil akala niya ay may nakahuli sa kaniya. Nang tingnan niya nang diretso ang taong nabunggo niya, tumayo siya nang tuwid matapos makita ang mukha ng babaeng pinakaiinisan niya- si Gin!

“Siiir! Siii…” malakas na tawag ng babae sa supervisor ni Cris. Subalit tinakpan kaagad ng binata ang kaniyang bibig dahil muntikan na silang makita roon. Hinila niya nang mabilis ang dalaga sa kanilang opisina. Nanlaki ang mga mata nito at muling ipinulupot ang kaniyang mga kamay at tinaasan ng kilay ang binata.

“Pupuslit ka pa ha? Balita ko huli na lang at ipapadala ka na sa ibang presinto ah? Hahaha!” pagmamayabang ng dalaga sa binata.

“Hoy!” anang binata.

“Hoy! Ano? Bakit ha?!” tugon naman ni Gin.

“’Wag mo sasabihin, please. Kahit ano gagawin ko…” pakiusap naman ni Cris sa dalaga na nagpangiti nang malaki dito.

Naisip lang naman ni Gin na wala ng epal sa buhay niya. Ang lalaking palagi siyang binabara at inuutos utusan ay hawak hawak na niya sa kaniyang mga palad. Mukhang magiging masayang tunay ang natitira niyang limang araw sa presinto!

At ganoon na nga ang nangyari. Dumaan ang dalawang araw na maraming utos si Gin sa binata. Pinapabili niya rin ito ng mga masasarap na pagkain dahilan kung bakit mas nairita sa kaniya nang lubusan ang binata.

“Bwisit! Bwisit! Sa dinami-rami ng tao dito sa present iyong bruha pa talaga ang makakakita sa akin? Talaga naman oh? Cris, napakamalas mong tao! Hindi bale, tatlong araw na lang at aalis na ‘yang babaeng ‘yan!” malakas na wika ni Cris sa sarili.

Marami na rin ang nagtataka dahil hindi na sila nakikitang nag-aaway ng mga tao doon. Tuwang tuwa naman ang dalagang si Gin dahil hindi makaganti sa kaniya ang binata. Maganda at makinis ang balat ng dalaga subalit marumi ito sa katawan kung kaya naman ay hindi iyon halata. Kaya rin, diring-diri sa kaniya si Cris.

Isang umaga, isang araw bago tuluyang umalis si Gin, nakita ni Cris ang dalagang umaatungal palabas ng banyo. Sa sandaling pagkakataon, nag-alala siya para sa dalaga at nais na kausapin ito subalit mas nanaig pa rin ang inis niya rito. Pinigilan niya na lamang ang sarili at inisip na aalis na naman na iyon doon bukas at saka muling napangiti ang binata.

Nang buong araw na iyon, wari bang hinihintay na ni Cris ang mga iuutos sa kaniya ng dalaga subalit ni isa ay wala itong sinasabi sa kaniya. Nagsimula na siyang mas mag-alala at malalim na pinag-isipan kung bakit lumuluha ang matapang na babaeng kilala niya.

Pauwi na ng bahay si Cris subalit hindi na niya nakita o nakausap man lang ang dalaga ng buong araw.

“Haay! Buti naman wala na siya bukas. Laya na ako. Laya na akoo!” pagdiriwang ni Cris habang naglalakad pauwi. Ngunit sa gitna ng kaniyang kasiyahan ay napatigil siya nang makita ang asawa ng kaniyang supervisor sa may malayo. Nilapitan niya iyon dahil alam niyang kung magiging mabuti siya doon ay babait sa kaniya ang boss niya. Subalit nalito siya dahil dis oras na ng gabi at hindi pa raw umuuwi ang boss. Sa pagkakaalala niya, hapon pa lamang ay umalis na iyon.

Bumalik siya ng presinto dahil sa pakiusap ng asawa ng boss subalit alam niyang wala na iyon doon. Nang makapasok sa presinto, agad niyang tiningnan ang tahimik na paligid at ilang mga pulis na duty. Umakyat siya sa taas at nakita ang walis na laging hawak ni Gin. Muli siyang tumingin sa paligid subalit wala ulit sinuman. Dumiretso siya sa opisina ng boss nang mapansin na hindi iyon nakasara. Pagbukas niya ay tumambad sa kaniya ang pang-aab*uso ng kaniyang sa umiiyak na si Gin.

Ilang sandali, hindi siya makakurap sa kaniyang nakita. Muling nagbalik sa kaniyang isip ang masasayang mga ngiti ng dalaga at ang mukha nito nang nakita niyang umiiyak ito. Tinapangan niya ang kaniyang loob at isinumbong ang lahat ng kaniyang nakita at nalalaman. Doon niya napag-alaman na ginag*hasa na pala si Gin ng kaniyang boss at tinatakot ang buhay nito.

Simula ng araw na iyon, nangako si Cris sa dalaga na habambuhay na niya itong poprotektahan dahil hindi na galit o awa ang kaniyang nararamdaman, kundi isang desisyon na mamahalin ng tunay at tapat si Gin.

Advertisement