Dahil Lapitin ng Disgrasya’y Iniwasan na ng mga Kaibigan Niya ang Lalaki; Nag-iba ang Ihip ng Hangin Nang Siya’y Biglang Swertehin ng Todo

“P’re balita ko muntik ka na naman daw masagasaan kahapon?” kausap ni Loloy sa kaniya, isa sa kaniyang barkada.

“Buti nga p’re at kamuntikan lang— akong mam*tay. Buti nga at bali lang ang natamo ko,” nahihirapang wika ni Ryan.

Nandito na naman siya sa Ospital sa pang-siyam na beses. No’ng unang aksidente niya’y muntik nang mauntog ang ulo niya na pwedeng ikasawi ng kaniyang buhay. Ang pangalawa naman ay nawalan ng break ang kaniyang kotse at nahulog sa bangin, mabuti na lamang at nakalabas siya agad bago pa man tuluyang nalaglag ang kotse sa ibaba. Ang pangatlo ay noong nag-cramp ang kaniyang paa at muntik na siyang malunod habang nagsu-swimming. Ang pang-apat, kamuntikan na siyang masagasaan ng truck dahil nakatulog ang drayber nito.

Halos naging suki niya na yata ang ospital dahil lagi-lagi na lamang siyang sinusugod rito dahil naging habulin na rin yata siya ng aksidente.

“Minsan p’re naiisip kong may lahing pusa ka. Ilang beses ka nang kamuntikang mamat*y pero lagi kang nakakaligtas at heto buhay na buhay ka pa rin. Napakaswerte mo talaga p’re,” humahangang wika ni Loloy.

“Nagpapasalamat nga ako sa Panginoon p’re at kahit gano’n lagi ang nangyayari sa’kin ay buhay pa rin ako,” umaaray na wika Ryan. “Pero minsan naiisip ko rin kung sinu-swerte ba talaga ako o minamalas. Pakiramdam ko p’re ako na yata ang hari ng sablay. Lagi na lang kasi akong naaksidente,” umiiling na wika ni Ryan.

“Sabagay, sinuswerte ka nga dahil lagi mong natatakasan si kamat*yan pero kung iisipin mo namang maigi. Iyan din ang dahilan kaya nilayuan ka ng mga kaibigan natin. Kasi iniisip nilang napakamalas mo,” sinserong wika ni Loloy.

“Kaya nga p’re e,” sang-ayon naman ni Ryan. “Buti nga’t hindi ka pa lumalayo sa’kin, Loy.” Nakangiti niyang dugtong.

Advertisement

Agad namang umismid si Loloy at tabinging ngumiti. “Bakit naman ako lalayo sa’yo e wala ka namang sakit na nakakahawa. Sabihin na nating malas ka nga, e ano naman ngayon?”

“Salamat Loy ah,” buong pusong wika ni Ryan.

Si Loloy na lang yata ang hindi pa lumalayo sa kaniya. Mula kasi noong lagi na lang siyang naaaksidente ay unti-unti na ring nawala sa ang mga kaibigan niya. Natakot yatang mahawaan sa kamalasan niya.

Pero kahit gano’n man ang kapalaran niya na puro negatibo na lang ay naiisip pa rin ni Ryan ang positibong bahagi. Kaya nga hinayaan na lamang niya ang mga taong lumayo sa kaniya.

Makalipas ang apat na buwan…

“Ryan, nakita mo na ba ang lumabas ngayon sa lotto?” Nasasabik na wika ni Loloy.

“Hindi pa. Bakit, tumama ka ba?”

“Hindi ako. Ikaw ang tumama. Tingnan mo ang numerong inalagaan mo nang mahabang panahon. Iyan ang lumabas ngayon sa lotto,” masayang-masayang wika ni Loloy.

Advertisement

“Ha! Talaga ba? Ibig sabihin ba nito Loy, mayaman na tayo?” Tumatalong wika ni Ryan.

“Oo p’re! Puch* kahit lapitin ka ng aksidente, alam kong maswerte ka talaga sa buhay,” natatawang wika ni Loloy.

Tama nga ang kaibigan. Nanalo nga siya sa lotto sa halagang fifty million pesos! Nakuha niya ang jackpot! Ang saya-saya niya pati na rin ang matalik na kaibigan. Sinong mag-aakalang ang kagaya niyang malas ay may pag-asa pang manalo sa sugal na ito?

“Anong balak mong gawin sa pera mo p’re?” Tanong ni Loloy.

“Wala pa akong maisip p’re. Siguro sa ngayon ay iba-bangko ko na muna ito at ‘yong isang daang libo ay gastusin na muna natin para sa bakasyon nating dalawa,” aniya.

Naiisip rin ni Ryan, na mas maiging pag-isipan niya kung saan nga ba niya nais mapunta ang perang napanalunan. Ngunit hangga’t wala pa siyang naiisip ay mas maiging itago muna ito.

Simula noong malaman ng mga kaibigan nila ang nangyaring pagkapanalo niya sa lotto ay unti-unting bumalik ang mga ito sa kaniya, ngunit tila nadala si Ryan, dahil sa ginawa ng mga ito.

“Bakit ayaw mo nang tanggapin ang mga barkada natin p’re?” Takang tanong ni Loloy.

Advertisement

“Hindi naman sa ayaw tanggapin. Magkakaibigan pa rin naman tayong lahat pero hindi na talaga gano’ng kagaya ng dati. No’ng kasing panahon na puro kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay ko’y tinalikuran nila ako at pinandirihan na tila may malala akong sakit. Tapos ngayong sinuswerte ako’y nais nilang bumalik para maambagan ng swerte ko. Hmm, mga plastik silang kaibigan Loy.

Nagpapasalamat nga ako at ikaw lang ang nanatili sa piling ko noong panahon na tila tinalikuran na ako ng buong mundo. Kaya ngayong nanalo ako sa lotto ikaw lang ang maambagan ng swerteng ito,” nakangiting wika ni Ryan.

“Naiintindihan kita p’re.”

“Minsan malalaman mo talagang totoo ang isang kaibigan kapag walang-wala ka sa buhay. At nagpapasalamat ako sa’yo Loy, dahil ikaw lang ang nanatili noong walang-wala ako.”

“Wala naman kasi ‘yon. Siyempre, magkaibigan tayo. May magkaibigan bang nag-iiwanan?” anito.

“Kaya ngayon ay pasasayahin natin ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pagbakasyon!” Masayang wika ni Ryan.

“Paano kapag na aksidente ka ulit?”

“E ‘di ikaw na ang bahala sa pera ko. Alam mo naman kung saan ko itinago e,” aniya.

Advertisement

“Paano kung nakawin ko ‘yon? Masyado kang nagtitiwala sa’kin.”

“E ‘di gawin mo. Konsensya mo rin naman ‘yon,” aniya at nagtawanan na lamang sila.

Mahirap humanap ng kaibigang totoo at nagpapasalamat si Ryan dahil nakahanap siya ng isa at iyon si Loloy. Sa kabila ng pagtakas niya palagi kay kamat*yan at pagiging suki sa ospital ay may positibo pa rin namang nangyari sa buhay niya. Iyon ay ang pagkatagpo niya ng totoong kaibigan at ang pagkabuhay nang paulit-ulit at ngayon ay ang pagkapanalo niya sa lotto.

Lapitin man nang malas ay maswerte pa ring maituturing.