Hinulaan ang Binata na Susuwertehin Daw Siya sa Lalaking May Pambihirang Ilong; Nagkatotoo Nga Ito!
Bagong dating sa Maynila si Chino. Isa siyang magsasaka sa probinsya at mayroon siyang kasintahan, si Dolores, na sinubukang makipagsapalaran sa lungsod. Dahil suportado niya ang nobya ay siya pa ang nagbigay rito ng perang pamasahe para makaalis. Ngayon ay sinundan niya ito pero hindi niya inasahan na mas magulo pala ang Maynila kaysa sa pinanggalingan niyang lugar.
“Kuya, dito ka na kumain. Masarap dito sa amin!” malakas na sigaw ng isang babae na niyayaya siyang kumain sa karinderya nito nang mapadaan siya sa ma-taong eskinita.
Nagulat si Chino dahil halos haltakin na siya ng ale sa pwesto nito, ganoon din ang isang lalaking nag-aalok din ng pagkain sa katapat na karinderya.
“Dito ka na lang sa amin, manong. Siguradong magugustuhan mo ang mga ulam dito!” wika ng lalaki sabay hila sa damit niya.
“T-teka, sandali lang naman, ang polo shirt ko masisira!” saway niya.
Dahil alam na bagong salta siya ay dinumog pa siya ng mga tindera.
“Uy, bumili ka na, kuya!”
Hindi sanay si Chino na kinukulit siya ng ganoon kaya nakahanap siya ng paraan para makaalis agad sa magulong lugar na iyon.
Advertisement“Aysus, para palang mga pugita ang tao rito! Grabe kung makakapit!” sambit niya sa isip. Habol hininga siya habang tumatakbo.
Napaisip tuloy siya, tama bang pumunta siya sa Maynila? Tahimik at payapa ang buhay niya sa probinsya, sariwa ang hangin, kaunti lang ang mga tao at hindi magulo. Makatagal kaya siya sa lungsod? Pero kailangan, eh, gusto niyang makita si Dolores.
Maya maya ay napahinto siya, isang pamilyar na mukha ang nakasalubong niya.
“C-Chino! Uy, pare ikaw nga!” sabi ng isang lalaki.
“J-Joel! Salamat naman at nakita kita rito!”
Si Joel ay kaibigan niya na nanggaling din sa probinsya na pumunta sa Maynila para magtrabaho. Mabuti naman at nakita niya ito.Sinabi niya rito ang pakay.
“Iyon nga pare. Pati naipon ko ay ibinigay ko kay Dolores, pero ‘di ko alam kung nakarating siya rito sa Maynila, ‘di na kasi siya tumawag sa akin buhat noon. Nag-aalala na nga ako, eh baka may kung anong nangyari sa kaniya,” kwento niya.
“Aba’y may kabigatan nga ang problema mo, pare,” tugon ni Joel.
AdvertisementNagpatulong siya sa kaibigan na maghanap ng matutuluyan. Inalok siya nito na sa inuupahang apartment muna makituloy habang hinahanap ang nobya. Habang papunta sila sa apartment ay may nadaanan sila…
“May mga nanghuhula rin pala rito, ano? Tara sa loob, magpapahula ako. Baka sakaling malaman natin ang kinaroroonan ni Dolores,” yaya niya.
“Hanggang ngayon ba’y hilig mo pa rin ang magpahula?” kakamot-kamot sa ulong sabi ng kaibigan.
Marami na kasing nangyari sa buhay ni Chino na nagsimula sa hula kaya’t malaki ang paniniwala niya dito.
At sinimulan na nga ng manghuhula na basahin ang kaniyang kapalaran…
“Dalawang tao ang makaka-engkwentro mo, hijo. Isang itim at isang puti, ‘gulo’ sa madaling salita,” wika ng matandang babae.
“Ano? Negro at puti? Eh, sino naman po sila?’ gulat niyang tanong.
“P-pero isang lalaking pambihira ang ilong ang magbibigay sa iyo ng suwerte,’ saad pa ng manghuhula.
Advertisement“Pambihirang ilong? Sarat? Piko de loro o, iyong walang butas?” tanong pa niya.
Sa pag-alis nila sa pwesto ng matanda ay nalilito pa rin siya.
“Ano ba iyon? Hindi naman nasagot ang tanong ko kung saan ko matatagpuan si Dolores. Kung anu-ano lang ng sinabi nung manghuhula. Kaunting pera na ang ang natitira sa akin…paano kaya ako tatagal dito sa Maynila, pare?” sabi niya sa kaibigan.
“Relaks ka lang, pare. Bisita kita, akong bahala, manood ka lang,” sagot ni Joel.
Bumuwelo si Joel. Napansin niya na mukhang may ‘di magandang gagawin ang kaibigan.
“Teka, dudukutan niya ‘yung negrong ‘Kano!”
Madaling nakaramdam ang dinukutan, pero mas mabilis kumilos ang nandukot. Natagumpay si Joel na madukutan ang negrong Kano na kasabay nila habang naglalakad.
“Dali! Takbo, pare!”
Advertisement“Hey, where you think you’re goin’?” sabi ng ‘Kano.
Imbes na si Joel ay si Chino ang naabutan ng lalaki. Sinunggaban agad siya ng ‘Kano at gulp*ng marino ang inabot niya rito. Pobreng Chino, siya ang napagdiskitahan.
“You, sh*t! Ump!”
Pinagsasapak siya ng negrong ‘Kano.
“Ugh! Agh! Ahh!”
Binalikan siya ni Joel at ginantihan ang ‘Kano, dahil magaling sa pakikipag-upakan ang kaibigan ay madali nitong napatumba ang negro. Hinila na siya nito palayo sa lugar.
“Ang bagal mo kasing tumakbo kaya naabutan ka tuloy ni nognog.”
“Pambihira ka, pare, hindi mo naman sinabi sa akin na ‘yan pala ang trabaho mo rito sa Maynila, ang pandurukot. G*go ka talaga!”
Advertisement“Ngayon lang naman ito, pare. May matinong trabaho ako rito, isa akong waiter sa fast food chain, day off ko lang ngayong araw. Ginawa ko ito para sa iyo, kasi sabi mo wala ka nang pera. Wala naman akong maiabot sa iyo dahil hindi pa ako sumusuweldo. Kita mo naman, nakadali ako, ‘di ba?”
“Pero masama pa rin ang ginawa mo, pare. Hay naku!”
Ilang sandali pa…
“Ay, ano ba?” gulat na sabi ng isang babae.
Nakabungguan ni Chino ang isang maganda at s*ksing tisay.
“Sorry, miss. Hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi kami ng kasama ko,” aniya.
“Okey lang ‘yon, guwapo ka naman, eh, kaya ayos lang ako,” sagot ng babae na kumindat pa sa kaniya.
Ilang saglit pa ay umalis na ito’t nagpaalam. May napansin din si Chino pagkatapos niyon.
Advertisement“A-ang pitaka ko, nawawala! Put*ngina, dinukutan ako ni tisay,” gulat niyang sabi nang kapain niya ang bulsa ng pantalon.
“Mag-iingat ka, pare, daming mandurukot dito. Nadale ka ni tisay,” wika ni Joel.
“Diyos ko, nagkakatotoo na ang hula, una yung negrong ‘Kano, itim tapos ngayon naman si tisay, puti. Tama ‘yung manghuhula, gulo nga ang hatid sa akin,” napapailing niyang sabi.
“Edi tapos na pala ang masamang hula sa iyo. Iyon na lang suwerte ang hindi pa dumarating,” wika ng kaibigan.
“Ano pang suwerte? Pati iyong pitaka ko ay nawala! L*tseng hula ‘yan!” naiinis niyang sabi.
Sa patuloy na paglalakad nila ay may napansin si Joel.
“Pare, tingnan mo! Kita mo ‘yung mamang ‘yon na nakatayo sa gilid ng restawran? Parang buwaya ang ilong pulos butas,” natatawa nitong sabi.
Biglang napangisi si Chino.
Advertisement“Oo nga! Siguro ‘yan na ang suwerte ko!”
Nilapitan nila ang lalaki at kinausap. Sinabi nila rito ang tungkol sa hula.
“Pinagloloko niyo ba ako?” sambit ng lalaki.
“Hindi po, mama! Talagang nangyari ang hula sa akin at kayo raw ang magbibigay ng suwerte sa akin,’ paliwanag niya.
“Tama po ang kaibigan ko, mama,” sabad naman ni Joel.
Siyempre na-touched niya ang ego ng lalaki kaya isinama sila sa bahay nito na nasa tabi lang ng restawran.
“Sige, kain lang kayo. At dahil suwerte nga ako sa inyo, pagsisilbihan kayo ng bago kong rekrut,” sabi ng lalaki.
Ang lalaki ay si Mr. Chua, ito ang may-ari ng restawran kung saan nila ito nakita kanina at may isa pa itong negosyo, may-ari din ito ng isang casa. Nag-aalok siya ng mga babae para sa panandaliang aliw.
AdvertisementTuwang-tuwa naman sina Chino at Joel kay Mr. Chua. Pinakain na ng sila nito ng masarap, inalok pa sila ng babae na may kasama pang discount. Dahil nakadelihensiya si Joel sa negrong ‘Kano ay may pambayad sila. Pero sa huli ay tumanggi si Chino, tapat pa rin siya kay Dolores, kaya pinaubaya niya na ito kay Joel. Matagal na rin kasing tigang ang kaibigan dahil wala itong nobya.
At nang ipakita ng lalaki ang bagong rekrut na babae ay laking gulat ni Chino dahil iyon ay walang iba kundi si…
“D-Dolores?!”
“C-Chino? A-anong ginagawa mo rito? Ilayo mo ako rito! Pinipilit nila akong magtrabaho rito pero ayoko!” umiiyak na sabi ng babae.
“K-kaya pala hindi ka na tumawag sa akin iyon pala ay b*ktima ka ng rekruter na ito,” wika ni Chino na niyakap agad ang nobya.
Maya maya ay biglang may dumating na mga pulis sa bahay ni Mr. Chua at dinampot ito. Matagal na palang minamanmanan ng mga awtoridad ang negosyong iyon ng lalaki kaya wala na itong kawala.Hindi naman nadamay sa kaso sina Chino at Joel dahil tumestigo sa kanila si Dolores na hindi sila kasama sa pagbebenta ng mga babae. Isinuko rin ni Joel sa mga pulis ang kinuha niyang pitaka sa negrong ‘Kano at humingi ng tawad. Naawa naman sa kaniya ang dayuhan kaya abswelto na siya. Nagkatotoo nga ang hula, dahil kay Mr. Chua ay sinuwerte siyang nahanap ang babaeng pinakamamahal niya at nailigtas pa niya ito sa kapahamakan.
Nagpaalam na sina Chino at Dolores kay Joel, babalik na sila sa probinsya para doon magpakasal. Nangako si Chino sa nobya na kahit mahirap ang buhay nila roon ay gagawin niyang maligaya ang pagsasama nila. Samantala, si Joel naman ay mas sinipagan pa ang pagtatrabaho bilang waiter sa fast food chain at kinalimutan na ang ginawa niyang pandurukot.