Kung Kelan Mapo-promote ang Babaeng Manager ay Saka Naman Nito Naisipang Magresign sa Trabaho, Nakakamangha ang Kanyang Dahilan

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Hillary?” tanong ng direktor ng kumpanyang pinapasukan niya.

“Yes sir, sigurado na po ako.”

Napakamot ito ng batok, “Ano ba talagang dahilan mo?”

Napangiti siya habang inaalala ang nakaraan.

30 years na rin ang nakararaan simula nang una siyang tumapak sa kumpanyang Yojin Inc. Bukod sa presidente, ay siya na ‘ata ang pinakamatagal na empleyado sa kumpanyang pinapasukan. Halos buong-buhay niya ay inialay siya sa kumpanyang ito.

Nagsimula siya bilang simpleng empleyado ng kumpanya o kung tawagin ng iba ay sa pinakamababang posisyon. Pagkatapos ng ilang taon ay napromote siya sa sumunod na pwesto. Hanggang sa lumipas ang dalawampung taon ay narating niya ang posisyon bilang manager. Ngunit doon nasiya natigil. Ilang taon na rin siyang naghihintay ma-promote bilang direktor.

Kaya naman tuwang-tuwa siya nang ianunsyo sa kanya ng presidente na isa siya sa mga kandidato ng promotion. Itinreat niya ang sarili noon sa mall at sa kanyang pamamasyal mag-isa ay may napansin siya.

Marami siyang nakasalubong na magpapamilya, mag-asawa o mag-nanay na kapwa masayang namamasyal. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Hindi katulad ng mga ito, marami siyang dalang shopping bags, branded ang suot na sapatos at damit at maraming perang laman ang bag niya. Advertisement

“Pero bakit parang may kulang?” tanong niya noon sa sarili.

Tumingin siyang muli sa mga tao sa mall. Nakatsinelas lang ang iba, samantalang ang iba naman ay alam niyang imitations o peke lang ang mga suot na damit at dalang bag. Tinignan niya ang ekspresyon ng mukha ng mga ito–sobrang saya nila.

Kinapa niya ang sariling damdamin. Kahit gaano pala karaming laman ng wallet niya, tila ang puso at buhay niya naman ang walang laman. Wala siyang asawa, wala rin siyang anak. Matagal nang patay ang mga magulang niya samantalang ang mga kapatid niya naman ay may mga sarili ng pamilya.

Noon niya lang naisip na tatlumpung-taon ng buhay niya ang nasayang dahil sa pagtutok niya sa trabaho. Inisip niya kasi noon na kapag minahal niya ang trabaho, lahat ay mapagtatagumpayan niya.

Nagtagumpay nga siya, pero sa larangan lang iyon ng pampinansyal na aspeto. Pero sa totoong aspeto ng buhay, ang pag-ibig, pamilya at mga kaibigan, lahat ‘yun ay wala siya.

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Hillary?” tanong ulit ng boss.

Ngumiti siya dito, “Hindi na po, Sir. Siguro po ito naman ‘yung time para paglaanan ko ng oras ang sarili ko ng oras. Hindi ko alam kung huli na ang lahat para sa akin, pero susubukan ko pa ring sumugal. 30 years man ang nawala sa buhay ko, susubukan kong punuin naman ‘yun ng mga masasayang alaala. Yung wala ng hassle, kung may stress man, yung pangkaraniwang stress nalang ng mga pangkaraniwang tao.” Advertisement

Agad na naintindihan ng direktor si Hillary. Pinirmahan nito ang resignation letter niya. Matapos noon ay nag-apply siya sa volunteer activities na tumutulong sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang bansa. Masaya siyang makatulong at masaya rin siyang nakakahalubilo ang mga tao. Doon ay nakilala niya rin ang isang Argentinian volunteer at kasing-edad niya.

Masayang-masaya si Hillary sa desisyong tinahak. Tunay ngang hindi pa huli ang lahat para sa kanya. At talaga ngang hindi lamang pera ang makakapaghatid ng tunay na kasiyahan sa tao.

Ika nga nila, “Live your life to the fullest.”

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.