Ginantihan ng Lalaki ang Nobyang Nang Iwan sa Kanya Noon, Halos Lumuhod Siya Rito Nang Malaman ang Tunay Nitong Dahilan sa Pag-Alis

“Anong ginagawa mo dito?”

Halos sabay na wika nina Angelo at Kath. Pareho silang gulat nang makita nila ang isa’t isa. Sino ang mag aakala, na pagkatapos ng maraming taon ay muli pang magku-krus ang mga landas nila?

Gaano na ba katagal..ah, limang taon. Limang taon na ang nakakalipas nang maghiwalay sila. Dati silang mag-nobyo, bagamat nagsama sila sa iisang bahay. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon kung kaya naman halos ipagdasal nila pareho na sana’y hindi na nila kailanman makita ang mukha ng isa’t isa.

Ngunit ngayon ay tila pinag-adya ng tadhana na muli silang magkita. Nang araw na iyon ay nagdesisyon si Kath na mag-apply sa kumpanyang ito at hindi niya naman lubos akalain na ang mag-iinterview sa kanya ay ang damuho niyang ex-boyfriend.

“This is going nowhere.” sabi ni Kath at tatalikod na.

Paalis na sana siyang muli sa opisina nito nang muli siya nitong tawagin, “Won’t you be professional enough to go on with this interview?” Desidido si Angelo na gisahin ito. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang MAS dito, dahil nasa kanya ngayon ang alas. Di tulad noong huli nilang pagkikita na sobrang liit ng nagging pagtrato ng babae sa kanya.

Wala namang nagawa si Kath kundi ang maupo ulit, ayaw niyang iparamdam na talo siya, bagamat napakalakas ng kabog sa kanyang dibdib. Ayaw niya mang aminin ay mahal niya pa rin ang lalaki, at nasasaktan siya sa matalim na tingin nito ngayon.

“Why should we hire you?” diretsong tanong ni Angelo.

Advertisement

“I have enough experience Sir, I’ve worked with two companies before, which has almost the same goals as this company…” at kung anu ano pang isinagot ni Kath. Tumatango tango lang naman si Angelo habang nakikinig, kapag napapatitig ito sa kanya ay agad din nitong iniiwas ang mga mata.

Natapos ang interview na magaan ang pakiramdam ni Kath. Nakasagot naman kasi siya nang maayos sa mga interview questions nito. Kaya naman pakiramdam niya ay magiging propesyonal rin ang lalaki upang ipasa siya. Kailangang kailangan niya pa man rin ng trabaho ngayon. Dahil nangangailangan ng buwan buwan na gamutan ang kanyang ama.

Hanggang sa tawagin na ang lahat ng nakapasa nang araw na iyon. Kinakabahan siya dahil hindi pa rin tinatawag ang pangalan niya. Mas nauna pang tawagin ang babaeng halos walang maisagot kanina sa initial interview.

“And that’s all for today. Sa mga hindi pinalad makapasa, you may go now and come back after six months.”

Halos bumagsak ang balikat niya nang hindi talaga marinig hanggang sa kahuli-hulihan ang kanyang pangalan. Pakiramdam niya ay tila may mali. Confident siya kanina, confident siyang makakapasa siya dahil naging maganda naman ang pagkakasagot niya sa lahat ng katanungan.

Hanggang sa may pumasok sa kanyang isipan. Napakuyom na lamang siya nang kamao nang maisip ang isang posibilidad. Hinabol niya ang secretary, “Miss anong oras ang labas ni Mr. Angelo Sarmiento?”

Ayaw sabihin ng sekretarya ang impormasyong iyon pero desidido siya. Talagang inabangan niya ang dating asawa sa labas ng kumpanya. Wala siyang pakialam kahit na lamukin pa siya doon. Ang tanging nasa isip niya ay masagot ang katanungan sa utak niya.

Nang makita niyang papalabas na ang lalaki ay agad siyang tumayo, “Angelo! Pwede ba tayong mag-usap?”

Advertisement

Nangunot ang noo nito pagkakita sa kanya, “Excuse me?”

“Anong problema mo? Bakit hindi mo ako pinasa? May galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nagawa kong pang-iwan sayo?” dire diretsong tanong ni Kath.

Animo nagulat ang lalaki sa sinabi niya, “Ha?” pero halata naming umaarte lang ito.

“Totoo naman diba? Galit ka sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sayo noon. Kaya ito ka ngayon, gumaganti sa akin sa pamamagitan ng ganitong paraan! Napaka unprofessional mo!”

Tumawa nang pagak ang lalaki, “Nagkakamali ka Kath…”

Napatigil ang babae. Tila namiss niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.

“Hindi ganoon. I’ve matured now. Hindi na ako yung lalaking palagi mong sinasabihangisip-batanoon. Tama ka naman eh. Hindi talaga habambuhay ay dapat akong umasa sa iba. Kaya ito ako ngayon, nagsumikap matapos mong iwan noon. Siguro naman Kath, napatunayan ko na sayong di ako walang silbi.” matabang na sabi ng lalaki.

Nasaktan si Kath sa sinabi nito, gustong gusto niyang magpaliwanag at linawin dito ang dahilan niya pero para saan pa ba? Wala na siyang aayusin. Ramdam niya ang matinding galit nito sa kanya. Ang buong-akala ng lalaki ay iniwan niya ito dahil wala itong matino at permanenteng trabaho, walang mapakain sa kanya at hindi siya maitira sa maayos na tahanan.

Advertisement

Kunsabagay ay hindi niya naman ito masisisi dahil iyon naman talaga ang iniwang dahilan niya sa lalaki. Hindi nito alam ang tunay niyang dahilan noon.

“Sorry, sige tanggap ko na ang desisyon mo. Sana lang hindi na rin magtagpo pa ang mga landas natin,” nakayuko niyang tugon dito at lulugo lugong tumalikod na.

Samantala, simula nang muli silang magkita ni Kath ay hindi na napakali si Angelo. Aminado siyang galit pa rin siya sa babae ngunit hindi niya maiwasan ang damdaming nagising nang makita niya ito. Kaya naman palihim siyang nagtungo sa bahay ng pamilya nito.Kahit panakaw na sulyap lang, baka makuntento na siya.

Luma na ang bahay ng mga ito, walang bakod at gate. Noong una ay nasa malayo siya pero natutukso siyang lumapit nang lumapit, lalo pa at tanaw sa bintana si Kath, kakwentuhan nito ang nanay nito.

Kath, akala ko nalimutan na kita..ang sakit ng ginawa mo sa akin noon. Gumuho ang mundo ko nang iwan moko..pero bakit mahal pa rin kita?Iyan ang tumatakbo sa isip ni Angelo.

“Sayang naman at hindi ka nakapasa anak. Kailangan pa naman ng tatay mo ng maintenance na gamot.Kumusta, di ka naman ba nya inaway?”

“Hindi naman ma, siguro ay minalas lang ako. Mag apply nalang ako sa iba ma,”pagsisinungaling ni Kath.

“Anak, don’t you think na dapat ay nalaman ni Angelo ang dahilan ng pang iiwan mo? Sa gayon ay di mo sinosolo ang sakit, after all, anak nyo ang nawala dahil sa sobra mong pagtatrabaho. Edi sana ay karamay mo sya sa pagdadalamhati nang makunan ka.”

Advertisement

Gulat na gulat si Angelo sa narinig. Gumuhit ang kirot sa kanyang puso..namatayan sila ng anak.

At siya ang dahilan.

“Ma, tama na po. Nakaraan na yun Ma. May kanya-kanya na kaming buhay ngayon.”

Dahil sa narinig ay agad na kumatok si Angelo sa pinto nina Kath. Wala siyang pakialam kahit patayin man siya ng mama nito. Ang mahalaga ay makahingi siya ng tawad dito at sa magiging anak nila sana noon. Wala siyang kaalam-alam doon. Tanging sarili niya lang ang inisip niya.

“Sorry Kath,” humahagulgol siyang yumakap sa babae.

Mahabang paliwanagan ang nangyari sa kanila. At sa pamamagitan ng matiyagang panunuyo kay Kath ay matagumpay niyang nakuha muli ang tiwala’t pagmamahal nito.

“Pinapangako ko na magsusumikap na ako para sa muli nating bubuuing pamilya.”